CHAPTER 6: Deal

1.2K 59 8
                                    

CHAPTER
SIX

Deal

"Nasaan si Susanna?" Iyon ang bungad agad ni Christina sa dalawang anak nang pumasok ang mga ito sa loob ng kanilang bahay.

Kanina, nang umuwi siya ay nagulat pa siya nang si Feliciah lamang ang maabutan sa bahay. Wala pa ang tatlo na dapat ay mas maaga pang makakauwi sa kanya. It was almost eleven in the evening and everyone in the house was still wide awake.

"Hindi ko din alam!" Bwisit na sagot ni Rosalinda.

Anim na oras nilang hinanap si Susanna. Hindi niya akalaing makakaya niyang maghanap nang ganoon sa isang tao pero ginawa pa rin niya dahil alam niyang pagagalitan sila ni Christina. Pero sa huli, sumuko na rin silang dalawa ni Veronica dahil kahit naman mga mangkukulam sila ay marunong din silang makaramdam ng pagod.

"Nagpaalam lang siya kanina sa'kin na lalabas lang siya. Nakalipas ang halos isang oras na wala pa siya ay lumabas ako para hanapin siya pero naabutan ko itong si Veronica na gumagamit ng alchemy sa batang kalaro niya!"

"We were just playing!"

"But that didn't mean that you were allowed to use your magic!" Giit ni Rosalinda. Sumasakit na ang ulo niya sa lahat nang nangyayari. "Paano kung magsumbong ang batang 'yun ha?"

"He won't do that."

"Wow! Is that really you Veronica? Nagtitiwala ka ba talaga sa isang hamak na tao?" She mocked and narrowed her eyes. "Alam mo kung anong klaseng mga nilalang ang mga tao. You shouldn't trust any human!"

"Did I say I trust him?"

"Iyon ang pinahihiwatig mo!"

"Don't put words into my mouth!" Veronica lost her happy demeanor.

Bumalot ang tensyon sa buong bahay. Nagkulay asul ang mga mata ni Veronica. Kasing lamig ng yelo.

"Tigilan niyo na 'yan!" Malakas na saway ni Christina sa dalawa. "Sige't magtalo pa kayo at sisiguruhin kong walang lalabas ng bahay na 'to!"

"Hindi naman kami nagtatalo," wika ni Veronica. Muling nakaguhit ang kanyang ngiti ngunit nakakapangilabot iyon. Malamig pa rin ang asul na mga mata. "Hindi ba Rose?"

Hindi sumagot si Rosalinda. Ngumiwi lamang ito. Alam niya ang ugali ni Veronica. Katulad lang din ito ni Feliciah. Mapagpanggap.

Bumuntong hininga si Christina. "Hanapin na natin muna ang kapatid niyo."

"Hindi na natin kailangang gawin 'yun." Natigilan ang lahat sa sinabing iyon ni Feliciah.

Sabay-sabay silang napalingon sa napakalaking pintuan ng kanilang bahay nang bumukas iyon. Niluwa noon si Susanna. Tila lutang at maraming iniisip. Halos hindi pa nga nito napansin silang mga nakatayo at naghihintay doon.

"Saan ka nanggaling?" Si Rosalinda ang unang nakabawi sa gulat.

Napakurap-kurap si Susanna nang madinig ang boses na iyon ng kapatid. Tiningnan niya ang kanyang mga kapatid at kanyang ina na nakatayo sa gitna ng kanilang living room. Ibinuka niya ang kanyang bibig at isinarado din iyon agad nang matanto niyang wala pala siyang masasabi.

"Kanina ka pa namin hinahanap!" Pagpapatuloy ni Rosalinda. "Hindi mo ba man lang naisip na - "

"Rosalinda," pigil ni Christina sa anak.

Agad na natigilan ang dalaga at saka lamang napansin ang isang bagay na hindi niya napansin kanina lang. Nanliit ang mga mata niya.

"Anong nangyari sa'yo?" Mas mahinahon niyang tanong.

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon