7

319 13 0
                                    

Se Ju's POV

(....at Club Xorduim)

"I'm telling you, man. That chick is a weird as f*ck! Para siyang psycho. Kung nakita mo lang kanina pano niya ko tignan... parang papatayin na ko eh! Nang dahil lang sa sandwich, pare... SANDWICH!!" kwento ko kay Sehun bago ininom yung alak sa aking harapan.

"Eh nasaan ba kasi yang ahente na nagbenta ng bahay sainyo?" tanong nito.

"I don't know where the h*ll he is right now, but when I see that guy, malilintikan talaga yan sakin." inis na inis kong tugon.

Sa dinami-dami naman kasi ng bahay, bakit yung gusto ko pa napili bilhin ng lukaret na yun eh. Ilan taon ko hinintay mabili, sabay magkakaaberya. At kung bakit naman 'tong hayop na ahente ko eh bigla na lang nawala na parang bula.

"Bakit di ka patulong sa papa mo? Isang tawag lang nun sa mga alipores niya pihado mahahanap niyo yung nangg*go sayo." suggest ni Sehun sakin.

"No way, pare. Sabihan pa ko nun napakatanga ko para maloko ng ganun-ganun lang." I rolled my eyes with his stupid idea.

Tama na yung suportahan na lang ako ni papa financially. Pero para hingian siya ng tulong pagdating sa ganitong bagay, sigurado sisisihin lang ako nun at baka pakialaman niya pagpupunta ko sa club gabi-gabi.

Yep, almost every night nasa club ako ni Sehun. Halos dito lang napupunta ang allowance na binibigay ni papa sakin. Well, marami naman ako naipon sa mga bigay niya. I invested it here at Sehun's club and also bought a house. Pero kamalas malasan, ayun mukhang na-scam pa ko sa biniling bahay.

"Then I guess you'll have to deal with that psychopath and better find that guy fast, kung ayaw mo mabaliw din gaya ng kasama mo sa bahay. Hahaha!" patawa-tawang sabi nito. Tumayo si Sehun at ininom ang natitirang alak sa baso niya.

"I have to go, man. Aayusin ko pa yung monthly liquidations ng club bago ko pumunta sa rehearsal namin. Goodluck with your new housemate." paalam niya sabay tapik sa balikat ko.

"Yeah I badly need some luck right now." I mumbled to myself.

I had a few more drinks when Sehun left. Ganito lang naman palagi ang sistema ko sa buhay. Drinking and going out with some chick if there's someone that caught my eye. Paulit-ulit lang na ganito. Walang pangarap, walang direksyon. Nabubuhay lang ako sa kasalukuyan at ineenjoy kung ano ang meron. Minsan nakakaboring din.

Parang gusto ko subukan maging ordinaryong mamamayan. Yung papasok sa trabaho at uuwing pagod sa bahay. But I can't do that even if I want to. Dahil ayokong matuwa yung huklubang ama ko kapag nalaman niyang sa wakas tumino na ang anak niya.

Yan ang mga nasa isipan ko habang inuubos ang natitirang alak sa lamesa. Maya-maya pa, nakaramdam na ako ng pagkahilo kaya naisipan ko naring umuwi. Ngunit paglabas ng Xordium, nakabanggaan ko ang pinakaiinisan kong tao sa balat ng lupa.

Si Drew.

Eto yung naging lalake ng girlfriend dati ni Sehun na si Lana. They both cheated my bestfriend and I was the one who beat the crap out of him. Mula noon, naging mainit na dugo ko dito. Ewan nga ba kay Sehun kung bakit hinahayaan pa niyang tumambay itong g*gong 'to sa Xordium eh.

"How's it goin' bastard?" nakangisi niyang tanong. Halatang naghahanap na naman ito ng gulo.

Oh great!

A 'perfect' way to end my night. Sakto, I'm in a mood for a fight.

Walang sabi-sabing tunulak ko ito sabay sinapak sa mukha. Saglit siyang nawindang sa ginawa ko ngunit bumangon agad ito at bumawi rin ng suntok. Dito na kami nag-umpisang mag-rambol dalawa. Wala na kaming pakialam kung saan man tumama lahat ng binibitawan naming suntok.

Madami ng bystanders sa paligid na sinusubakang umawat, ngunit patuloy lang kami ni Drew. Hanggang sa yung bouncer na ng club ang lumabas at pinaghiwalay kaming dalawa.

"T*ng*na ka! Tandaan mo to Se Ju! Di pa tayo tapos!" galit na sinigaw ni Drew bago ito naglakad papalayo. May paduro-duro pa ito pero urong pwet naman.

Tsk tsk.

Pinunasan ko ang dugo sa aking labi at natatawang sumakay sa motor ko.

"Kahit kelan di talaga tayo matatapos, Drew." sabi ko sa sarili at ngumisi. Pinaandar ko na ang motor at mabilis na pinatakbo ito.

Pagkarating ko sa bahay, napansin kong bukas pa ang ilaw sa garden. And when I came in, nakita ko si Zia nakaupo sa porch na may tangang mug.

"Still awake?" tanong ko dito at dire-diretso humakbang papasok ng bahay.

Tumayo ito pagkakita sakin, nanlalaki ang mga mata.

"What the hell happened to you?!" nag-aalalang tanong nito.

Pssh.

Tinignan ko siya ng masama bago pumasok sa pinto at sinabihan,

"Don't ask questions because I won't bother answering them at all."

Sumunod parin siya sakin at hinablot ang braso ko.

Hay ang kulit naman nito!

"Umupo ka nga lang muna at gamutin natin yang sugat mo." sabay hatak nito sakin papuntang living room.

I shook off her hand and looked at her sharply,

"Wag mo nga ko pakialaman! May diperensya ka ba sa utak at ang hina mo makiramdam?! Mukha ba akong nanghihingi sayo na gamutin ako?!! Damn!" tinaasan ko na siya ng boses sabay talikod at inis na naglakad paakyat sa kwarto.

"Hoy! Pasalamat ka nga nagmamagandang loob pa ko sayo! Bwisit!" sigaw niya at mukhang pumasok na sa kwarto dahil nadinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan.

"Whatever." I murmurred, rolling my eyes.

Sinabi ko naman na una pa lang wag niya pakialaman lifestyle ko.

Bahala siya diyan magalit.

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon