CHAPTER 3: Solution

1.4K 59 10
                                    

CHAPTER
THREE

Solution

Pagkalayong-pagkalayo niya sa table kung nasaan si Scott ay hindi na siya nagulat nang sabayan siya ni Rosalinda sa paglalakad. Suminghal kaagad ito.

"What the hell do you think you're doing?" Nagngangalit nitong tanong.

Hindi siya kumibo at diretso lang ang lakad niya palabas ng cafeteria. She pushed the heavy glass door and went outside. May iilang estudyanteng sinundan sila ng tingin.

"Sue!" Rosalinda hissed.

"Wala!" Inis niyang sabi at hinarap ang kapatid.

Nasa gilid na sila ng hallway kung saan wala nang masyadong tao. Parehas silang naiinis kaya naman halos sumabog silang dalawa nang magharap sila. Masama ang tingin sa isa't isa.

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Anong pake mo?"

"I'm just thinking about your safety!"

"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya sabay iling habang tumatawa nang sarkastiko. "My safety? Ano namang kinalaman no'n sa pakikipag-usap ko sa lalaking 'yun?"

"Wala akong tiwala sa lalaking 'yun."

"Don't worry I'm sure wala rin siyang tiwala sa'yo."

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!"

"Hindi rin naman ako." Umirap siya at humalukipkip. "C'mon Rose. Wala namang masamang makipag-usap ako sa kanya. You're worrying for nothing."

"Kapag may hindi magandang nangyari, kasalanan mo 'yun!" Pasigaw nitong sinabi bago tumalikod at nagmartsa paalis.

Naiwan si Susanna na nakatayo doon. Lumingon siya sa malawak na field ng university habang naglalaro ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi.

It wasn't because she was happy or what. Gusto lang niyang ngumiti nang bahagya dahil alam niyang mula sa malayo ay may nakatingin sa kanya.

Malapit nang mag-time nang dumating siya sa classroom nila pagkatapos ng lunch. Naghanap pa kasi siya ng vendo machine kanina para sana bumili ng kahit anong inumin. Pero sa huli wala din siyang binili. Nagbago lang talaga ang isip niya.

Nakita niyang walang nakaupo sa tabi ni Scott kaya doon sana siya didiretso nang bigla siyang harangin ni Carla. Her readied smile immediately vanished.

"Bakit magkasabay kayong kumain ni Scott kanina?" Carla asked. Mukhang inis ito pero sinusubukan lang na maging mahinahon.

Mahina naman ang boses nito pero alam niyang nakikinig ang mga chismosa nilang kaklase. Masyadong maliit ang classroom nila para sa pag-uusap na ganito.

"Layuan mo na siya," biglang sabi nito nang walang matanggap na sagot mula sa kanya.

Kumunot ang noo niya. She could not understand this woman.

"Bakit naman?"

"Hindi mo alam kung paano magalit si Ashley."

Sabay na tumaas ang kilay niya sa gulat. Ang akala niya kasi ay kaya ganoon ang kinikilos nito ay dahil sa selos. Ngayong, nakadinig siya ng ibang pangalan ay bigla siyang naintriga.

"Ashley?"

"She's Scott's girlfriend," pagpapaalam nito sa kanya kaya napatango siya.

Naputol na ang pag-uusap nila nang pumasok na ang kanilang professor. Ni hindi man lang siya nagdalawang-isip na ituloy ang paglalakad papunta sa upuan sa tabi ni Scott. Nakasunod naman ang tingin sa kanya ng lahat.

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon