CHAPTER 10: Girlfriend

1.1K 52 5
                                    

CHAPTER
TEN

Girlfriend

Susanna had a plan. Iyon nga lang medyo malapit na sa imposible ang plano niya. Mahirap kasing magtanong kay Scott nang hindi ito naghihinala. If only there was a way to tell if someone was a Dead one or not.

"Meron ba?" She asked Scott which sounded randomly but it was really planned. "You know, kailangan kong malaman para naman hindi na maulit 'yung nangyari noong nagkita kami ng kapatid mo."

Nagtagal ang titig ni Scott sa kanya kaya pilit niyang itinago ang kaba at humigop na lamang sa kanyang milk tea. Nandito sila ngayon sa cafe na pinuntahan nila ng mga kaibigan niya noong isang araw. Kahit naman hindi mahilig ang binata sa mga ganoong klase ng inumin ay napilit niya pa rin ito at nagpag-order pa ng slice ng cake.

Kanina lang ay tinanong niya ito tungkol sa activity na gagawin nila next week sa isa sa mga subjects nila hanggang mapunta ang usapan sa chismis na kumakalat na sila at hindi nagtagal ay sa kapatid nitong nag-enroll pala sa university nila.

Of course, Susanna had nothing to say about it. Nararamdaman niyang malamang isa siya sa mga dahilan kung bakit napagpasyahan ng babae na mag-enroll kahit pa halos patapos na ang semester. Hindi rin naman siya sigurado pero malaki ang posibilidad na alam ng pamilya ni Scott ang tungkol sa kanya.

Ano bang tungkol sa kanya? Well, whatever reason he had, his family might have an idea about it or they were suspecting and were trying to prove it now.

"I don't like whatever idea you have in your mind.." he calmly said.

Susanna opened her mouth to defend herself when he suddenly fished something out of his pocket. She curiously waited until he reached for her hand. Awtomatikong nailayo niya iyon saka siya napangisi at ibinalik ang kamay sa pagkakahawak nito. Doon niya napansin ang singsing na hawak nito. Isinuot nito iyon sa kanyang kaliwang kamay sa palasingsingan. Gusto niyang magreklamo pero hindi na lang siya nagsalita. Mamaya kasi kung ano na naman 'yun.

"This.." Binitawan nito ang kanyang kamay. "..will help you."

Nagulat siya doon. Itinaas niya ang kanyang kamay at tiningnang mabuti ang singsing. There was nothing special in it. It was only a black ring. Para nga itong pekeng singsing na nangitim na dahil nabasa ng tubig.

"Talaga lang ha?" She tried to hide her sarcasm but still failed. Tiningnan niya ito. "Ipaliwanag mo naman."

"The color of the ring changes. Ngayon kulay black iyan dahil ako ang pinakamalapit sa'yo. Black means I am a Dead one. The color might be black, green, gold, red, violet or blue. The color depends on the color of the magician's eyes."

"Oh.." Bigla siyang natuwa sa nalaman. "How accurate is this?"

"One hundred percent."

"Okay!" Nakangiting sabi niya sabay tingin ulit sa singsing.

Black.

After receiving the ring from Scott, she couldn't wait to use it. Pakiramdam niya magagawa niya ang misyon niya nang mabilis at walang kahirap-hirap.

"What's with the outfit?" Nakataas ang kilay na tanong ni Veronica sa kanya.

Naglaho ang ngiti niya at tiningnan ang kapatid niyang nakasuot ng witch costume na para bang katulad na katulad ng sa kapatid ni Scott. May dala pa itong broomstick.

"Nagpaalam ka ba kay Christina?" Tanong niya at sinubukang kunin ang broomstick pero iniiwas nito iyon. Umirap siya.

"She knows."

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon