••Se Ju's POV••
Hindi nga nagbibiro si Tiffany nang sabihin nitong di niya palalampasin ang nangyari.
Nagsumbong ito kay papa at mas pinaaga ang araw ng kasal namin. Hindi narin ito kay Zia nagpagawa ng gown. Everything was fast pacing. Walang silang sinayang na panahon.
I don't know what to do anymore. Ang tanging naiisip ko nalang ay tumakas na talaga.
Paano kung hindi umabot si Kent sa binabalak niya?
Huling paguusap namin ni Kent ay may kailangan siyang hanapin na tao. Yun lang daw ang makakapag patunay sa illegal activities ni papa within the Montreal Industries.
What if hindi nito mahanap ang taong yun?
The day of our wedding finally came.
Kahit gusto kong tumakas kagabi, hindi rin ako makaalis dahil binantayan ng mga tauhan ni papa ang silid ko magdamag.
"Jusko... Hanggang dito nalang ba talaga kami ni Zia?" mangiyak-ngiyak kong sambit sa sarili habang nag-aayos para sa kasal.
Nang matapos akong magbihis, malungkot kong tinungo ang wedding hall. Panay rin ang check ko sa phone at umaasang may magandang balita akong matanggap mula kay Kent.
Ngunit hanggang sa magsimula ang bridal march, wala ni isang mensahe akong natanggap.
Nawalan na ako ng pag-asa makaiwas sa mapait kong kapalaran.
Malungkot ang mukha ko at animo'y walang kagana-gana nang maglakad na kami ni Tiffany sa aisle. Kaya naman pasimple itong siniko ako at bumulong.
"Ngumiti ka naman pwede? Hindi to burol Se Ju. Kasal natin ito. Umayos ka naman."
"Linalakaran ko ngayon patungong impyerno, ano ineexpect mo? Magsaya pa ko?" prangkang sabi ko sa kanya.
Hindi naman nito inintindi ang sinabi ko at ngumiti na lamang hanggang makarating kami sa altar. Ako naman, walang iba na nasa isip ko kundi si Zia.
At nagsimula na nga ang seremonya. Ngunit wala ang diwa ko sa nagaganap, hindi ko rin iniintindi ang sinasabi ng judge.
Panay ng hinga ko ng malalim at nag-iisip na lamang na kung di man mapipigil ang kasal na ito, makikipag-divorce ako kay Tiffany sa lalong madaling panahon.
I can't live with this woman for the rest of my life. Baka hindi ako makapagtimpi at mapatay ko lang si Tiffany. Hmmm.... Well, why not? Tutal naman wala ng meaning ang aking buhay dahil hindi ko makakasama ang babaeng pinakamamahal ko...
"If any of you has a reason why these two should not be married, speak now or forever hold your peace." banggit ng judge.
Kung pwede lang sumigaw ng 'AKO!' nagawa ko na. Ngunit ang tanging nagpipigil sakin ay ang deal namin ni papa at kaligtasan ni Zia...
Walang nagsalita ni isa sa mga dumalo. Kaya nagpatuloy na ang judge.
"Ok let's procee----" naputol ang sinasabi ng judge nang may biglang sumigaw ng malakas.
"SANDALI LANG!"
Napalingon agad ako dahil sa narinig na pamilyar na boses.
Sabi ko nga ba!!!
Boses ni mama ang sumigaw at kasama nito si Zia!
BINABASA MO ANG
Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019
FanfictionThis story has some mature contents. Not suitable for very young readers. Soread at your own risk. Sorry for the typographical errors. Feel free to correct them. ☺️ Please do not copy any content of my story as Plagiarism is a crime. ©️llMahBooll_20...