22

276 11 0
                                    

Zia's POV

Mag-aalas kwatro na ng madaling araw ngunit di pa rin umuuwi si Se Ju. Kanina pa ako nag-aalala't baka may nangyari na sa kanyang di maganda. Umalis pa naman itong galit sakin.

Hayyyy! Saan na naman kaya yun?

Abala ako sa pagtimpla ng tea sa kusina nang marinig ko ang gate bumukas. Dinig ko ang boses ni Se Ju at parang may narinig din akong tumatawa na...

...Babae???

Luh, tama ba yung narinig ko???? Boses ng babae???

Nang marinig kong bumukas ang main door, nag-tiptoe ako upang silipin kung sino ito. Nanginginig kong hawak yung kutsarita sa isang kamay at pinakiramdaman ang mga bagong dating.

Ano ibig sabihin nito?! Bakit may kasama siyang babae?!!!!

"Woah! Hiik... Ang cute naman ng house mo Sej! Cozy but verrryy modernnnn... hikkk!"

Agad akong napayuko at nagtago sa likod ng counter nang makita yung babae na akmang pupunta dito sa kitchen.

"Impaktong 'to! Nagbitbit pa talaga dito ng babae niya!" gigil na bulong ko habang hawak ng mariin ang kutsarita sa kamay ko.

"Do you like it? Mas maganda dun sa kwarto ko. IF you know what I mean.." wika ni Se Ju.

Hindi ko man sila nakikita, naiimagine ko naman ang napakalaking ngisi sa mukha nito habang sinasabi yun dun sa babaeng haliparot.

Yuck kayo! At dito niyo pa balak maghasik ng lagim??? Eeeeew!

Nanlalamig ang aking pakiramdam at ramdam ko ang unti-unting butil ng pawis na namumuo sa aking noo. Siguro'y dala ng pangambang baka mahuli nila ako dito na nagtatago.

"Really??? I wanna see your rooooooomm! hikkk..." pasinok-sinok na sabi nung lasing na babae.

"As you wish, baby." sagot naman ni impakto sa kanya.

Hinintay ko munang marinig ang pintuan ni Se Ju na sumara bago ako tumayo at dahan-dahang sumunod sa taas na parang ninja.

Bakit kamo???

Aba syempre para magimbestiga. Bahay ko pa rin 'to, baka may krimen silang gawin sa kwarto ni Se Ju, irereport ko agad sila sa pulis. 😏

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Se Ju, nakiramdam muna ako bago linapat ang aking tenga sa pintuan niya.

Wala akong marinig kundi ang ugong ng aircon. Napahawak ako sa bibig nang may di kanais-nais na pumasok sa isip ko.

"OMG?! Ang babastos naman ng mga to! Di nalang sila sa motel naglampungan!" inis na inis kong bulong sa sarili habang nakadiin pa rin ang aking tenga sa pintuan.

Nang biglang...

***CCCRRREEEEAAAAAKKKKKK....

Patay!

Napasubsob ako sa dibdib ni Se Ju nang biglang buksan nito ang pintuan!

"Now look who's eavesdropping." pang-aasar niya sakin na may halong pag-ngisi. Hinawakan niya ang aking mga braso at marahang linayo ako sa kanya. Hinintay ko munang maisarado niya ang pintuan bago ako sumagot.

"A-anong e-eavesdropping?! H-hindi n-noh! Nag-aalala lang ako sa kasama mo k-kasi a-ano umm.. kasi....." hindi ko matapos tapos ang aking sasabihin sa sobrang pagkapahiya.

Bakit nga ba kasi ako nakikinig, hah?

"Akala ko ba gusto mong implement ang 'privacy' sa bahay na 'to? Baka iba maging dating sakin niyan sa kinikilos mo Zia." nakangisi nitong wika habang unti-unti siyang lumalapit sakin.

Ako naman walang ng maisagot at paatras na lang ng paatras. Hanggang sa hindi ko namalayang malalaglag na pala ko sa hagdan.

"Aaaaaaaaaayyyyyyyy---!!!!" napasigaw ako ng mawalan ako ng balanse at malalaglag na sa unang baitang ng hagdan ngunit nasapo ako agad ni Se Ju sa bewang.

"Easy lang. Nagmumukha kang guilty niyan. Hahaha!" mahinang tawa nito, di pa rin binibitawan ang pagkakahawak saking bewang.

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang i-trace niya ang kabuoan ng aking mukha gamit ang kanyang hinlalaki at hintuturo.

"N-naisip k-ko l-lang k-kas----"

"Shhh... Ayan ka na naman sa wild imaginations mo eh. Ano na naman bang nasa isip mong gagawin namin? Akala mo siguro magss*x kami noh? Hahahaha!"

Yun ba nasa isip ko??? Hindi kaya!!!

"W-wala kong si-sinabing g-ganyan. Bitawan mo na nga a-ako!" mautal-utal ako sa kaba at pilit nagpupumiglas sa kanya.

Ngunit imbes na bitawan niya ako, lalo pa nitong linapit ang kanyang mukha saking tenga at hinawi ang buhok na nakalaylay doon.

Juskoooo ano ba naman itong taong 'to! Parang ang dali-dali niya akong tunawin sa kinatatayuan ko!

"Lasing yung friend ko at nakitulog lang para magpababa ng tama. Don't worry princess, sa living room ako matutulog." bulong ni Se Ju at napangiti ako konti, "But if you're generous enough, you can share your bed with me." dagdag nito na ikinatindig ng balahibo ko.

Arrrrrg!!! Nakakaloka ka Se Ju!

"Tigil tigilan mo nga ko!" buong pwersa ko siyang tinulak at nang makawala ako sa kanya, "Subukan mo lang tumabi sakin. Sigurado paggising mo, wala na yang kinabukasan mo! Pervert!" sabay takbo pababa sa kwarto ko at naglock ng pinto.

"Langya yun! Ibibilang pa ko sa mga babae niya?!" gigil kong nasambit nang makahiga na ako sa kama.

Punyemas ka rin kasi Zia!

Bakit ba pinapakialaman mo pa kasi yang Se Ju na yan?!

Eh ano naman kung magdala siya ng babae dito?? Kahit isang dosena pa yan, WALA KA DAPAT PAKIALAM!

Hmp! Nakakaasar ka talaga, Se Ju!!!!!!

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon