Anne's POV
Nandito kami ngayon sa Batangas. Sa beach resort nila Vhong. Yaman di ba? Hehe. Dito na kami magspend ng New Year. Bale, nung Dec. 26 kami umalis. Ayos. Mahabang pahinga. Pang 2 weeks yung dala kong damit eh. Alam nyo na. Puro swimming lang kami dito. Yun nga lang hindi lang kami yung tao dito. Hindi na pinaprivate ni Vhong sayang daw kasi kita. Hehe
Sa isang kwarto na lang kami matutulog pra masaya. Kaya ayun, nag aayos kami ngayon ng nga gamit namin. Inayos na din kung sinu-sino ang magkakatabi. Pero syempre kami ni Babe ang magkatabi. Hehe. Landeee.
"Enebeyen, talagang kayo ang magkatabi huh?" Reklamo ni Vice.
"Ganun talaga Vice. Hahaha! Ayaw kitang katabi e...... Joke!" Eto talagang si Babe oh. Kaya ayun, humaba ang nguso netong si bakla hanggang sahig. Charot lang!
"Ganyanan Vhong? Parang dati lang eh..." I know nagbibiro lang tong si Vice eh. Haha.
"Anong dati naman ah? Haha. Ewan sayo Vice! Mapaggawa ka ng kwento. Mamaya maniwala sayo si Babe eh." Ayan na naman po sila. Nagaasaran na naman. Well, sanay na ako sa kanila.
"Ay nakooo! Kayo talagang dalawa oh. Tama na asaran at maglilibang pa tayo. Tara na wag nang magpatunpiktumpik pa. Karakaraka!!" Sigaw naman ni Billy boy. Kaya ayun, nagpalit na kami ng pangswimming at bumaba na din kami.
Haaayy! Ganda talaga dito. Kahit hindi lang kami yung tao. Grabee! I love beach. Kasi nakakapagrelax ka. Nakaupo ako ngayon sa sand. Nagsa-sight seeing. Nakakatamad pa maligo e. Saka maaga pa naman.
"Oh babe bakit nandito ka pa? Ayaw mo maligo?" Biglang lumapit sakin si Vhong at nagbackhug sakin.
"Wala lang babe. Maya-maya po siguro. Ikaw?" Tanong ko naman sa kanya.
"Papunta na dapat ako dun, eh bigla kitang nakita kaya mamaya na din ako. Hehe." Sagot naman nya sakin. Uhhh. His smile...
"Sows! Ayaw mo lang mangitim eh. Hehe." Biro ko naman sa kanya.
"Hindi ah! Gusto lang kita makasama." Sagot naman nito sakin. Eh ngumiti na lang ako
"Sexy mo Babe. ;)" sabi nya sakin tapos bigla akong kiniliti. Ayun, nagharutan kaming dalawa. Haha!
"Oy oy oy kayong dalawa. Ano?! Pumunta ba kayo dito para lang magharutan?? Tara naaa! Sayang tubig. Hahaha!" Oh alam nyo naman kung sino na yung nagsalita. Walang iba kundi si Viceeeyy! Hahaha. Ayun, nagwalkout na at nagswimming ulit.
"Istorbo talaga oh. Hahaha. Tara na nga Babe. Baka mabalikan pa tayo dito e." Yaya ko naman sa kanya. Kaya nagswimming na din kami.
Fast forward...
*New Year's Eve*
Nandito kami ngayon sa court ng resort. Exclusive lang saming barkada. Maarte sila e. Pede naman daw makinuod na lang yung mga taong nandito ng fireworks e.
Kaming mga girls ay nag aayos ng mga pagkain syempre konting chikahan na din. Hehe. Tapos yung mga boys eh nag aayos ng mga paputok.
"Nice Ate Anne papasok ang bagong taon na may lovelife ka at masaya. Hehe." Biglang sabi ni Coleen.
"Naku oo nga Anne, sana eh buong taon masaya kayo. Hehe." Sabi naman ni K
"Kayo talaga oh. Ikaw Coleen, di ba nanliligaw sayo si Billy? At ikaw naman K, kamusta naman kayo ni Yael?" Halatang nagulat sila sa tanong ko.
