••NARRATOR's POV••
Tanghaling tapat nang may narinig si Se Ju na nagdoorbell.
"Ayan na ata yung inorder namin na laruan sa online shop." banggit sa sarili ni Se Ju nang tumayo ito para puntahan ang gate.
Agad naman nagtatakbo ang makulit nilang anak ni Zia na si Gin.
"Dada! Shamaaaa tuuuu...." hila-hila ni Gin ang laylayan ng tshirt ni Se Ju.
Ngumiti ito sa anak niya bago buhatin.
"Nakooo... Natunugan mo siguro na toys mo yung idedeliver noh? Hahaha!" sabi ni Se Ju sa tatlong taong gulang niyang anak.
Nagtatalbog naman sa tuwa si Gin habang karga ng ama niya.
Sinilip muna ni Se Ju ang gate at laking gulat nito nang makita ang dating ahente na nagbenta ng bahay sa kanya!
Agad namang binuksan ni Se Ju ang gate.
"Aba at bakit ngayon ka lang nagpakita hah? Alam mo bang antagal ka namin hinanap ni Zia? Paano mo nagawa kaming lokohin? Nagtiwala ako sayo!" galit na wika ni Se Ju sa nakayukong ahente.
"Pasensya na po kayo sir. Gipit lang po talaga ako. Pero wala sa intensyon ko makapanloko." paliwanag nito.
Napailing nalang si Se Ju dito at nagpigil na masapak ang ahente dahil karga niya si Gin.
"Hindi intensyon pero ginawa mo parin!" gigil na ani ni Se Ju.
"Yeobo, sino yang kausap mo?" tanong ni Zia, na ngayo'y naglalakad patungo sa gate.
"Mama! Galit si dada!" sigaw ni Gin.
Lumingon si Se Ju sa kanyang asawa at sinabi, "You wouldn't believe who's here right now."
Sumilip naman si Zia at pinanlakihan ng mata ang ahente.
"Hoy! Ikaw yung nagbenta ng bahay na to kay Hae Min diba?! Ano masasagot na ba kung sino samin ang talagang napagbentahan ng bahay?! Ayusin mo sagot mo baka bigwasan kita dyan!" singhal ni Zia dito.
Napaatras naman si Se Ju nang marinig ang asawa niyang nagpupuyos na sa galit.
"Sorry po talaga ma'am. Hindi ko po talaga gusto gawin yun. Gipit lang talaga ako nung mga panahon na yun. Ang tunay na may-ari ng bahay na ito ay kayo po ma'am Ziandra. Pasensya na po talaga. Katunayan niyan ibabalik ko na po ang perang binayad ni sir Se Ju sa akin. E-eto po." sabi ng ahente at may inabot na envelope kay Zia na naglalaman ng malaking halaga.
"Ikaw hah, itigil mo yang panggagantso mo ng tao. Masama yan nakoo. Oh siya wag ka na magpapakita samin at baka mapapulis pa kita." mahinahon na ang tono ni Zia.
Nang makaalis na ang ahente, pumasok na ang pamilya nila sa loob ng bahay at doon nag-usap ang dalawa.
"Ewan ko ba pero nagpapasalamat ako na na-scam tayo ng mokong na yun. Kasi kung hindi natin sabay binili ang bahay na to, di sana tayo magkakakilala tama? Destined ata talaga tayo eh. Hahaha!" malambing na wika ni Se Ju kay Zia.
"May point ka yeobo. Hindi sana magkrukrus ang landas natin kung di dahil sa bahay na ito." nakangiting tugon ni Zia.
"Dada, mama hungry na Gin...." biglang sambit ng anak nila at hipo-hipo nito ang tiyan niya.
Natawa naman ang mag-asawa at agad silang nagtungo sa kitchen upang kumain.
"Basta ako, I'll be forever grateful dahil kayo ang makakasama ko hanggang tumanda. I love you so much, my princess." sincere na sabi ni Se Ju sa asawa at ginawaran ito ng halik sa pisngi.
"Mahal na mahal ko rin kayo ng anak natin. For always." masuyong wika ni Zia.
Samantala sa kabilang panig ng Seoul, abala sa pagkikipagtransact si Kent sa bagong bili nito na bahay.
He decided to settle in Seoul dahil magiging busy sila ni Se Ju sa pag-rebuild ng kumpanya.
Nahirapan na sila ayusin ang gusot na iniwan ni Mr. Montreal sa main office sa New York kaya they shut it down for good.
"So wala na talaga ako kailangan bilhin na furnitures? Ok na to as in?" di makapaniwalang tanong ni Kent sa ahente na nagbenta ng bahay.
