CHAPTER 20: Beginning

1K 46 7
                                    

CHAPTER
TWENTY

Beginning

After making sure that Scott was comfortable on Susanna's bed, Feliciah on her own room and Kanlas on the guest's room, everyone gathered around the circular table in their dining room. Nakahain na ang mga pagkain sa harapan nila pero wala pa ring nagsasalita o nagsisimula man lang kumain.

Nakatulala si Susanna. Si Rosalinda naman ay nakatitig kay Christina na nakatulala rin. Samantala, si Veronica naman ay abala sa cellphone nito.

"Okay.." Umupo nang maayos si Christina kaya naman ganoon na rin tatlo. "First of all, I want you to know that I am quite upset because of what you did. Hindi niyo dapat basta na lang inatake ang kuta nila!"

"Nasa kanila si Scott," sabi ni Susanna na para bang iyon ang pinakanatural na sagot na pwede niyang sabihin.

"Kahit na. Paano kung napahamak kayo?" Giit ng kanilang ina. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa kakayahan niyo. Alam kong malalakas kayo pero 'yung ginawa niyong 'yun sobra na 'yun. Paano kung imbis na mailigtas niyo si Scott ay hindi naman na kayo nakabalik?"

"We're here," baliwalang sabi ni Rosalinda. "Huwag niyo nang isipin ang mga bagay na hindi naman nangyari."

"Oo nga po," segunda ni Veronica.

"I'm just worried."

"Huwag na kayong mag-alala," sambit naman ni Susanna. "Hindi rin naman pinlano ang pagpunta do'n. Nagkataon lang na may sumusunod sa'kin at nakapag-teleport ako. At nakasunod pala sila."

"Basta huwag na 'yung mauulit." Bumuntong-hininga si Christina. "Tungkol naman kay Ronan."

Sumeryoso agad ang mukha ni Susanna at Veronica. Si Rosalinda naman ay napabuntong-hininga saka tumuon sa upuan.

"Alam kong kilala niyo na siya. He's the leader of the Dead ones," panimula ni Christina. "Nalaman namin na siya ang maituturing na pangalawang Dead one. The first one was his older brother, Markus. Ang sabi namatay ang kapatid niya at gusto niyang ipaghiganti ito."

Kumunot ang noo ni Susanna. She never heard that story.

"Sa tingin niya, sapat na 'yung dahilan para ubusin niya ang halos lahat ng lahi?" Galit na tanong ni Rosalinda. Umirap siya at tumayo.

"Rosalinda.."

"Sorry pero wala na akong gana."

Umalis na ito at pinanood na lang nila ito.

"Intindihin niyo na lang si Rosalinda.." sabi naman ni Christina nang tuluyan itong makaalis. "Galing kasi sa kanilang Sorcerer ang magkapatid na Ronan at Markus."

Nagulat sina Susanna at Veronica doon. Nagkatinginan pa sila pero sa huli ay walang nagsalita.

"Ano't ano pa man, kailangan na talagang mahanap si Ronan at patayin. Ngunit hindi iyon ganoon kadali. Lalo pa't napapatay lang ang mga Sorcerer ng isang pang Sorcerer na nakatakda para sa kanila."

"Parang soul mate?" Kuryosong tanong ni Veronica. Naalala niya ang sinabi ni Rosalinda na isang tao lang ang maaaring pumatay dito at hindi pa ito sigurado kung patay na ito o ano.

"Oo.." Tumango naman ang Witch. "Mahirap hanapin ang kung sino mang nakatakda sa kanya. Maaaring patay na rin ito. Kaya naman iniisip ng Council na gamitin na ang kapangyarihan ng Necromancer o ni Rosalinda."

"Ano namang meron kay Rose?" Tanong ni Susanna.

"Hindi niyo ba alam?" Kumunot ang noo nito. "Si Rosalinda ang huling Sorcerer na kayang gawin ang Sealing Spell. Matagal nang tinawag na forbidden spell 'yun o death spell sa hindi ring malamang dahilan. Pero kung hindi kayang patayin ang isang nilalang pwede iyong gamitin o 'di kaya nga ay sa pamamagitan ng mga Necromancer."

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon