CHAPTER 15: Fairytale

1K 48 6
                                    

CHAPTER
FIFTEEN

Fairytale

Okay, they didn't have a concrete plan. It was reckless and just a product of their adrenaline rush to rescue their mother. It wasn't the best move to make especially now that they would be facing the people who wiped almost all the magicians. Pero nandoon na sila. Wala nang atrasan pa.

Pagdating nila ay katahimikan agad ang sumalubong sa kanila. Walang kahit isang nagbabantay. They found it already suspicious.

"Tumakas ba sila?" Nakakunot ang noong tanong ni Veronica saka luminga sa paligid. "Maybe they - shit!"

She almost fell when a sword flew to her. Nasalo niya iyon pero gumawa iyon nang hiwa sa kanyang kamay. Nagsimulang dumugo iyon. Hinawakan niya ang espada na halatang gawa ng isang Alchemist at inihagis iyon sa direksyon kung saan ito nanggaling kanina. They heard a yelp in pain.

"Fuck you!" Hiyaw niya bago kinuha ang kanyang walis at sumakay doon. Lumipad siya papunta sa umatake sa kanya.

"Veronica!" Tawag ni Susanna pero nakalayo na ang kanyang kapatid. Nilingon niya si Rosalinda para sana sabihin ditong pigilan si Veronica pero nagulat siya nang wala na ito sa kinatatayuan nito kanina.

Nilingon niya pa ang iba niyang kasama at doon niya napagtantong nag-iisa na lang siya. Everyone suddenly disappeared. Luminga siya sa paligid.

"Rose! Feliciah!" Sigaw niya. "Nasa'n kayo? Rose! Feliciah!

"They won't hear you."

Mabilis siyang napalingon sa nagsalitang iyon. Umigting ang kanyang panga nang matanto kung sino iyon.

"Madeleine."

Unti-unti ay gumuhit sa mukha nito ang isang nakakapangilabot na ngiti. Nakasuot pa rin ito ng witch attire nito ngunit ang karit na hawak nito ay nagpapaalala kay Susanna na dati itong Necromancer.

"Do you know why I love being a Necromancer?" Biglang tanong nito.

Ikinumpas naman ni Susanna ang kanyang kamay at lumabas na ang mga kadena niya. Lumibot ito sa kanya bilang isang pananggalang. She would kill this woman.

"Because I could bring back the dead.." she almost whispered.

Iwinasiwas nito ang hawak na karit. Napaatras naman si Susanna nang tila bumuka ang lupa at lumabas doon ang maiitim na usok. Kumunot ang kanyang noo nang unti-unti ay nagkorteng tao ang mga usok bago iyon tuluyang nalagyan ng mukha.

Nanghina agad ang tuhod niya nang makita ang mga iyon. Nabato siya sa kanyang kinatatayuan at halos manikip ang kanyang dibdib.

"Susanna.." her father called her.

Sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig para sumagot pero hindi niya magawa. Her heart was breaking. This was only an illusion. Hindi ito ang kanyang ama. Patay na ang kanyang ama!

"Anak.." Nabaling ang tingin niya sa nagsalita. Ang una niyang nakita ay ang mga mata nito. Ang mga matang katulad na katulad ng kanya.

Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. These people were not her parents. They couldn't be! Alam niyang patay na ang mga ito at hindi siya pwedeng magpaloko.

"Anak - "

"No!" Sigaw niya nang subukang humakbang palapit sa kanya ng babae. Sinamaan niya ito ng tingin. "No. You are not my parents. Huwag mo akong tawaging anak!"

"Susanna, ano bang nangyayari sa'yo?" Tonong galit na tanong ng lalaki. Naalala niya ang mga araw kapag nagagalit sa kanyang ama. Ang mga araw kung kailan hindi siya sumusunod dito. At iyon mismo ang tono nito. "Kami ang mga magulang mo!"

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon