Anne's POV
Kagigising ko lang. Syeteng hangover yan aba. Teka, anong oras na ba?*tingin sa oras* halaaa! 12nn na pala. Kaya pala nagugutom na ako eh. Bago ako bumaba ay chineck ko muna yung phone ko. May text galing kay Vhong.
From Best:
"Hi Best. Are you free tonight? Dinner tayo, treat ko. :) miss na kita eh."Himala. Si Vhong? Nagyaya? Ano kayang nakain nito. Siguro hindi pwede si Tanya at busy kaya ako ang niyaya nya. Haaays. Mareplayan na nga.
"Sure. What time ba? Text me kung saan. Kita na lang tayo doon. :)"
Message Sent!
Pagkareply ko sa kanya ay bumaba na ako at kumain. Iniwan ko muna yung phone ko sa kwarto. Syempre, bastos naman tignan na habang kumakain ka eh nagttext. Hehe.
Vhong's POV
Nagising ako sa sikat ng araw na nakatapat sa bintana ko pero naka-aircon naman itong kwarto ko. Hehe. Chineck ko yung phone ko and nagtext si Anne.
From Bestfriend:
"Sure. What time ba? Text me kung saan. Kita na lang tayo doon. :)"Saya ko naman. Pumayag sya. Hehe. Kaya naman nireplyan ko muna sya bago ako bumaba.
"Doon na lang sa kinakainan natin best. 5pm. :) See youu!"
Message Sent!
Anong oras pa lang naman eh. May time pa para maghanda. Hehe. Ewan ko bakit ganito yung feeling ko kinakabahan ako na ewan. Haays. Eh si Anne lang naman yon na bestfriend ko. Pssh.
*4pm*
Anne's POV
4 na pala. Kailangan ko na magready. Buti na lang nakaligo na ako kanina. Hehe. Retouch na lang. Nagtext kasi si Vhong na 5 daw eh. Doon sa lagi naming kinakainan. Kinakabahan ako na ewan. Di ko maitindihan yung feeling. Haayyss.
*after 15 mins*
Yaaann! Tapos na. I'm wearing red dress from plains and prints and white wedge. And very very light foundation plus res lipstick. Hihi. Well, I have to go. Baka naghihintay na si Vhong dun. Byyeee!
Vhong's POV
Nandito na ako sa meeting place namin ni Anne. Nakakaexcite. Hahaha. Basta, ewan ko. Ngayon na lang ulit kami magbabonding na gnito eh.
Mayamaya ay may nakita na akong nagparada na sasakyan na audi. Malamang si Anne na yon. At tama ako, si Anne nga. Shit! Ang ganda ng bestfriend ko. Haayy! Lalo akong maiinlove sa kanya eh. 😍😍
Kaya naman sinalubong ko na sya, nagbeso ako sa kaya at inalalayan ko na maupo at umupo na din ako. Pagkaupo namin ay umorder na rin kami at after ilang mins ay dumating na din yung order namin.
Tahimik lang kami habang kumakain. Tanging ingay ng kutsara at tinidor lang ang maririnig mo. Nakakailang eh. Hahaha. Mayamaya rin ay tapos na kaming kumain.
"Anne, may gusto ka pang orderin?" Yan na ako na bumasag sa katahimikan naming dalawa. Hahaha
"This is enough. I'm on diet eh. Hehe." Hala. Kailan pa ito natutong magdiet?
"Sus! Kailan ka pa natutong magdiet aber? Eh pag nga magkasama tayo puro foodtrip tayo eh." Sabi ko sa kanya.
"Eh wala lang. Trip ko lang iba na ngayon Vhong, hindi na tayo tulad ng dati although magbestfriends tayo." Sabi nya. Mukhang may hugot eh.
"Sabagay. Iba na nga ngayon. Hindi na tayo tulad ng dati eh. Parang ang layo natin sa isa't isa." sabi ko. Anubayan.
"You're right! Ibang iba na talaga ngayon. ano ba yan. Drama naman natin. Hehe. Kamusta na nga pala kayo ni Tanya? Nagkikita pa ba kayo?" Pag iiba nya ng topic.
"Ah kami? Hindi na kami gaanong nagkikita. Di ba nga, busy sya sa pagsusulat. Mas pinili nya yung ganung career eh." sabi ko naman.
"Ah I see. Kaya puro sila Vice na lang kasama mo lagi ganun?" Tanong nya sakin.
"Oo. Kami lagi magkakasama nung umalis ka." Sabi ko.
"Naikkwento nga sakin ni Vice. Hehe." Sabi nya.
"Teka, may gusto ka pa bang puntahan?" Tanong ko sa kanya.
"Ahmm, wala na. I want to go home na din. You know, kulang pa sa pahinga. Yun ba namang ilang oras kang bumyahe sa eroplano tapos biglang magiinom. Hahaha. Sino ba namang di mapapagod nun." Sabi nya. Tss.
"Ikaw ha. Baka magkasakit ka nyan. Wag mo pababayaan sarili mo Bespren. :)"sabi ko naman sa kanya na ikinangiti nya.
"Opo bespren. Hehe. Ikaw may pupuntahan ka pa ba?" Tanong nya naman sakin. Haay! Hanggang bestfriend na lang ba talaga?
"Wala na. Sa puso mo pupunta ako. Hehe." Biro ko sa kanya.
"Ay nakoo ha! Bumabanat ka na naman. Haha. Sige na, I have to go na. Byeee!" Paalam nya at kumiss sya sa cheeks ko. At ganun din ako.
Haayy. Buti at okay na kami ni Anne. Parang komportable na ulit kami sa isa't isa. Ang saya saya ko habang nagddrive pauwi. Hehe.
BINABASA MO ANG
Bestfriends to Lovers(VhongAnne❤️)
FanficAng storyang ito ay tungkol sa magbestfriend na may feelings sa isa't isa. Pero yung isa sa kanila ay may partner na. Ano kayang gagawin nung isa sa kanila. Pipigilan na lang ba nya o ipagpapatuloy pa rin nya kahit alam nyang masasaktan lang sya. Ma...