CHAPTER 19: Explosion

932 50 4
                                    

CHAPTER
NINETEEN

Explosion

Malacca was standing straight on her black stilettos while her arms were crossed in front of her chest. She was looking down. Kitang-kita ang galit sa mga mata niya at kunot sa kanyang noo. The calm and composed Malacca was gone. Pagkatapos nang nangyari sa pamilya niya ay hindi na niya kailangan pang pigilan ang sarili niya.

Una pa lang, noong sinubukang tumakas nina Scott at Feliciah noong mga bata pa lamang ang mga ito. Masakit na para sa kanya na patayin ang batang Scott pa noon dahil sa pagkawala ni Feliciah. Pero nakatakas lamang ito at bumalik para maging kasapi na nila. Maging Dead one.

She was doubting that time. Alam niyang may dahilan kung bakit ito gugustuhin pagkatapos ng napakaraming paghihirap na maging Dead one. When she finally learned about the girl he wanted to protect, she already knew that he would betray them someday for her.

"Scott.." tawag niya sa binatang nakayuko sa kanyang harapan.

Nakaupo ito sa malamig at basang sahig ng kulungan kung nasaan sila. Nakagapos ang mga kamay nito ng kadena kahit ang mga paa nito. Wala na itong suot na damit pang-itaas at bakas na bakas doon ang mga bagong sugat na gawa ng latigong hawak-hawak ngayon ni Malacca.

Sana noon pa lang nakinig na siya kay Madeleine. It was either they would kill that girl or Scott. She would rather kill that woman. Pero ngayon iba na ang sitwasyon.

"Gumising ka," utos niya. Nang hindi ito kumibo ay ginalaw niya ang kanyang kamay at hinagupit ng latigo ang binata.

Tinraydor na nito silang lahat. Nahanap na na nilang lahat si Feliciah. Hindi pa man niya ito nakakaharap ay gusto na niyang mapatay ito dahil sa ginawa nito kay Madeleine. Tanging ang meron na lang siya ay ang samahan at ang bunso niyang anak na si Kanlas.

Ngayon, malalaman nila kung sino ba talaga si Malacca Yvañez.

She was looking at her son with disgust when she heard an explosion. Agad siyang napalingon sa labas ng kulungan. Inihagis niya ang hawak na latigo at naglakad para umalis na.

"Ina.." Natigilan siya sa paglalakad nang madinig ang paos na boses ng anak niya.

Nilingon niya ito. Nakayuko pa ito hanggang sa hirap nitong inangat ang ulo nito. His face was bruised and bloodied. Pero ang lalong ikinagalit ni Malacca ay ang ngising gumuhit sa mga labi nito. Nang-aasar at mayabang.

"If I can't kill you.." His smile grew wider. "Feliciah will."

Ngumisi siya. "Tingnan na lang natin."

Sa pagtalikod niya ay siya namang pagbagsak ng ngiti niya. She knew that her daughter was powerful. Kahit noong isinilang niya ito, alam na ng lahat na hindi ito ordinaryong Necromancer.

Sumilip siya sa malaking bintana sa pasilyo nang magkaroon na naman ng pagsabog. Nanliit ang mga mata niya para lang makita nang mabuti ang lumilipad sa ere. Umigting ang panga niya nang makilala kung sino iyon. It was the Alchemist with Witch blood.

Nakakuyom ang palad na inilabas niya ang kanyang karit bago siya dali-daling naglakad para makalabas ng mansyon.

Veronica was laughing like an evil witch as she maneuvered the broomstick she was riding. Inihuhulog niya ang mga bombang ginawa ni Rosalinda kanina. Natutuwa siya sa bawat pagsabog na ginagawa noon. Palakas iyon nang palakas tulad ng sinabi ng kapatid niya.

"That crazy woman.." Napangiwi si Rosalinda nang may bombang nahulog malapit sa kanila. Kung hindi pa niya iyon nailayo sa pamamagitan ng pagwasiwas lang ng kamay niya ay malamang nasabugan na rin sila noon.

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon