CHAPTER
FOURDead
Susanna already knew that Scott wasn't an ordinary being the first time she saw him. Dagdag pa ang reaksyon niya sa tuwing magkakalapat ang kanilang mga balat. Hindi rin normal sa kanya na hindi niya maiwasang kabahan kapag nasa paligid ito. Tila ba ipinahihiwatig ng mga ito na hindi na siya dapat lumapit pa sa lalaki.
But she was too curious not to go near him. She wanted to know him more than she was supposed to. Ganoon nito nakuha ang lahat ng antensyon at interes niya.
Ang hindi lang niya talaga naisip ay kung paano at gaano ba ito kakaiba sa lahat.
Napaatras siya nang isang beses. Kinakalampag pa rin ang kanyang dibdib dahil sa matinding kaba.
"Now, you're scared.." he said and for the first time — the corner of his lips lifted up into a menacing smile.
Humakbang ito nang isang beses. Tila ba naninimbang. Ngunit hindi na umatras si Susanna. Whatever or whoever Scott was, she shouldn't feel scared. She was the Enchantress. May kapangyarihan siya at kayang-kaya niya iyong gamitin.
"What are you?" Her eyes narrowed.
"Should I be the one asking you that?"
"Gano'n?" Tumaas ang kilay niya. "Ikaw ang gumamit ng magic. Alam mong labag 'yun sa batas."
"Batas?" For the first time again, he laughed. Even if it sounded mocking, it gave chills down to her spine. "So, isa ka sa kanila?"
Kumunot ang noo niya. May pakiramdam siyang matindi ang ibig sabihin nito sa tanong na iyon. Para bang suyang-suya ito sa kung ano man ang tinutukoy nito.
Huminga siya nang malalim. Hindi na niya nagugustuhan ang kung ano mang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. She needed to think straight.
Hindi niya maramdaman kung ano ba ang lalaki. Kung saan ba ito kabilang na pangkat. Tumagal pa ang titig niya sa dito nang may maisip. Was it possible that he wasn't someone like them but actually a different being? Now, she was making nonsense.
"Teka! Saan ka naman pupunta?" She asked when he suddenly started walking away.
Umingay ang paligid indikasyon na bumalik na ang takbo ng oras. Hinabol niya si Scott samantalang ang babaeng si Ashley ay naiwang nakatayo sa gilid ng hallway. Kumukurap-kurap at tila ba hindi na alam ang nangyayari.
May maliit na boses na nagsasabi sa kanyang huwag nang sundan si Scott pero tapos na ang takot na naramdaman niya kanina. He might be a dangerous being, but the fact that he didn't do anything to her before even if he had the capability to do it was enough reason for her to at least assume that he won't try now.
"Saan ka ba pupunta?" She finally asked after several minutes. Ilang liko na rin ang nagawa nila. Hindi kasi niya saulado ang university kaya naman hindi siya sigurado kung nililigaw ba siya ng lalaki o sadyang iyon lang ang tamang daan.
Hindi naman ito sumagot kaya't kumunot na ang noo niya. Malalaki ang mga hakbang niya dahil sa bilis nitong maglakad. Parang pinagpapawisan na nga siya sa ginagawa pa nilang paglalakad.
"Sue!" Nagulat siya sa biglang tumawag sa kanya at mabilis na napalingon.
Medyo kumunot rin ang kanyang noo nang makitang sina Rosalinda at Veronica iyon. Kapwa may hawak na shake. Nasa parking lot na pala aila. Si Veronica ay ngiting-ngiting tumakbo palapit sa kanya, samantalang si Rosalinda ay nakapako ang mapang-akusang tingin kay Scott na nauna na sa paglalakad.
"Anong ginagawa mo?" Nakakunot ang noong binalingan siya ni Rosalinda.
"Mauna na kayong umuwi." Ibinato niya ang susi dito. "May kailangan lang akong asikasuhin."
"Ano?" Hindi niya na ito pinakinggan pa at dumiretso na siya sa balak niyang pagsunod kay Scott. "Sue!"
