CHAPTER 18: Strength

989 48 3
                                    

CHAPTER
EIGHTEEN

Strength

It was almost two o'clock in the afternoon, and Susanna was with Venice and Naomi enjoying themselves inside a restaurant. Kanina pang kwento nang kwento si Venice tungkol sa kung manliligaw nito habang si Naomi naman ay matamang nakikinig na para bang unang beses pa lang nitong narinig iyon kahit pa pangatlong beses na. As usual, hindi nakikinig si Susanna. Nakatitig lang siya sa cellphone niya at nag-aabang ng kahit isang text message mula kay Scott.

Pero wala ni isang nadating. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mag-alala o ano, pero hindi niya mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Bigla-bigla ba naman kasing hindi na nagparamdam ang binata. Isang araw pa lang naman pero nagsisimula na siyang mainis.

Was it because of her silence when he proposed? She was just too shocked!

"Nag-away ba kayo?" Natigilan siya at napatingin sa dalawang kasama nang tanungin iyon ni Venice. Nag-aalala ang ekspresyo ng mga ito.

"Huh?"

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa cellphone mo. Halatang may hinihintay kang text o tawag. Anong nangyari?"

"Ah.." Huminga siya nang malalim. "I am not actually sure."

Kinwento na nga niya ang nangyari. Of course, she skipped the details about her almost dying state in one week. Doon na siya sa detalyeng nagyayang huwag nang pumasok si Scott at magpakasal na silang dalawa.

"Wow.." They both breathed after her story. Nagkatinginan pa ang dalawa.

"Bakit ba kasi hindi ka sumagot?" Tanong ni Venice. Tumango naman si Naomi bilang pagsang-ayon.

"I was too shocked."

"Well, kung ako rin naman siguro kung nag-propose sa'kin ang isang Francesco Scott Yvañez. Baka nahimatay pa ako."

"OA." Tumawa si Naomi. "Pero baka naman he thought that your silence means no."

"Oo nga. Teka, ano bang isasagot mo sa kanya dapat pagkatapos ng makapagdamdamin mong pagkagulat?"

"I . . I'm not really sure." Nag-iwas siya ng tingin saka napanguso. "Hindi naman kasi pumasok sa isip ko na tatanungin niya bigla 'yun."

"Alam mo, baka nag-iisip lang siya. You know, nagpapalamig or pwede ring binibigyan ka ng oras para mag-isip."

"Medyo mabilis rin kasi 'no?" Tanong ni Venice. "Pwede namang pagkatapos ng college."

"Ano ka ba ha. Ang pagpapakasal pinag-iisipang mabuti 'yan at dapat sigurado ka. At sa pagkakakilala ko naman kay Scott ay hindi niya tatanungin si Sue ng gano'n kung sakaling hindi man lang ito nag-isip o hindi sigurado."

"Edi okay. Fine. Ikaw na ang kilalang-kilala siya. But I think kung nakapag-isip naman pala siya ay may karapatan ding mag-isip si Sue 'no."

"Tama naman si Venice," sang-ayon ni Naomi. "Saka isang araw pa lang naman siya hindi nagpaparamdam. Babalik din 'yun kung talagang mahal ka talaga niya."

"Babalik 'yun."

Hindi siya sigurado doon. Bumuntong-hininga na lamang siya at nabaling ang atensyon sa suot niyang singsing. Iyong ibinigay sa kanya noon ni Scott. Parang lalo tuloy siyang na-stress.

"Ang mabuti pa manood tayong sine!" Tumayo agad si Venice at hinila siya. "Alam mo dapat hindi ka masyadong nag-iisip. Lalaki lang 'yan!"

Tumawa na lang si Susanna at sumama sa dalawa. They watched a movie. Hindi niya actually naintindihan dahil natutulala siya. Pagkatapos noon ay dumaan sila sa isang sikat na local brand ng damit dahil may binili si Naomi.

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon