Prologue

919 19 1
                                    

Zia's POV

Walang dahilan para ma-inlove ako sa lalaking to. Lahat na ata ng pwedeng kaayawan ng isang babae nasa kanya na. Suplado, antipatiko, basag-ulo, bastos at mukhang walang pangarap sa buhay.

Pero bakit ganito? Kada nakikita ko siyang nasasaktan, nag-aalala ako. Kapag di niya ko pinapansin, nalulungkot ako. Sa bawat binibitawan niyang pang-aasar parang natutuwa pa ko. At sa tuwing nagkakalapit kami, kumakabog ang puso ko.

At ngayon, kailangang kailangan ko ang tulong niya. Dumating na kasi sa bansa si Kent Montreal, ang lalaking pilit saking pinapakasal ng mga magulang ko. Kailangan ko si Se Ju magpanggap bilang boyfriend at kunwari'y mahal na mahal ko.

"Payag na ako sa offer mo na maging kunwaring boyfriend mo, pero may tatlong kondisyon ako." sabi niya sakin.

"Anong mga kondisyon?" tanong ko sa kanya.

"Unang-una, sa akin mapupunta ang bahay na 'to." mariin niyang sabi.

"Madali lang yan Se Ju, aalis ako dito agad pagtapos na ang kontrata natin." pagpayag ko dito.

""Pangalawa, bawal ka makipag-date sa iba habang nagpapanggap tayo. Ayoko magmukhang kawawa sa ibang tao." sunod niyang kondisyon.

"Sure, we won't have problems with that." lakas loob kong sagot. Totoo naman, wala sa isip ko makipag-date.

At bago niya sabihin ang huling kondisyon, unti-unti siyang lumapit sa kin. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang aking mukha. Tumitig muna siya sa mga mata ko sandali at halos magkalapit na ang aming mga labi.

"And my last condition is, don't you dare fall inlove with me or you'll regret it." pabulong niyang sinabi at ngumisi.

Jusko, ako man ayoko mangyari yan. Please lang Zia, wag kang ma-iinlove sa isang katulad niya.

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon