CHAPTER
FIVERisk
Susanna thought about telling Christina what she just discovered. Sa totoo lang, nasa byahe pa lamang silang magkakapatid ay iniisip na niya kung paano sasabihin sa ina ang tungkol sa bagay na iyon. She knew she couldn't keep that information from the Council.
The Dead ones were very dangerous. Sa kahit na sinong nilalang. Pero sa hindi niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng pag-aalinlangan.
"Feliciah," she called her sister as soon as Veronica and Rosalinda were inside their house.
Tumigil ang babae at lumingon sa kanya. Most of the Dead ones were from the Necromancer. Sila kasi ang nakakakita ng kadiliman at ng kapangyarihang kaya nitong ibigay. At alam ng lahat kung gaano nakakalunod ang matinding kapangyarihan.
"Do you know the Dead ones?" She asked almost whispering.
"Oo," kalmadong tugon nito.
"M-May kilala ka bang . . kabilang sa kanila?"
"Oo."
"Talaga?" Nanlaki ang mga mata niya. "Did you tell Christina?"
"Oo."
Dahan-dahang bumagsak ang balikat niya sa narinig. She told their mother. Isa lamang ang ibig sabihin noon kailangan niyang banggitin sa ina ang tungkol kay Scott.
Scott was a Dead one. She reminded herself before entering their house next to Feliciah. Hindi pa man tuluyang nakakapasok ay natigilan na silang dalawa nang mapansin nila ang nakatigil ring sina Rosalinda at Veronica.
"Good evening girls! Mabuti naman at nakauwi na kayo!"
Napalingon si Susanna sa boses na iyon. Kusang tumaas ang kilay niya nang makita ang pamilyar na lalaki sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Magaspang na tanong ni Rosalinda. "I thought you and Christina already agreed that you can't go here anymore."
Tumawa ang lalaki. "Still the hot-headed Rosalinda. Well, nagkasundo ulit kami na pwede na akong magpunta ulit sa bahay niyo."
"Nakauwi na pala kayo." It was Christina.
"What the hell is he doing here?" Rosalinda was of course the first one to ask.
"Mapapadalas na dito ang pagbisita ni Arnold. May inaasikaso kami para sa Council kaya naman sana maging maayos ang pakikitungo niyo sa isa't isa."
"Of course!" Nakangiting tugon ni Arnold at napailing naman si Susanna.
Umirap siya bago nagmartsa paakyat sa kanyang kwarto. Naiinis siya sa pagdating ni Arnold pero sa totoo lamang ay may parte sa kanyang nakahinga nang maluwag dahil maipagpapaliban muna niya ang pagsasabi sa kanyang ina ng tungkol kay Scott.
Si Arnold ay ex-boyfriend ni Christina. Ayaw nila sa lalaki. Malinaw iyon at hindi nila kahit kailan nakaligtaan na ipakita iyon sa dalawa. Dahil alam nila ang totoo, katulad lamang si Arnold ng ibang mga lalaki sa kanilang lagi. Sakim. Gusto lang nitong makinabang sa mga kapangyarihang meron sila.
"Hindi ako kakain," agad niyang bigkas nang madinig niya ang boses ni Christina galing sa labas ng kanyang kwarto.
"Anak, mag-usap tayo.."
Kumunot ang noo niya. She didn't like the idea of talking to her mother right now. Maraming gumugulo sa isipan niya. At kapag ganoon, alam niyang mas makakabuting huwag siyang lumapit sa iba.
Pero wala pa rin siyang nagawa. Bumangon siya at pinagbuksan ng pintuan ang kanyang ina.
"Susanna.."
BINABASA MO ANG
The Enchantress
FantasyHe was an enemy. At kahit kailan hindi niya dapat ipakita ang kahinaan niya lalo na sa isang kaaway. "Scott.." Kumalabog ang dibdib niya nang makita ang pagsunod ng mga mata nito sa kanyang bibig papunta sa kanyang mga mata matapos niyang sabihin an...