"Yes sir, wala na po kayo kailangan dahil fully furnished na po ito." nakangiting sagot ng ahente.
Walang kamalay-malay si Kent na ang ahenteng kaharap ay siya ring nagbenta ng bahay kina Se Ju at Zia.
"Ok good. Ready na ba ang papers nito? Para mabigay ko na ang payment sana." ani Kent.
"Ay eto na po... pakipirmahan nalang dito... tsaka dito po." tinuro ng ahente kung san pipirma si Kent.
Finally, natapos na ang transaction nila at lumisan na ang ahente.
Naupo si Kent sa sofa at huminga ng malalim.
"Haaaay... Sa wakas, nakapagpundar rin ng matatawag kong sariling bahay." Kent proudly smiled.
Nakaramdam ng pagod si Kent at unti-unting napapapikit nang biglang may magbukas ng pinto sa isa sa mga kwarto.
"Sh*t!!!" napabalikwas sa gulat si Kent pagkarinig na may ibang tao sa bahay niya.
Nanlaki ang mata nito ng makita kung sino ang lumabas sa kwarto.
"T-T-Tiffany?????" nagtatakang sambit ni Kent.
"WHAT THE HELL ARE DOING HERE??!!!! TRESPASSING KA SA BAHAY KO!!! GET OUT!!!" galit na sigaw ni Tiffany sa kanya.
"Woah!! Excuse me? Ako pa trespassing?? Ikaw nga nakaabot ka sa kwarto ko ng walang paalam eh! Tsaka, are you out of your mind?! This is my HOUSE!!" gigil na tugon ni Kent sa kanya.
"Anong house pinagsasabi mo?! GET OUT!!!" hinila nito patayo si Kent sa sofa at pinaghahampas.
"WTF Tiff?!!! STOP IT!!! ANO BA??!!! NAPAKAMALDITA MO TALAGA!!!" panay ilag ni Kent gamit ang kamay niya ngunit masyadong mabigat ang kamay ni Tiffany kaya nasasaktan parin ito sa mga palo sa kanya.
Nanlilisik ang mga mata ni Tiffany habang hinahampas at tinutulak palabas si Kent.
"ANO??!! PINAGKAKAISAHAN NIYO KO NG KAPATID MO HAH??!!! DI PA SAPAT YUNG PAGPAPAHIYA NIYO SAKIN??!!! NANANAHIMIK NA KO MONTREAL!!!! LUMAYAS KA DITO PUNYETA!!! BAHAY KO TO!!!" singhal ni Tiffany at tuluyang naitulak si Kent hanggang labas ng main door.
"OYY!!! PAPASUKIN MO KO!!! BAHAY KO NGA TO!!! SIRAULO KA TALAGA NOH?!! Teka lang ah, tatawagan ko yung ahenteng nagbenta ng bahay sakin!! YARI KA TALAGA PAGNAKUMPIRMA KONG AKIN TONG BAHAY NA TO!!!" galit na sabi nito kay Tiffany habang sinusubukang kontakin ang ahente na kausap kanina.
"B*llsh*t!!! Bakit di na makontak tong g*g*ng to?!!! Paano ko neto?!! Dito ko sa labas matutulog??!!! T*ng*n*!!!" mabaliw-baliw si Kent sa labas ng pinto ng sariling bahay.
Meanwhile, ang ahenteng sinusubukan niyang kontakin ay masayang naglalakad sa isang tahimik at makipot na kalsada.
At habang naglalakad ito, unti-unting nag-iba ng anyo ang ahente.
Hanggang maging isa itong napakagandang diwata....
Napangiti ang diwata nang marinig niya ang bangayan nila Kent at Tiffany.
"Hmm... Magtagumpay kaya ako sa dalawang to? Hahaha!" sambit nito bago maglaho na parang bula.
~~~~~~~~~~~~~~~❤️~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note:
Again magpapasalamat lang po ako sa labat ng nagbasa ng kwento na ito.
I hope you loved the story. ❤️
If you have time, sana makapagcomment rin po kayo kung ano opinion niyo with this. Super maaappreciate ko po talaga yun. 💕
Maraming salamat po and sana subaybayan niyong muli ang next book ko. 😘
BINABASA MO ANG
Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019
Fiksi PenggemarThis story has some mature contents. Not suitable for very young readers. Soread at your own risk. Sorry for the typographical errors. Feel free to correct them. ☺️ Please do not copy any content of my story as Plagiarism is a crime. ©️llMahBooll_20...