••Se Ju's POV••
Natapos rin sa wakas ang ang speech namin sa harap ng mga guests.
Hahanapin ko sana si Zia ngunit bigla naman ako hinawakan sa braso ni Tiffany.
"At saan ka, sa tingin mo pupunta hah? Were you surprised to see Ziandra here? I saw you exchanging glances at each other." mapang-asar na ngiti nito.
"Tatanggalin mo yang kamay mo sa braso ko o itutulak kita diyan sa sahig?" mariin kong sabi sa kanya.
Agad naman siyang bumitaw ngunit di parin inaalis ang napaka-plastik niyang ngiti.
"Wow, galit agad? Don't worry, sa wedding natin invited rin siya." natatawang sabi ni Tiffany.
Talagang ginag*go ako ng babaeng to ah!
Hinaltak ko siya sa braso at tinitigan ng matalim.
"Wag na wag mong pakialaman si Zia kung ayaw mong makita paano ako magalit. At subukan mo lang siya imbitahan sa kasal natin, ewan ko lang kung di kita gawing kahiya-hiya sa araw na yun." pagbabanta ko dito bago siya bitawan.
"Ooops.... You're too late to warn me. Nakapagsabi na ko sa kanya na siya ang magde-design ng wedding gown ko. Paano na yan Se Ju? I guess I'll just have to see you get mad." ngumisi ito bago tumalikod at nagtungo sa ibang guests.
T*ng*n* talaga tong babae na to!! Kung pwede ko lang isako at itapon sa dagat to, nagawa ko na siguro.
Ano bang pinaplano nito at kay Zia pa niya piniling magpagawa ng wedding gown niya?
Para pasakitan pa ito lalo?
Para inggitin?
Hindi pwede to!!!
Ngayong alam na ni Zia ang lahat, sana hindi na niya ituloy ang pinapagawa sa kanya ng demonyitang babaeng yon.
I can't let Zia suffer more after all the pain I've brought to her life...
______________
••Zia's POV••"...let her rest for awhile. I'll bring her blood samples sa hospital. Tawagan nalang kita kapag lumabas na ang resulta."
Narinig kong may nagsalita nang magkamalay ako. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nasilayan ang isang magandang ginang.
"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?" nakangiting wika ng ginang sakin.
Kahit nahihilo parin, pinilit kong umupo at sumandal sa headboard ng kama. Nagtatakang linibot ng aking mata ang kwartong kinaroroonan ko ngayon.
"Nasan po ako? Sino po kayo?" mahinang tanong ko.
"Hindi mo ba naaalala? Ako yung nakabanggaan mo kagabi. Nawalan ka ng malay. Di naman namin alam saan ka nakatira kaya dinala na muna kita dito sa bahay ko." paliwanag niya. Kinuha nito ang isang tray na may lamang pagkain.
Ah siya pala yun... Hilong hilo na kasi ako kagabi at nanlalata kaya wala na ko sa sarili nang lumabas ako sa venue...
Muling nanikip ang dibdib ko nang maalala ang mga nangyari kagabi.
Sana panaginip nalang lahat ng yon.
Sana hindi ko nalang nasaksihan ang betrayal ni Se Ju sakin.
At sana hindi nalang ako nag-attend kagabi.
Walang kapantay ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Yung tipong durog na durog na nga ang puso ko, pero lalo pang napino nang husto.
"Iha, kumain ka na muna para lumakas ka." wika nito at linapag ang tray na may lamang pagkain sa hita ko.
"S-salamat ho pero wala po akong gana kumain talaga." at nagsisimula na namang mamuo ang mga luha sa mata ko.
Kinuha niya ang tray at linagay sa side table. Pagtapos ay umupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.
"Ikaw si Ziandra Miller, tama ba?" maamong tanong nito.
Huh...???
Bakit kilala niya ako???
"O-opo... P-paa-no nyo n-nalaman?" nauutal kong sagot.
"Marami akong nalalaman tungkol sayo at kay Se Ju. Mula pa sa pagsasama niyo sa iisang bahay. Alam kong girlfriend ka ni Se Ju at nakipaghiwalay siya sayo dahil ikakasal siya sa isang Delevingne." paglalahad niya.
Teka nga lang....
Sino ba ang ginang na to???
Bakit alam niya ang tungkol samin ni Se Ju???
"Mawalang galang lang po, pero bakit andami niyo pong alam about samin ni Se Ju? Sino po ba kayo?" tanong ko dito.
"Ako si Ms. Jang Seo Yoon." pakilala niya. Saglit itong natahimik at parang nag-iisip ng susunod niya sasabihin.
Ngunit di ko parin maintindihan bakit ganun nalang ang interes niya saming dalawa ni Se Ju.
Huminga muna ito ng malalim saka muling nagsalita.
"Ako ang tunay na ina ni Se Ju." sambit nito.
WTF??!!!!
Nasa harapan ko ngayon ang mama ni Se Ju???!!!!
How crazy can this be???!!!
BINABASA MO ANG
Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019
FanfictionThis story has some mature contents. Not suitable for very young readers. Soread at your own risk. Sorry for the typographical errors. Feel free to correct them. ☺️ Please do not copy any content of my story as Plagiarism is a crime. ©️llMahBooll_20...