5

406 12 0
                                    

Zia's POV

"S-sorry Z-zia. Di ko na makontak yung nagbenta sakin ng bahay eh. But I will fix this as soon as I can." ito lang nasabi ni Hae Min pagkadating niya dito sa bahay.

Agad pumunta dito si Hae Min nang tawagan ko ito kanina dahil nga sa bahay na binili ko. Tinignan niya mga titulo namin nung lalake, which by the way is Jang Se Ju.

"Well, are your papers even legit?" dudang tanong ko dun kay Se Ju.

"Miss kung yung papers ko hindi legit eh di ganun rin sayo. Nakita niyo naman, we have the same title deed and seal, nagkaiba lang sa pangalan ng may-ari." sarkastiko niyang sagot.

Haay ano ba naman to?
m
Wala pa kong dalawang araw sa Korea, eto na at may problema agad sasalubong sakin.

"What do we do then?" tanong ko kay Hae Min.

"We can share the house for the meantime, habang hinahanap natin yung nagbenta ng bahay." sabi nung Se Ju, acting so casual about it.

"What?!! Are you out of your mind?! No way! Ikaw lalake kaya ikaw mag-adjust! Go find somewhere else to stay, kokontakin na lang kita kapag nahanap na yung ahente." inis na sabi ko dito.

Aba ano to?

Kaya nga ko umalis ng New York para tahimik akong mamuhay mag-isa tapos ngayon ganyan? There's no way I'll agree to sharing him MY HOUSE.

"Bakit di ikaw ang umalis? May rights ako sa bahay na to just like you. Pasalamat ka nga inalok pa kitang magshare tayo." sagot naman niya.

"Wtf?! Pasalamat pa ko talaga sayo?! Wow hah!"

"Tama siya Z, pansamantala lang naman itong set up niyo. Di kasi natin alam sino talaga sainyo ang tunay na may-ari ng bahay. Kung siya man ang legal na owner at pinalayas mo siya dito, pwede kang makasuhan." paliwanag ni Hae Min.

"So pano naman ako diba?! Paano kung ako talaga yung owner?" tanong ko, aba di naman ata pwedeng paubaya ko sa lalakeng 'to ang bahay na galing pa sa sarili kong ipon.

"Kaya nga we'll share the house habang sinesettle natin kung sino owner eh. Elementary ka ba at ang hina mo makaintindi?" iritableng wika ni Se Ju.

Naningkit mga mata ko at binigyan siya ng matalim na tingin. Napakapilosopo talaga niya kausap! Ang lakas pa mang-insulto! Yan ba ang taong makakasama ko dito sa bahay?! Baka wala pang one week mapatay ko na to eh, magiging kriminal pa ko. Arggggg!!!!!

But as much as I HATE to admit it, they have a point. What if he's the real owner?

Hay nako, bahala na!!

"I'll use the master's bedroom, dun ka sa isang room sa taas. And we have to write down rules sa bahay na 'to. Arasso?" I sternly said, accepting my defeat.

"Do whatever you want, as long as di mo papakialaman lifestyle ko." babala ni Se Ju. Humikab ito sabay kinuha ang bag niya at walang paalam na umakyat sa kwarto sa itaas.

"Umiwas nga ko magpakasal, ang ending may instant ka-live in naman ako. Juskooooo!" pailing-iling ko tinignan si Se Ju habang paakyat ito.

"Andyan na yan Z, basta gagawan ko ng paraan mahanap yung ahente asap. Di ko akalain scammer ang hayop na ahenteng yun! I'm really sorry Z." sabi ni Hae Min, humihingi ng despensa.

"It's ok Hae Min. Pagdasal mo na lang di ko ma-massacre yang Se Ju na yan."

Ayoko naman idiin ang bestfriend ko sa nangyari. Alam kong hindi rin nito ginusto ito. Ang dapat talaga managot dito ay yung hinayupak na ahenteng manlolokong nagbenta ng bahay saming dalawa ni Se Ju!

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon