CHAPTER 7: Truth

1.2K 57 6
                                    

CHAPTER
SEVEN

Truth

Susanna felt like the world stopped in spinning. Her eyes slowly closed as she felt the air in her lungs trying to come out. Nanlamig din ang sikmura niya. Imbis na bumilis ang tibok ng puso niya ay parang tumigil naman ito sa pagtibok. Isang segundo bago ito kumalabog muli. Sa sobrang lakas noon ay napasinghap siya at nanlaki ang kanyang mga mata.

Noon niya naramdaman ang braso ni Scott na nakapulupot na pala sa kanyang baiwang. Matapos ang ilang segundo ay humiwalay na rin ito sa kanya.

Napakurap-kurap siya. Habol ang kanyang hininga. Mapula ang mga labi niyang nakaawang pa. She felt like she died earlier and this was her second life now.

"Did you h-have to do that?" She asked barely a whisper.

"Of course. It was the seal."

"Eh, gago ka pala!" She yelled in annoyance. Itinulak niya ito at mabilis itong nakalayo sa kanya. Tila nag-teleport ito papunta sa gitna ng kwarto. "You had to do that? Kailangan talaga may kasama pang dilang tarantadong hinayupak ka!"

Hindi ito nagsalita. Napatayo siya at handa na siyang gamitan ng kahit anong mahika sa ginawa nito nang biglang may kumatok sa pintuan. Nilingon niya iyon at agad ibinalik ang tingin kay Scott pero wala na iyon doon. Napamura siya. Natakasan siya.

Padarag niyang binuksan ang pintuan at lalong napasimangot nang makita si Feliciah. Nakatingala ito sa kanya.

"I don't know what you are doing but you're not supposed to be that loud," Feliciah said calmly.

Napairap na lang siya at tumango. Pumasok ulit siya sa kanyang kwarto at inilibot ang tingin sa paligid. There was no sign of Scott. Tumaas ang kilay niya bago mabilis na pumunta sa bintana ng kwarto niya. Sumilip pa siya sa labas bago isinarado iyon at inayos na rin ang mga kurtina.

Maaga siyang nagising kinabukasan. Sa totoo lang ay hindi pa nga siya sigurado kung nakatulog ba siya o hindi. The image of Scott and her while kissing kept on flashing in her mind. Para siyang mababaliw lalo na at ramdam na ramdam pa niya ang dila nito sa loob ng bibig niya.

"Fuckin' shit," she cursed softly when she almost knocked herself on the stairs' railings.

Pagdating niya sa dining room ay inasahan niyang tahimik lamang ang mga ito lalo na't wala pa si Rosalinda sa hapag. She could feel Christina's eyes on her. Hindi naman ito nagtanong kaya naman wala siya sa sariling kumain ng agahan.

Ngunit kahit nang dumating si Rosalinda ay daig pa nila ang nasa lamay.

Huminga siya nang malalim at sinadyang ibagsak ang mga kubyertos. Halatang-halata alerto ang mga kasama niya dahil sabay-sabay ang mga itong lumingon sa kanya at lumutang naman sa hangin ang tinidor ang dapat ay mahuhulog sa sahig. Nilingon niya si Feliciah na gumawa noon. Tumango ito sa kanya.

"Susanna.." Christina's soft voice interrupted her thoughts. Tumikhim muna ang matandang mangkukulam bago nagpatuloy. "Are you okay?"

"Yes," mabilis na sagot niya. She even breathed through her nose because of annoyance. "So, stop acting like I am not!"

"Susanna.."

"Para tayong nasa lamay, eh wala namang namatay."

"Nag-aalala lang kami sayo," paliwanag ni Christina. "Gabi ka na umuwi. Ni hindi ka man lang nagpapasabi."

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon