••Zia's POV••
After that night, I decided to distance myself from Se Ju.
Thankfully, parang ganun rin siya ngayon dahil bihira na kami magkita sa bahay. We suddenly became strangers living in one roof.
Kahit yung dati na bangayan, wala na rin. Umuuwi naman siya, naririnig ko. But he never dared to knock on my room. And it's been a week since we were this way.
Hindi ko na talaga alam paano ko pa siya pakitunguhan ng normal ang puso ko. Yung wala lang ba, gaya ng dati. Natatakot akong makaharap siya at baka mahalata niya. Gusto ko kung magkaharap muli kami, maayos na ako at wala ng nararamdaman para sa kanya. I wanted to heal the wounds I did to myself. It will be unfair kay Se Ju kung makikita niyang nasasaktan ako eh di naman niya to kasalanan, technically speaking.
Tonight, I went out clubbing with Hae Min. Matagal na rin kasi since we last saw each other and gusto ko munang makawala sa mga pinag-iisip ko kahit ngayon lang.
"Girl, tignan mo yung guy dun sa may bandang bar nakaupo. Kanina pa yan tingin ng tingin dito eh." sabi ni Hae Min, ngumuso siya sa direksyon nung sinasabi niyang lalakeng nakatingin.
Di ko masyado makita yung tinutukoy ni Hae Min dahil lasing na ako. Parang ang likot-likot ng paligid sa paningin ko na nakakahilo. Sabayan pa ng dumadagundong na ingay sa club na lalong nakakalasing.
"San bah?" tanong ko kay Hae Min.
"Wait! Don't look! Papalapit na siya ditooooo!" kilig na kilig nitong sabi.
"Wha---"
"Hey ladies, may I join you?" nakangiti na sabi nung lalaki pagkalapit niya sa table namin. Agad naman siya pinaupo ni Hae Min.
Nagpakilala yung lalaki samin kaso di ko masyado narinig. Chinika naman ni Hae Min ito habang ako naman nakapangalumbaba na tinitignan silang dalawa. Kahit di ko naiintindihan pinaguusapan nila, basta kada tatawa sila, nakikitawa rin ako na parang tanga. Gumagaspang narin ang mga kilos ko at pumupungay na mga mata ko dahil sa kalasingan.
"Oyshhhh.....! shot munahhh! Hahahah!" aya ko sa kanila. Inabutan ko sila ng tig-isang shot na ininom naman nila agad.
Tumabi yung lalaki sakin at kinausap ako.
"Lamo ba lagi kita nakikita sa social media. Di nga nagsisinungaling ang mga lawaran mo, you really look hot kahit sa personal." sabi nito sabay umakbay sakin.
"Hahaha! Owwwss? Talagah bahh?" parang tanga kong humahagikgik sa kanya.
Lumingon ako kay Hae Min at sinabi, "Butih pah toh oh, may appre.... appreciation ehh! Hahahah!"
"Pinagsasabi mo diyan girl? Hahaha!" sabay tawa ni Hae Min sakin.
"Tarahhh let's danceeee! Woooooh!!" tumayo ako at hinatak silang dalawa papuntang dance floor.
Ang saya lang ng pakiramdam ko ngayong gabi. Hype na hype ako kahit lasing. Just like when I was in New York. I used to party hard there too with my friends. Kaya feeling ko gaya na ulit ako ng dati, yung walang iniitindi sa buhay kundi ang career ko lang at magsaya anytime I want.
While we're dancing, I couldn't help but notice yung mga passes na ginagawa nung lalake sakin. He was holding me at my waist and may pahipo-hipo pa to. Di ko naman to masyado iniintindi, dahil nga lasing na ko. Pero nang katagalan, yung kaninang pahawak hawak niya eh hinahatak na niya ko papalapit sa kanya.
Nang magtama ang mga mata namin, suddenly I imagined it was Se Ju. Yung mga ngiti niya at mapang-akit na tingin na di mawala sa isip ko. Unti-unti siyang yumuko habang nakatingin sa mga labi ko. Ako naman, yumakap na rin sa kanyang leeg at napapikit, inaakalang si Se Ju nga ang lalaking kasama ko.
BINABASA MO ANG
Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019
FanfictionThis story has some mature contents. Not suitable for very young readers. Soread at your own risk. Sorry for the typographical errors. Feel free to correct them. ☺️ Please do not copy any content of my story as Plagiarism is a crime. ©️llMahBooll_20...