Chapter 1

16K 223 11
                                    

                         

Loren checked her wristwatch, lahat ay naaayon sa schedule. Six pa lang ng umaga and everything runs smoothly, para sa event niya ngayong araw.
     Kagabi pa lang ay nag-meeting na sila at nag-assign na siya sa kanyang staff lahat ng gagawin. Hinati na rin niya ang mga ito sa dalawang grupo, isang group sa simbahan at isang group sa venue ng wedding reception.
     "This is not a challenge" ang malakas na sabi ni Loren sa sarili, habang nagdidrive ng kotse patungo sa hotel kung saan naroon ang kanyang client, ang bride- to- be.  The couple wanted a simple yet elegant wedding, kaya di siya masyadong ngarag sa pagpaplano, at well-budgeted din ang wedding na tatlong buwan niyang plinano with the help of course of the couple. At dahil nga sa well funded ang kasal, kaya di rin siya nahirapang pagkasyahin ang budget para sa wedding. But still, everything has to be perfect!
Kanina ay maaga pa lang tinawagan na niya ang kanyang staff to checked and reminded them na wala dapat makaligtaan. Everything has to be right on schedule.
     At twenty-eight years old naging well-established wedding coordinator siya. And she gave her clients the wedding of their dreams, kahit pa gaano kalaki o kaliit ang budget, wala siyang tinatanggihan, at halos lahat ay ibinibigay niya para lang maibigay ang dream wedding ng clients niya, na alam niya na, minsan lang mangyari sa buhay ng isang couple.
     Kinuha ni Loren ang kaniyang iPad, para icheck ang kanyang schedule for the day, habang naka-stop ang traffic. Her fingers started gliding on the screen, while she looked at her schedule. Buong araw niya ay gugugulin niya sa wedding. Then, tomorrow ay rest day niya, at ang dinner date nila ng kanyang two-year boyfriend na si Christian. She sighed, she reached for her satchel na nasa passenger's seat at ibinalik na niya ang kanyang tablet, nang makita niya ang seconds na malapit na mag greenlight sa kanyang lane. Tinabi na niya ang bag at muling nagdrive patungong hotel, kung saan nandun ang bride na naghihintay na sa kanya.

                          **********
     Kinabukasan ng umaga, nagising si Loren sa alarm ng kanyang digital clock. She reached on her left side, kung saan nakapatong ang kanyang digital clock and she turned off the continued beeping of the alarm. Dahan-dahan siyang bumangon at nag-inat ng kanyang katawan, four ng umaga ang call time niya, may pasok man siya o wala, she always kept herself busy and never idle.
She loves the feel of her busy life, somehow it's therapeutic to her.
Agad siyang bumangon at inayos ang kanyang kama, she plumped her pillows, shook the comforter and pull the sheets on the corner of the mattress.
Agad siyang nag-shower and did her morning routines. Pagkalabas niya ng banyo ay dala rin niya ang basket ng kanyang maduming mga damit. At nagtungo muna siya sa kusina para mag-brew ng coffee. Saka naman siya nagtungo sa laundry area niya at isinalang ang maruruming damit sa washer.
Then, she checked her trusty iPad that kept her organized and on track.  She did everything in a routine, at lahat nakalagay sa kanyang tablet, para wala siyang makaligtaan. Lahat ng nakalagay sa schedule niya sinusunod niya, napagkakamalan na nga siyang OC, pero hindi.
She wanted everything to be done according to her plan, at hindi dahil sa control freak siya, dahil ito sa dinanas niyang hirap noon,  dahil sa maling desisyon kanyang mga magulang. And she did learned so hard from that mistakes, kaya natuto siyang gawin lahat ng di pabigla-bigla, naka-ayon sa plano, at naka-schedule.
     Namuhay na siyang mag-isa since eighteen years old siya nang magkasunurang namatay ang kanyang daddy at mommy. Di na siya umasa pa sa mga kamag-anak at naging independent.

                            ********

     "Hello hon, I'm just checking on you kung tuloy ba tayo mamaya?" tanong ni Loren sa boyfriend na si Christian na nasa kabilang linya.
     "Yes hon, medyo malilate lang ako ng konti" sagot ni Christian.
     Ayaw ni Loren ng late, pero minsan nag-aadjust siya sa schedule ng engineer na boyfriend na laging nasa field.
     "Okey, so mga anong oras ka makararating ng di naman ako masyadong matagal na maghintay" tanong ni Loren at pilit na itinago ang pagkairita.
     "Maybe 6:30 nandun na ako" sagot nito sa kanya.
     Okey, only thirty minutes late, ang sabi ni Loren sa sarili.
     "Alright, nagpareserve ka na ba sa Mirabella?" tanong ni Loren.
     "Yes babe" sagot ni Christian na napabuntong-hininga "look, I need to hang-up now, I'll see you later".
     "Bye!" sagot ni Loren saka ibinalik ang phone sa kanyang bag. She still have time to prep-up sabi ni Loren sa sarili. Next week na nga pala ang vacation nila ni Christian sa Siargao, at ito ang first time na magbabakasyon na magkasama. Silang dalawa lang.
     Si Christian ang first boyfriend niya, because she planned for it. Na kapag 25 years old na siya, saka pa lang siya tatanggap ng manliligaw. At ngayon, halos two years na sila ng boyfriend. Wala pang nangyayari sa kanila, she wanted it that way, not until makasal sila.  Ayaw niyang mabuntis, at wala pa ito sa mga plano niya.
     But lately, parang nanlamig si Christian sa kanya, lagi na lang itong nasa field at puro trabaho ang inaatupag. Baka dahil sa di na sila makaalis sa kissing and touching stage. So this time, she made the move. Plinano niya ang trip sa Siargao at kumunsulta na rin siya sa OB-Gyne para maresetahan siya ng pills, na hanggang ngayon ay di pa niya ginagamit, at plano niyang bago na sila umalis pa Siargao. Kailangan niyang gawin ang move na ito, sabi ni Loren sa sarili to keep Christian na, ideal man niya.  Tall, handsome, same age as her, and on his way on top of his career. Kaya sinagot niya ito agad, nang ligawan siya nito, at pareho sila ng mga likes and dislikes sa buhay. Ang mga magulang at kapatid ni Christian ay naninirahan na sa ibang bansa, at tanging siya na lang ang naiwan dito sa Pilipinas.
     Ngayong taon, plano na ni Loren na maengaged, at maikasal bago pa matapos ang taon, kahit pa tinanggihan niya ito noon.
     "And this is the only way" ang sabi ni Loren sa sarili.

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon