CHAPTER
NINEChain
Days had passed, and Susanna found it really entertaining to play with Scott. Hindi siya nagkamali sa desisyon niya. Wala man siyang nakikitang pagbabago sa ekspresyon nito, nararamdaman niyang nagtatagumpay na siya 'di pa man nagtatagal ang laro nila.
"So kayo na ni Scott?" That question would always be asked to her everyday.
Hindi niya alam kung bakit kailangan pang malaman ng mga ito kung anong meron sa kanila ni Scott. Ngumingiti na lamang siya sa bawat tanong patungkol doon at pinipiling pag-isipin pa ang mga ito.
Nadidinig niya ang usapan ng ilan. Maraming nagulat at naguluhan pero hindi nawala iyong nagalit at nainggit sa kanya dahil napunta raw sa kanya ang lalaki. Natatawa na lang siya dahil sa isip-isip niya ay papatayin niya rin naman ito kaya't wala na ring makikinabang dito.
"Do you use makeup?" Venice, one of her classmates that Susanna didn't know was existing until she approached her asked her curiously.
Tulad lang ito ng ibang babae. Kikay at chismosa. Hindi nga alam ni Susanna kung bakit bigla itong sumama sa kanila ni Naomi. Naging kaibigan na rin niya si Naomi at lagi nang nakabundot sa kanya. Pero wala siyang problema doon. Tahimik lamang kasi ito at kadalasan ay nakatuon lang ang atensyon sa isang makapal na librong hawak nito. Hindi katulad ni Venice na wala na yatang balak tumigil ang bibig.
"Nope," she replied sipping on the straw of her milk tea.
They were inside a milk tea shop that she wasn't really familiar. Sumama na rin siya dahil bukod sa mahaba ang vacant time nila ay masarap sa pakiramdam niya ang gumawa ng mga bagay na ginagawa ng mga normal na tao.
"Really?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Venice. Hindi ito makapaniwala sa nalaman. "You're so pretty! Do you have skin care routine?"
"Nope," she replied again.
"Wow." Venice sighed. "Nakakainggit ka. Do you know how many steps I have in my skin care routine? Almost eight."
"I have thirteen," biglang singit ni Naomi kaya't nabaling dito ang tingin nilang dalawa.
"What?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Venice at pinakatitigan pa ang mukha ni Naomi. She couldn't believe it but the result was really evident. Sobrang kinis nito! "Tell me about it! Ano bang skin type mo?"
Nawala na ang atensyon ni Susanna sa dalawang kasama niya at nabaling na lamang sa ibang customers na nasa loob ng cafe. Mahina lamang ang pag-uusap ng lahat ng tao. Nasa pinakagilid silang table kaya naman tanaw na tanaw niya ang iba nilang kasama sa loob. Medyo malaki ang cafe at madidinig ang isang sikat na OPM song na tumutugtog sa background.
It was so peaceful yet Susanna felt like something was off.
"Oh my gulay!" Before Venice could even see it, Susanna already saw them as they walked outside the cafe.
Halos isang dangkal ang layo ng dalawa. Maaari silang mapagkamalang hindi magkasama pero ang sabay nilang paghakbang ang sasalungat doon. Diretso lamang ang tingin nila. Nakapamulsa si Scott habang ang babae ay nasa magkabilang gilid lamang ang mga kamay.
"She looks like a doll," Naomi commented.
"A weird doll," Venice added.
Agaw-pansin ang suot na sumbrero ng babae. Tila ba pinagsisigawan nito sa lahat na Halloween na at kailangan nang maghanda. Kahiy ang suot-suot nitong itim na bestida at mahabang boots. Kulang na lamang ay magdala ito ng broomstick.
BINABASA MO ANG
The Enchantress
FantasyHe was an enemy. At kahit kailan hindi niya dapat ipakita ang kahinaan niya lalo na sa isang kaaway. "Scott.." Kumalabog ang dibdib niya nang makita ang pagsunod ng mga mata nito sa kanyang bibig papunta sa kanyang mga mata matapos niyang sabihin an...