6

362 12 0
                                    

Se Ju's POV

After the crazy scenario, I went back to sleep. Mamaya ko na iisipin ang sitwasyon namin nung baliw na babaeng yun. Basta ang alam ko lang, hindi ako aalis dito dahil akin din ang bahay na 'to.

I woke up around 7 in the evening, starving AF. Pero bago bumaba, nagshower na muna ako at nagbihis ng pang-alis. Balak ko pumunta sa Xordium after dinner since that's my daily routine. At syempre para makaiwas narin sa bagong 'housemate' ko na may sayad.

Nang makabihis, bumaba na ako para kumain. I'm not sure kung meron ngang pagkain sa fridge. But I'm guessing that the psychopatic lady must've done her groceries. Share naman kami ng house so... might as well share her food, right? Hahaha!

Hindi nga ako nagkamali, maraming laman ang fridge pagsilip ko dito. I quickly took out the loaf of bread, ham, cheese and a tomato.

Habang abala ako sa paggawa ng sandwich, narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Zia.

"Wooppeee. Just the person I wanted to see." I sarcastically mumbled when I saw her approaching the kitchen.

"Aba sinong may sabi sayo na pwede mo pakialamanan mga stock diyan sa fridge?!" nakapamewang siya at nakatingin sa ginagawa kong sandwich.

"Nasa loob ng fridge ko, so it means akin rin 'to." nagkibit balikat lang ako.

I took a bite of the sandwich and stared at her. She's wearing yellow pj's, glasses and her hair was tied up in a messy bun. She was looking at me like a hawk ready to take it's prey.

"Ganyan ba talaga kagaspang ugali mo? Hindi lahat ng nakikita mo sayo. Alalahanin mo, hindi pa natin sigurado kanino talaga itong bahay. Isa pa, ako nagpakahirap at gumastos para sa mga yan. Bumili ka ng sarili mong pagkain." mataray niyang winika.

Lumapit ito sa kitchen counter at padabog na nagligpit ng mga ginamit ko para sa sandwich.

"And please lang, ayoko ng makalat sa bahay. Kung sainyo eh may katulong ka, dito matuto kang mag-ayos ng ikinalat mo." dagdag pa nito pagtapos niyang ibalik sa ref ang mga pagkaing linabas ko.

"Whatever, princess." iritado kong sinabi habang kumukuha ng baso at tubig.

Pagkainom ng tubig, iniwan ko lang sa sink yung baso sabay alis.

"What the-----?!!! Hoy hugasan mo to!! Ano ako dito, maid mo?!!" sigaw niya, pero dinedma ko lang ito at umakyat na sa kwarto.

Malakas kong isinarado ang pintuan at bumuntong hininga sa harapan ng salamin.

Hayzt! Hanggang kelan ko ba yan makakasama dito? Nakakaasar! Anong ineexpect niya? Susunod ako sa mga gusto nito? No freakin' WAY.

"Ewan ko lang kung matagalan nun ugali ko. Hahaha! Ilang araw lang yan, tatakbo na yun palabas ng bahay na 'to." sambit ko sa sarili na pangisi-ngisi.
___________________________
Zia's POV

Talagang sinusubukan ako ng hayop na yun ah! Kahit kelan di ako naghugas ng baso para sa ibang tao tas siya gagawin akong katulong niya?? At sa pamamahay ko pa?!

Katatapos ko lang linisin ang ikinalat nung damuhong lalake nang makita ko siyang palabas ng bahay.

Saan naman kaya lakad nun?

Bumalik na ako sa kwarto at pinagpatuloy ang pag-sketch ng summer wear designs for the Manhattan Fashion Show. Eto pa yung nakaraan kong ginagawa bago umalis sa New York. Nakakompromiso na kasi ako sa event kaya kailangan talagang matapos ko ito para ma-email ko na sa aking assistant at siya na ang bahala mula doon.

Pero teka, mabalik tayo dun sa impaktong Se Ju.

Hindi kaya sindikato yun? Come to think of it, paano niya naafford bumili ng ganitong bahay eh mukha naman walang trabaho yun. Pati ugali, walang breeding!

"What if bigla na lang niya ko saksakin habang tulog ako at isako then itapon sa Han River? OH MY-----NOOO! Hindi na ko matatagpuan ng mga parents kooo!!!" takot na takot kong nasabi sa sarili.

Calm down, Zia. Masyado naman ata OA ng imagination mo.

Pero dapat ma-imbestigahan ko ang taong yun. Malay ko ba kung may criminal record pala siya. Wala pa akong kalaban-laban dun pagnagkataong may gawin siya na hindi tama.

"And we really need to have rules on this house. Since wala naman siyang interes gumawa, ako na maglalatag ng rules sa kanya. Aba, di na pwedeng maulit yung ginawa nun kanina. Hindi lang niya alam kung saang pamilya pinanggalingan ko." wika ko sa sarili.

Sinimulan kong maglista ng mga naiisip kong batas para samin dito sa bahay. Isinangtabi ko muna ang trabaho na aking ginagawa tutal malapit ko naman na matapos iyon.

"Hmm... ahhh oo, tama..." bulong ko habang nagsusulat.

Makalipas ang 30 minutos, natapos ko rin ang rules and regulations namin. Bahala na si Se Ju kung may gusto pa itong idagdag, basta ako kung ano ang mga nakasulat, yan ang dapat sundin namin pareho.

Nireview ko muna ang aking sinulat,

HOUSE RULES:
1) Clean as we go especially at the kitchen area. No dishes should be left unwashed or disorderly placed. Food and kitchenwares must be stored properly.
2) When a stock/food is at the fridge and has a name on it, PLEASE DO NOT TOUCH or EAT it. In other words, "Buy your own food".
3) Don't leave the lights on at night whenever you go out.
4) "Mind your own business". Your life, your choice.
5) Monthly bills should be paid and divided equally.
6) DO NOT ENTER each other's room. Privacy is a MUST.
7) For Se Ju, don't you dare make any malicious MOVES and PERVERT thoughts about me. I have a pepperspray hidden somewhere and ready to use that on you.
8) General cleaning will be at the end of the month. This is a must. We don't want to live in a pig pen, do we?

Yan palang naiisip ko sa ngayon. Kung may additional pa, ilista nalang namin kapag nagusap na kami.

Gusto ko lang naman payapa at tahimik na buhay. At para mangyari yon, kailangan sundin namin pareho ang mga nakasaad dito.

Pero sana nga, sumunod yung pesteng yun.

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon