CHAPTER
EIGHTSister
Lumipas ang ilang segundo na ganoon ang estado ni Susanna. Umaapaw ang kanyang kapangyarihan na halos hindi niya makontrol. Tanging pagkamuhi lamang ang nangibabaw sa lahat ng kanyang emosyon. Tumigil na sa pagluha ang kanyang mga mata. Tila ba napagod na ang mga ito. Kaya't malinaw na malinaw niyang nasalubong ang mga mata ng lalaking kaharap niya.
His eyes were blank. Sa likod ng salaming suot nito ay kita niya ang pag-itim ng kabuuan ng mga mata nito. She then realized something.
Tumigil siya. Umatras at pumaloob muli sa kanya ang kanyang kapangyarihan. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo.
It wasn't worth it.
Halos sampung hakbang pa lamang ang naookupa niya nang lumingon siyang muli sa lalaki. He was still standing there, unmoving. Hindi na ito nakatingin sa kanya bagkus ay sa lupa. Bahagya itong nakayuko. He looked defeated.
But the game was not yet over. Nagsisimula pa lamang sila.
"Aren't you coming?" She asked loud enough for him to hear.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Kung nagulat niya ito ay hindi niya iyon nakita sa ekspresyon nito. Ngumiti siya. Ang ngiting inensayo niya sa loob ng napakaraming taon. The smile of the Enchantress.
Tumalikod na siya nang makitang humakbang na ito para lapitan siya. Nagpatuloy siya sa paglalakad.
Naikuyom niya ang kanyang kamao at nag-igting ang kanyang panga. She would kill him. Siguro hindi ngayon. Pero sisiguruhin niyang kapag dumating ang oras na iyon ay madidinig niya ang pagmamakaawa nito. Mas malakas pa sa daan-daang mangkukulam na pinatay nito. She would make sure of that.
She would play his game. Pagbibigyan niya ito. At sisiguruhin siya ang mananalo.
Naikuyom ni Rosalinda ang kanyang kamao habang pinanonood mula sa malayo si Susanna na sumakay sa motorsiklo ng lalaking iyon. Kung sa ibang pagkakataon ay iisipin niyang isang kabaliwan na nagagalit siya ngayon sa kapatid. But she knew something was off. Hindi siya nagtitiwala sa lalaking iyon.
"I think you're just worrying over nothing.."
Marahang suminghap si Rosalinda bago matalim na tiningnan ang isa pa niyang kapatid na bagong dating. Veronica was leaning coolly against the wall. Nakasunod ang mga mata nito sa kaaalis lamang na motorsiklo.
"Ano bang alam mo?" Inis na tanong niya. Maaaring mahaba ang pasensya ni Susanna pagdating kay Veronica pero iba si Rosalinda. She didn't like the way the young Alchemist always smiled wickedly at her. Na para bang alam nito ang lahat.
"I know what you're thinking.."
"Talaga? Sige nga, sabihin mo," hamon niya dito.
"You always envy Susanna." Nagkibit-balikat ito. "Hindi ba iyon ang nararamdaman mo ngayon?"
"What?" Natawa siya nang sarkastiko. "Nasisiraan ka na."
Umiling-iling siya bago tumalikod. Maybe she could talk to Christina about this instead. Hindi talaga maganda ang kutob niya sa lalaking iyon.
But yes, Veronica was right.
She envied Susanna big time. Noong unang beses niyang nakita ang babae, alam niyang may kakaiba dito. She was a Sorcerer, so it was easy for her to feel if something was off. That was what she felt when she met Susanna. Para bang may kakaibang aura ito. Dark. So she stayed close to her. Ayaw niyang nawawala ito sa paningin niya.
BINABASA MO ANG
The Enchantress
FantasyHe was an enemy. At kahit kailan hindi niya dapat ipakita ang kahinaan niya lalo na sa isang kaaway. "Scott.." Kumalabog ang dibdib niya nang makita ang pagsunod ng mga mata nito sa kanyang bibig papunta sa kanyang mga mata matapos niyang sabihin an...