The Wedding Part 1.....
Vhong's POV
Nandito kami ngayon sa private beach namin kung saan gaganapin yung kasal namin ni Anne. Beach wedding yung napili namin dahil ito ang dream wedding niya. Kasama na din namin ang family and friends namin.
Umaga pa lang ay nag aayos na ng venue dahil hapon naman ang kasal namin. Habang ako'y nagmumuni muni ay lumapit sakin ang aking best man na si Billy. "Congrats Kuys! Ilang oras na lamang ay magiging isa na kayo ni Annie. I'm happy for you guys." Nagpasalamat naman ako sa kanya dahil isa siya sa saksi sa pagmamahalan namin ni Anne.
Hindi ko akalain na magiging asawa ko na ang dating bestfriend ko. Ang dami na din naming napagdaanan. Nandyan ang away bati. Syempre hindi naman din maiiwasan sa isang relationship yun di ba? Ang mahalaga ay kami pa din sa isa't isa.
Hindi na ako makapaghintay na maging isa tayo Anne.
Anne's POV
Haaayy!! Sobrang kinakabahan na ako dahil ilang oras na lamang ay magiging Mrs. Navarro na ako. Ikakasal na ako sa lalaking mahal ko.
Nandito lang ako sa room ko dahil kelangan kong magbeauty rest dahil mamayang hapon pa naman ang kasal namin. Yung wedding organizer na ang abala sa pag aayos ng venue and maya maya lang ay dadating na din yung make up artist and photographers.
At sa oras na ito isa lang ang nasa isip ko, hindi na ako makapaghintay na maging Mrs. Navarro.
BINABASA MO ANG
Bestfriends to Lovers(VhongAnne❤️)
FanfictionAng storyang ito ay tungkol sa magbestfriend na may feelings sa isa't isa. Pero yung isa sa kanila ay may partner na. Ano kayang gagawin nung isa sa kanila. Pipigilan na lang ba nya o ipagpapatuloy pa rin nya kahit alam nyang masasaktan lang sya. Ma...