Fast Forward...
Vhong's POV
Nakakapagod ang maghapon. Dami namin. Napuntahan e. Hehe. Nandito kami ngayon sa kwarto namin. Yung iba nasa kanilang kwarto din.
"Kuys, yung totoo nagmoment pa kayo ni Anning kanina noh?" Tanong sakin ni Billy.
"Anong moment ka dyan Kuys. Mabagal lang talaga yun kabayong nakuha namin. Hindi katulad ni Vice. Hahaha." Sabi ko naman.
"Oy oy oy! Bakit ako nasali dyan aber?" Reklamo ni Vice. Narinig pala. Hahaha
"Wala! Haha. Pero kuys ano nga?" Tanong ulit sakin ni Billy.
"Wala nga! Usapang magbestfriend lang. :)"sabi ko naman.
"Sus! Eto naman. Para kaming otherssss." Sabi naman ni Vice.
"Kulit nyo. Tinanong ko lang naman kung manligaw ako eh may pag asa. Tapos ang sagot nya, ewan at siguro. At sabi pa nya, parang ang panget naman kung liligawan ko sya eh kabebreak lang namin ni Tanya." Wala na. Knwento ko na sa kanila. Kulit nila e.
"Oh eh anong sabi mo?" Tanong ni Vice
"Ayun, sabi ko alam nya naman kung sino talagang mahal ko at handa akong maghintay sa kanya." Dagdag ko.
"Ayiiee! Vhong Navarro yan eh! Basta Kuys sabihan mo lang kami kung kailan mo balak ha? Para makatulong kami. :)" sabi ni Billy at ngumiti na lang ako sa kanila.
"Labas muna ako mga Kuys." Sabi ko at saka ako lumabas ng kwarto namin. Ay teka mapuntahan nga si Anne. Mayaya oumunta sa labas. Maganda daw sa labas pag gabi dito e. Kaya nagpunta na ako sa kwarto nila. Nandito na ako sa tapat ng kwarto nila. At ako'y kumatok na.
"Oh Vhong anong ginagawa mo dito?" Tanong ni K. Sya kasi ang nagbukas ng pinto.
"Ah e si Anne?" Tanong ko.
"Ah nandito. Teka, tawagin ko." Tinawag nga ni K si Anne. Maya maya ay lumabas na ito.
"Oh Best, bakit?" Tanong nito sakin.
"Wala lang. Hehe. Tara labas tayo? Lakad lakad tayo. :)" alok ko sa kanya. Buti na lang at pumayag sya. Nagpaalam na sya kina K at umalis na din kami.
*sa park*
"Ang ganda pala dito noh pag gabi." Sabi ni Anne.
"Oo nga eh." Sabi ko naman din. Tapos niyaya ko syang umupo muna.
"Eh bakit naman naisipan mong ako isama mo? Pwede naman si Billy o kaya si Vice." Tanong nya.
"Eto naman. Wala lang. Namiss ko kasi ikaw eh. Yung bonding natin. Ayaw mo nun, mas madami na tayong time together kasi Single na ko. Hehe." Biro ko sa kanya.
"Ikaw talaga oh. Hindi ka na nagbago." Sabi naman nya at sabay gulo sa buhok ko.
"Pssh. Sa pwede mo ba namang guluhin buhok ko pa?"sabi ko.
"Ayy sorry Best. Oh yan sige ayusin ko na po. :D" sabi nya. Tapos inayos nya nga yung buhok ko. Kulit eh.
"Pero seryoso Anne. Yung mga sinabi ko sayo kanina. Totoo yun. Handa akong maghintay sayo. Sa totoo lang lalo akong napa-fall sayo eh." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Sure ka talagang manliligaw ka?" Tanong nya.
"Oo. Kung pwede. Hehe." Biro ko.
"Ikaw bahala Navarro. :)" sagot naman nya.
"Iiihhh! Ano nga? Payag ka na? Uyyy. Payag na yan. :)" pangungulit ko sa kanya.
"Oo na sige na! Kulit mo eh!" Sagot nya. Yeeessss! Pumayag na sya.
"So, tayo na? :)" pangaasar ko.
"Hala sya hindi pa nga nanliligaw oh."sagot naman nya.
"Eh dun din naman pupunta yun eh. Hahaha." Sabi ko.
"Ewan ko sayo."hala. Biglang sumeryoso mukha nya.
"Ito naman joke lang Best. Halika picture na lang tayo. Sayang view. :)" yaya ko sa kanya at lumapit naman sya sakin at nagpicture kami.
"Yan oks na. Oh ano tara na?" Tanong ko sa kanya at umo-oo na lang sya at bumalik na kami sa hotel.
Pagdating namin sa hotel ay syempre hinatid ko muna sya sa kwarto nila.
"Goodnight Best. :)" sabi ko at kiniss ko sya sa cheeks at pumunta na ako sa kwarto namin.
Pagdating ko sa kwarto ay gising pa yung dalawa at nanunuod ng TV
"Oh saan ka nagpunta?" Tanong sakin ni Billy
"Dyan lang sa baba Kuys." Sagot ko naman.
"Kasama mo si Anning noh?" Tanong naman ni Vice.
"Ha?"kunwari'y hindi ko narinig.
"Haaay nako Vhong! Wag ka ngang ano dyan! Alam naming kasama mo si Anning noh. Nagpunta kami sa kwarto nila at wala si Anne dun. Sabi ni K sinundo mo daw." Sabi ni Vice.
"Eh alam nyo naman pala tinatanong nyo pa. Dyan na nga kayo. Matutulog na ako." Sabi ko sa kanila at humiga na sa kama at natulog na.
~ dapat kagabi ko pa ito ipapublish eh. Kaso nwalan wifi. Bukas ko publish chapters 27-30. Btw, keep safe guys! :)
BINABASA MO ANG
Bestfriends to Lovers(VhongAnne❤️)
FanfictionAng storyang ito ay tungkol sa magbestfriend na may feelings sa isa't isa. Pero yung isa sa kanila ay may partner na. Ano kayang gagawin nung isa sa kanila. Pipigilan na lang ba nya o ipagpapatuloy pa rin nya kahit alam nyang masasaktan lang sya. Ma...