Se Ju's POV
Pagkasabi ni Zia ng 'help' na hinihingi niya, muntik ko nang maibuga yung orange juice sa bibig ko. Ano na namang kalokohan pinag-iisip netong baliw na to?!
"Are you insane?! Ayoko nga! Pakasal ka na lang dun mas matutulungan pa kita!" bulalas ko sabay talikod at naglakad patungo sa aking kwarto.
"Please.... Just until he's here.. For one month lang Se Ju... Pleaseee..." hatak-hatak niya yung sleeves ng shirt ko habang nakasunod sakin.
Pagkarating sa tapat ng room ko, inalis ko ang kamay niya sa sleeve ng aking damit at tinignan siya ng masama.
"NO Zia. Don't get me involve on your pathetic love life!" mariin kong sinabi sa kanya at sinaraduhan ito ng pinto.
Hah!
Talagang may turnilyo utak ng babaeng yun eh. Ano daw? Magpanggap na ano? Boyfriend? Her idea is as crazy as she is. Pailing-iling ako while remembering what she just said.
Paghiga ko sa bed, narinig ko si Zia na walang humpay sa pagkatok ng pintuan.
"Please Se Ju... Tulungan mo na kasi ako... Ganito na lang, I'll pay you if you help me out... Any amount, promise magbabayad ako... Please.." she pleaded outside my door.
Aba anong akala niya sakin? Mukhang pera?! Lalo tuloy ako naiinis sa mga pinagsasabi niya.
Tinakpan ko ng unan ang tenga ko at pinilit makatulog. Hinayaan ko lang siya magkakatok sa pintuan hanggang sa kusa itong tumigil.
Kinaumagahan, pagbaba ko ng kitchen, andun na si Zia. Abala ito sa paghahanda ng breakfast. But what bothered me was that she's setting the table for two people.
"May dadating ka bang bisita?" tanong ko rito, tinuro ko yung lamesa sabay tingin sa kanya.
"Nope. Dali, maupo ka na diyan." nginuso niya kung san niya ko pinapaupo, sa nakaset-up na lamesa.
I gladly obliged naman pero alam ko na pakay neto bakit inaasikaso ako. Pinagmasadan ko lang siya habang hinahango yung pancake sa kawali. After that, she served me a plate with pancakes and bacon on it, same with what's on her plate.
"Dig in." sabi nito ng nakangiti. Umupo na rin siya at sinimulan na namin kumain ng tahimik.
"If you think madadala mo ko sa mga style mong ganito, nagkakamali ka. Ayoko lang masayang effort mo sa pagprepare nito kaya ako kumakain ah." pagbasag ko sa katahimikan.
"Ayyy hindi ah! Nako, ito naman.. Di ba pwedeng sinipag lang ako magluto ng almusal para satin?" nakangiti niyang sagot. Pero yung ngiti niya halatang may agenda eh.
Tumango-tango ako at sinabi,
"Yeah, sinipag ka the day after you asked for my help and I rejected your stupid idea. I hope walang lason to." sabay balik sa paghiwa ng pancake.
"Actually, plano ko talaga lagyan ng lason yan. Out of stock lang." ngisi nito.
Umiling na lang ako at patuloy kumain, nagdadasal na sana hindi ito ang huli kong almusal.
Biglang may linapag siya sa lamesa na papel. "Basahin mo." sabi niya at binigay yung papel sakin.
Binasa ko ang nakalagay sa papel at siya naman pinagmamasdan lang ako. Isa itong draft na kontrata kung sakaling pumayag ako magpanggap bilang boyfriend ni Zia. Nakalatag na lahat ng gusto nitong mangyari.
CONTRACT
1) To inform everyone that we are in a serious relationship.
2) Pretend that we are living together. This one is easy because we are, in fact, living in one house.
3) To act like we really love each other infront of other people.
4) No sweet moments if it's not necessary. Which means, if we are not in a public place or infront of my supposed fiancé, we go back as we used to.
5) No body contact. Intimacy is a big NO. (or I'll cut your head off, if you know what I mean) Hugs are fine as long as IT IS NECESSARY.If agreed, you will be paid for your services in the sum of:___________ <name your price>.
Habang binabasa ko ang contract, di ko mapigilan matawa.
Pucha, ano to? Child's play? She's so unbelievable!
"Why are you showing this to me? Diba sinabi ko na ayoko?" tumingin ako sa kanya at binalik yung kontrata.
"Please pag-isipan mo muna. Kung may ayaw ka sa nakasulat diyan, pwede pa naman baguhin. Draft pa lang naman yan." pakiusap niya.
"Whatever, princess. Thanks sa breakfast." tumayo na ko at umakyat sa kwarto. Siya naman, di na sumunod at nangulit pa. GOOD.
Nahiga ako sa kama at nagbrowse sa web. Habang nagbro-browse ako, an article caught my attention.
EXCLUSIVE NEWS: ZIA's FIANCÉ HAS BEEN REVEALED
MONTREAL INDUSTRIES CEO, MR. KENT MONTREAL IS RUMOURED TO BE ZIA MILLER's FIANCÉ. WITH THE SAID ENGAGEMENT, IS MERC AND MONTREAL INDUSTRIES PLANNING FOR A MERGE OF COMPANY?
Binasa ko ang article and I saw a picture of the guy, Kent Montreal, na sinasabing rumoured fiancé daw ni Zia.
"So, eto pala ang fiancé ni Zia na dadating dito sa bansa?" tinitigan ko ang lawaran.
Suddenly, I felt the urge to accept Zia's offer. Well, why not? Medyo nabo-bored pa naman ako.
"I think I'd like to play this exciting game." nakangiti kong sinabi sa sarili habang nakatingin sa photo nung Kent Montreal.
BINABASA MO ANG
Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019
FanfictionThis story has some mature contents. Not suitable for very young readers. Soread at your own risk. Sorry for the typographical errors. Feel free to correct them. ☺️ Please do not copy any content of my story as Plagiarism is a crime. ©️llMahBooll_20...