Kapapasok pa lamang ng binata sa loob ng kotse nang buksan naman niya ang pintuan sa kabilang side. Pumasok siya at mabilis na nagsuot ng seatbelt.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo ha?"
"I want to confirm something."
"Confirm something?" Kumunot ang noo nito sa kanya.
Ngayon, na-realize ni Susanna na katulad lang rin ng ibang kilala niya si Scott. Marunong ring makaramdam ng iba't ibang emosyon at makapagpakita ng iba't ibang reaksyon.
"I am not like you, Ms. Valdenim," mariing wika nito.
"Then, what are you?"
"Wala ka nang pakialam doon. Bumaba ka na kung ayaw mong hilahin kita palabas."
"Hindi ako aalis," mas mariing sambit niya.
Tumaas ang isang kilay ni Scott. It should be a girlish move but damn, this man knew how to do it manly. Nagsukatan pa sila ng tingin nang ilang segundo bago lumabas ang lalaki ng kotse. Umikot pa ito papunta sa side niya pero hindi basta-basta papayag si Susanna na ganoon ang iasta nito sa kanya.
Bago pa man nito ito subukang buksan ay ini-lock niya na ito. Kaya naman kahit anong hila nito ay hindi kumikibo ang pinto. She shook her head.
Pero nagulat siya nang bigla nito iyong mabuksan pa rin. Umawang ang mga labi niya sa nasaksihan.
"Bumaba ka na," mariing utos nito sa kanya.
Wala pa sa sariling tumango siya at bumaba. Ni hindi na siya nakapagsalita pa hanggang makaalis ang kotse ng lalaki sa kanyang harapan.
"Anong pinag-usapan niyo?" Lumapit agad sa kanya si Rosalinda.
Dahan-dahan siyang lumingon sa kapatid. Napansin siguro nito ang kakaibang reaksyon niya dahil mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa pagiging galit ay naglumanay iyon at napalitan ng pagtataka.
"Anong problema?" Marahang tanong nito.
Na-imagine niya ang kulay pilak na mga mata ni Rosalinda. Iyon ang kulay ng mga Sorceress. Samantalang kulay asul ang sa mga Alchemist at pula naman ang sa mga Necromancer. Siya, bilang isang Enchantress naman ay nagkukulay berde ang mga mata. Ang mga Witch naman ay kulay ginto.
Limang pangkat ang mga mangkukulam. Nakita at nakakasalamuha niya ang lahat ng mga ito araw-araw. Hindi niya maitatangging walang mas malakas sa kanila. Walang mas mahina. Dahil may kanya-kanya silang kalakasan at kahinaan na hindi matumbasan ninuman.
"Sue!" Nag-aalalang tawag sa kanya ni Rosalinda.
Napakurap-kurap siya lalo na nang maramdaman ang isang malamig at malambot na bagay na dumampi sa kamay niya. Nilingon niya iyon at bumungad sa kanya ang nakatingalang si Feliciah sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay.
"Ano ba kasing nangyayari?" Tanong ulit ni Rosalinda. Mas malakas iyon at halatang nagpa-panic na.
"Wala." Ngumiti siya. "Wala naman."
Ngayon, kumunot na ang noo ni Rosalinda. Handa na naman itong pumutok kaya naman tumalikod na siya matapos hawakan nang mas mahigpit ang kamay ni Feliciah.
"Umuwi na tayo."
"Sue!" Tawag ulit sa kanya nito pero hindi na niya ito pinansin pa.
Naglaho ang kanyang ngiti. Malamang nagkakamali lang siya ng tingin kanina. Nakasuot ng salamin si Scott kaya hindi imposibleng ang nakita niya kanina ay dahil lamang sa repleksyon nito.
Hindi totoong nakita niyang nagkulay purong itim ang mga mata ng lalaki. The color of the Dead.
BINABASA MO ANG
The Enchantress
FantasyHe was an enemy. At kahit kailan hindi niya dapat ipakita ang kahinaan niya lalo na sa isang kaaway. "Scott.." Kumalabog ang dibdib niya nang makita ang pagsunod ng mga mata nito sa kanyang bibig papunta sa kanyang mga mata matapos niyang sabihin an...