4

383 13 1
                                    

Se Ju's POV

(...4:00 in the morning)

Kasalukuyan akong nasa harapan ng aking bagong bili na bahay at pilit na binubuksan ang main door. Madali ko naman naopen yung gate, pero dito ako nahirapan. Madilim na nga tapos sobrang hilo pa sa kalasingan kaya hindi ko masyado makita yung keyhole.

"Etohhh talagahhh yun ehhh... bakiht bah ayaw mabuksannnn?" langong-lango kong sinu-susian ang pinto.

Makalipas ang ilang pilit at pihit, sa wakas bumukas din ang pintuan.

"Wehlcome howwwmee!" sigaw ko pagkapasok sa loob ng bahay at pasuray-suray na dumiretso sa aking kwarto.

Hindi ko na binuksan ang ilaw sa room. Nagtanggal na lang ako ng tshirt at pants, hinagis sa kung saan ang aking dalang bagpack at dumiretso sa aking kama. Nakadapa akong humiga at wala pang ilang minuto, nakatulog na.

Nagising nalang ako kinaumagahan dahil sa hiyaw ng isang babae ngunit hindi agad ako dumilat. Nakiramdam at binosesan ko muna ang babaeng sumisigaw.

"HOY GUMISING KA DIYAN!!!! GET OUT OF MY BEDDD!!!!"

Teka, saan ba ako natulog???

Did I mistakenly went to my ex's apartment? Ang natatandaan ko, sa bagong bahay ako dumiretso kagabi ah...

Eh sino 'to???

"WHAT ARE YOU DOING IN MY HOUSE AND IN MY BED?!! GET OUT NOW OR I'M CALLING THE POLICE!!!" sigaw muli nung babae, na hindi ko talaga mabosesan.

She doesn't sound like my ex at all.

Minulat ko na ang mga mata ko at nakita yung babaeng nagwawala. Matalim na nakatitig ito sakin at nakapamewang.

Inikot ng mga mata ko ang paligid at chineck kung eto ba yung bagong bahay. Well yeah, it is my house and my room. I'm so sure of it.

Then why the heck is this girl shouting at me na parang ako pa nagtrespassing sa bahay niya???

"Oy, sino ka ba hah? Ang aga-aga mo mangbulahaw ng natutulog. How did you get in here anyway?" sabi ko na medyo garalgal pa ang aking boses.

"IKAW ANG SINO?!! RAPIST KA NOH???!! WHAT DID YOU DO TO ME LAST NIGHT?!! YOU... YOU PERVERT!!!" lalong nagfreak out yung babae.

I rolled my eyes and smirked at her.

Ano 'to, joke?

Napilitan na akong bumangon sa kama at hinarap yung eskandalosang babae. Agad naman itong tumalikod pagkakitang nakaboxers lang pala ako.

"What the h*ll??!!! Magbihis ka nga!!! Lumabas ka agad pag nakadamit ka na!!" di na pasigaw gaano, though mataas pa rin ang boses niya.

I crossed my arms on my chest habang tinitignan yung babaeng nagwawala kanina. Lumabas ito at padabog na sinarado ang pinto ng kwarto.

"Ano bang ginagawa niya sa bahay ko? Oo lasing ako kagabi pero hindi ko matandaan na sinama yun dito." napapailing kong wika sa sarili habang sinusuot ang pants at tshirt ko.

Nang makapagdamit na, pumunta muna ako ng banyo upang magsipilyo.

Thankfully, kumpleto na talaga mga gamit dito. Hindi lang fully furnished, pati toiletries meron din like toothbrush, toothpaste, shampoo, etc...

"Pink?" nagtatakang sambit ko pagkakuha ng toothbrush sabay kibit balikat nalang at ginamit parin ito.

Pagkaraan ng ilang minuto, narinig ko yung babae na binuksan ang pintuan ng kwarto ko at sumigaw muli.

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon