Anne's POV
Grabe! Ang sakit ng ulo ko. Napadami ata inom ko. Haiisstt. Hangover strikes! Hindi ko na maalala kung paano ako napunta dito sa kwarto. Pssh. Makalabas na nga.
Paglabas ko ay nandun na silang lahat. Masayang nagtatawanan habang nagkakape. Pampatagal hangover siguro.
"Goodmorning guys!" Bati ko sa kanila.
"Goodmorning din Anning! Oh eto pinagtimpla na kitang kape. Alam ko kasing gigising ka na eh. :)" sabay abot sakin ni Vhong ng kape. Teka, parang iba ang aura nya ngayon ha.
"Thanks Vhong. :)" kinuha ko naman yung kape at sabay inom nito at umupo na ako sa tabi nila.
"Grabe guys alam nyo ba bagsak kayo lahat. Hahaha. Yung iba sa sala na natulog. Buti na lang mag carpet." Kwento sakin ni Vhong.
"Eh paano ako napunta sa kwarto aber?" Tanong ko naman sa kanya.
"Eh di inalalayan kita papunta dun." Sagot naman nya.
"Sows! Yan ha, mag favoritism Vhong. Hahaha." Pang aasar naman ni Vice.
"Eh kasi naman, ang kulit kaya ni Anne. Kaya ayun, dinala ko na lang sa kwarto." Kwento pa ni Vhong. Teka, parang may naalala akong nangyare kagabi. Tama ba yung naiisip ko?? Hinalikan ko sya. Tsss.
"OH MY GOD!" Bigla kong sigaw.
"Oh bakit Anning? Problema?" Tanong sakin ni K.
"Wala wala. May naalala lang ako. Hehe. :D" palusot ko. Kaya pala iba ang aura ni Vhong eh. Nakaiskor. Hahaha. Malalagot sakin to. Tsk3
"Osya paano guys, una na ako. Sa bahay na ako magpapahinga. Hehe." Paalam ni Teddy. Kaya naman napagpasyahan na din naming umuwi lahat.
Pagkauwi ko sa bahay ay umakyat na ako sa kwarto at humiga. Chillax muna dahil mamaya rarampa ako. Hehehe. :)
Vhong's POV
Nandito na ako sa bahay. Haay. Medyo masakit ulo ko. Pssh. Kanina napa OMG si Anne. Siguro naalala nya yung ginawa nya sakin. Hahaha. Buti na lang di ko sya pinatulan. Kundi baka may Vhong Jr. na. Hahaha. Joke lang.
Chineck ko phone ko. Wala man lang text galing kay Tanya. Haayys. Wala na syang time sakin. Busy sya lagi sa work e. Alam ko na, mayaya nga mamaya si Bestfriend lumabas. Pagkakataon ko na ito. Hehe. Maitext na lang.
"Hi Best. Are you free tonight? Dinner tayo, treat ko. :) miss na kita eh."
Message sent!
Pagkatext ko sa kanya ay nagpahinga muna ako. Sana mabasa nya yun panigurado tulog din yun eh gawa ng may hangover pa. Hahaha! Bye muna! 😁
~ short update. Dapat kagabi pa to eh nawalan ng wifi kaya ngayon na lang. Updte ulit later. :)
BINABASA MO ANG
Bestfriends to Lovers(VhongAnne❤️)
FanficAng storyang ito ay tungkol sa magbestfriend na may feelings sa isa't isa. Pero yung isa sa kanila ay may partner na. Ano kayang gagawin nung isa sa kanila. Pipigilan na lang ba nya o ipagpapatuloy pa rin nya kahit alam nyang masasaktan lang sya. Ma...