CHAPTER
SEVENTEENProposal
"How are you feeling?" Iyon agad ang tanong ni Scott kay Susanna matapos niyang maubos ang isang baso ng tubig na binigay nito. "May masakit pa ba sa'yo?"
"Teka nga.." singit ni Veronica sabay hawi nang bahagya sa binata.
Mabilis na nilingon siya nito pero hindi man lang siya natinag sa lamig ng mga mata nito. Tinaas niya lang ang kilay niya at mas hinawi pa ito.
"Kami ang kapatid 'di ba?" Paalala niya. "Dapat kami ang mas nag-aalala sa kanya."
Nagsukatan sila ng tingin. Napailing naman si Rosalinda. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan pang magmatigas ni Veronica kay Scott. Alam naman nilang lahat kasi na kahit saang anggulo tingnan parte na ng buhay nila ang lalaki.
"Tigilan mo na 'yan.." bagot na saway ni Rosalinda sa kapatid. Nilingon niya pagkatapos si Susanna. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Okay naman na.." Tuyo pa rin ang lalamunan ni Susanna kaya naman medyo magaspang pa ang boses niya. Tumikhim siya. "Ilang oras akong walang malay?"
"Mga one-hundred seventy-two hours." Si Veronica ang sumagot.
"Huh?" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at nilingon lahat ang kasama niya. Inabangan niya kung may magsasabing joke lang 'yun pero wala. Napalunok siya. "Gano'n katagal."
"At least ngayon okay ka na!"
"Is Christina okay?"
"Oo. Lahat ng miyembro ng Council. Nandoon siya ngayon at pinag-uusapan nila ang sunod na hakbang para mahuli na sa wakas ang mga Dead ones - ops. Syempre hindi ka kasali do'n Scott."
"So, nakatakas pa sila.
"Oo, kaya nga - "
"Pero huwag mo munang isipin ang tungkol doon," singit na ni Rosalinda. "Mas mabuting makabawi ka muna ng lakas mo. Veronica, bakit kaya hindi mo ako samahan mag-grocery ngayong araw?"
"Huh?" Naguguluhang tugon nito pero wala na ring nasabi nang hilahin siya palabas ni Rosalinda.
Lumabas na ang dalawa at kahit si Feliciah kaya naman naiwan na sina Scott at Susanna sa loob ng kwarto.
Pinanood pa ni Susanna ang paglabas ng kanyang mga kapatid kaya medyo nagulat siya nang pagtingin niya kay Scott ay malalim ang titig nito sa kanya. Nakakunot pa nang bahagya ang noo nito. Isang bagay na hindi naman nito normal ginagawa noon. He always looked emotionless before. Pero ngayon, napapansin niyang napapadalas na ang pagkunot ng noo nito.
She smiled, trying to distract her. Noon niya nalaman na nakatulala pala ito sa kanya dahil wala itong naging reaksyon. Lalo siyang napangiti. Napakislot naman ito nang hawakan niya ang noo nito. She smoothed his frown.
Nang ibaba niya ang kanyang kamay ay kita niyang naka-focus na ito sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay at mabining hinalikan ang likod nito.
"Are you really okay now?" Tanong nito. Nahimigan ni Susanna ang pag-aalala sa tono nito at maging pag-aalangan.
To think about that, she realized how much Scott had changed. He was showing emotions now kaysa dati na para itong naglalakad na bato. Or maybe he didn't change at all, and this was just his true nature.
"Okay na nga ako." Nilawakan pa niya ang kanyang ngiti. Halata niyang hindi ito kumbinsido. So, she decided to change the topic. "Kailan nga pala ang enroll-an natin?"
BINABASA MO ANG
The Enchantress
FantasyHe was an enemy. At kahit kailan hindi niya dapat ipakita ang kahinaan niya lalo na sa isang kaaway. "Scott.." Kumalabog ang dibdib niya nang makita ang pagsunod ng mga mata nito sa kanyang bibig papunta sa kanyang mga mata matapos niyang sabihin an...