"Woah! Paano mo nalaman Ate Anne? Di ba matagal ka din nasa Australia? Hahaha." Si Coleen. "Oo nga Anne. Ikaw ha. Pinapaspy mo siguro kami. Hahaha!" Sabi naman ni K.
"Hahaha. Lokaloka. Kacontact ko lang naman si Vice. Ayun, nagkwento sya sakin. peace." Sagot ko sa naman sa kanila.
"Talagang si Vice eh. Haha. Ano punta na tayo sa kanila?" Yaya ni K at pumunta na nga kami sa mga boys.
"Hi Boys!" Bati namin sa kanila. Agad naman silang lumapit samin. Eto naman si Vhongskiee, makayakap sakin e. Haha.
"Hi babe! Namiss kita. Hehe." Nakunaku! Hahaha.
"Grabe Vhong ha, parang ilang lakad lang agwat nila kanina miss agad? Hayiiipp!! Hahaha" ayan na naman po si Vice. Hahaha.
Naglagay kami ng mahabang table dito at syempre dun kami pumwesto. Mag naririnig na kaming nagpapaputok. At syempre kami din noh. Nagdala ng speaker si Teddy at sinaksak sa kanyang iPhone. Ayos! Rakrakan na. Hahaha.
"11:59 na pala. Let's countdown guys!" Sigaw samin ni Vhongskieee.
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1
"HAPPY NEW YEARRRRRRRRRR!!!!!!!" Sigaw naming lahat sa isa't isa. Tapos nagpaputok na sila fireworks. Wooowwwww! Ang gandaaaa. Panigurado madami ding nanunuod sa Beach.
--
Natapos ang putukan at syempre nagkayayaan ding uminom. Pero hindi ako masyadong umiinom. Bigla na lang akong niyaya ni Vhong nang walang paapaalam sa kanila.
"Teka babe saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Wala lang, lakad lakad lang tayo. Namiss kita eh. Hehe." Nandito kami sa beach ngayon. Halos wala ng mga tao. Eh kasi ba naman anong oras na.
"Asus! Ikaw talaga oh." Kinurot ko sya sa pisngi nya
"Aray naman babe. Ikaw talaga." Ayun kiniliti naman nya ako. "Babeeee anoooo baaaa. Hahahaha. Tama naaaa. Hahahaha." lanja kase eh kilitiin daw ba ako eh alam nyang malakas kiliti ko. Hahaha.
"I Love You Babe." Sabi nya sakin tapos kiniss nya ko sa lips. Ihhh! Kileg mats!
"I Love You too Babe." Kiniss ko din sya sa lips.
"Pero seryoso babe. Ang saya saya ko. Akalain mo yun dati magbestfriend lang tayo tapos hindi ko alam na naiinlove ka na pala sakin. Hehe. Joke. Syempre ako din naman nafall na sayo. Pero tignan mo ngayon, were officially! I'm so happy! Sana tuloy tuloy na to." Ihhhh! Kilig naman ako sa babe ko. Kaya ayun napangiti na lang ako.
"Speechless babe? Hehe. I Love You." Sabay hug sakin.
"Ano babe? Balik na tayo dun? Baka hinahanap na nila tayo eh." Yaya ko sa kanya.
"Nope. Diretso na tayo sa kwarto. Medyo nahihilo na din ako babe. Let's sleep na." Sabi naman nya at ayun, dumiretso na kami sa room namin at nagpahinga. Hindi na kami nagpaalam sa kanila at malamang nageenjoy naman sila dun.
- sorry for the super late update guys. Hehe. 😁
BINABASA MO ANG
Bestfriends to Lovers(VhongAnne❤️)
FanfictionAng storyang ito ay tungkol sa magbestfriend na may feelings sa isa't isa. Pero yung isa sa kanila ay may partner na. Ano kayang gagawin nung isa sa kanila. Pipigilan na lang ba nya o ipagpapatuloy pa rin nya kahit alam nyang masasaktan lang sya. Ma...