CHAPTER
THIRTEENHeartbeat
Hindi pa rin makagalaw si Susanna. Kahit anong pilit niya ay nanatili siya sa kanyang kinauupuan. Palapit na sa kanya ang lalaki. Luminga siya sa paligid at kusang gumalaw ang kanyang mga kamay. May nahawakan siyang bato at inihanda iyon. Hindi niya kayang gamitin ngayon ang kapangyarihan niya. Pero isa lang ang sigurado, hindi siya mamamatay nang walang laban!
Hindi na niya sinubukang gumalaw pa ulit. She conserved her energy. She would need it kung sakaling tuluyang makalapit ito sa kanya.
Naghintay siya.
Nang bigla itong tumigil. Napakurap-kurap siya. Lalo siyang kinabahan sa bigla pagbabago ng kilos nito at hindi niya napigilang mapasigaw nang bigla itong matumba.
"H-Hoy!" Hiyaw niya.
Hindi pa rin siya makagalaw. Different thoughts were running inside her head. Pero ang pinakaimportante lang ngayon sa kanya ay malapitan ang lalaki. Kailangan nito ng tulong niya!
Pinilit niyang makagalaw. Nanginginig ang kanyang tuhod ay nag-unahan ang mga luha niya. Pakiramdam niya bibigay siya. Pero mas importante pa ring matulungan niya ang kahit na sinong nangangailangan. Iyon ang isang bagay na tumatak sa kanya sa mga tinuro sa kanya ng kanyang ama.
Halos gapangin niya ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Nang tuluyang makarating sa pwesto nito ay napasinghap siya. Agad na nakaramdam siya ng awa sa lalaki. Duguan ito dahil sa maraming sugat sa katawan nito.
Nag-isip siya. Nanghihina na siya. Maaaring hindi maging sapat ang kapangyarihan niya para pagalingin ang lahat ng sugat ng lalaki. Siguradong kapag ginawa niya rin iyon ay siya naman ang mawawalan ng lakas.
Pero hindi niya nilapitan ang lalaki para lang panooring mamatay.
Kaya naman dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at itinapat iyon sa pinakamalalim nitong sugat sa dibdib. Huminga siya nang malalim at pumikit. Sa pagmulat muli ng kanyang mga mata ay siya namang pagpapalit noon ng kulay berde.
Her lips started moving quickly. Hindi kumukurap ay nagsimulang umilaw ang kanyang mga palad habang namumutawi sa kanyang mga labi ang isang spell na maging siya ay hindi alam kung paano iyon natutunan.
After almost three minutes of continuous chanting, sumara na ang lahat ng mga sugat ng lalaki. Hindi man tuluyang naghilom at maaaring mag-iwan pa ng mga peklat ay iyon na lang ang kayang gawin ni Susanna sa kalagayan niya ngayon.
Lalo na siyang nanghina kaya naman nawalan na lamang siya ng malay.
Pagkatapos ng gabing iyon ay alam niyang ilang araw siyang walang malay. Pagkagising niya na lamang nang tuluyan ay nasa isang hindi pamilyar siyang kwarto. Nakaupo sa gilid sa mahabang sofa ang isang batang babae na nagbabasa ng spell book.
"Anong nangyari ng gabing 'yun?" Umiiyak pa ring tanong ni Susanna.
She had no idea why was she crying. Para bang bumabalik na naman siya sa gabing iyon. Ang gabing kinasusuklaman niya.
"I-Ikaw 'yun, 'di ba?" She asked him again.
Nanatili ang mga mata nito sa kanya. Seryoso lamang iyon at tila ba nakikita nito ang kanyang kaluluwa.
Ngunit hanggang doon lamang iyon. Lumipas ang ilang minuto, ngunit wala itong naging sagot. Ni hindi ito kumibo sa pwesto.
Maya-maya pa nga ay may nagsimulang kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Suminghap siya saka pinunasan ang basang basang pisngi. Isang beses pa niyang tiningnan si Scott bago siya tumalikod para buksan ang pintuan.
BINABASA MO ANG
The Enchantress
FantasyHe was an enemy. At kahit kailan hindi niya dapat ipakita ang kahinaan niya lalo na sa isang kaaway. "Scott.." Kumalabog ang dibdib niya nang makita ang pagsunod ng mga mata nito sa kanyang bibig papunta sa kanyang mga mata matapos niyang sabihin an...