27

270 10 0
                                    

••Zia's POV••

Ipapakilala ko sana si Se Ju sa parents ko ng pormal kaya kami lumapit sa kinaroroonan nila Se Ju at Kent. Ngunit di ko inaasahan ang gagawin ni Se Ju pagkakita niya sa amin.

"Alam ko ngayon niyo lang ako nakilala, but I'd like to take this opportunity to ask your daughter's hand in marriage." bungad ni Se Ju at bahagyang yumuko sa harap ng mga magulang ko.

Napatakip ako ng bibig at napasinghap sa narinig.

OMG Se Ju!

"Do you even know what you're asking for? Alam mo naman siguro na nakaplano ng ikasal ang anak ko kay Kent diba?" ani ni dad sa kanya.

"I don't mean to sound disrespectful but Zia is my girlfriend and she's happy to be with me. Mas gugustuhin niyo bang makita ang anak niyo maging miserable habang buhay sa taong pinili nyo para sa kanya?" Se Ju confidently said.

"Nakakabastos ka na ah!" sigaw ni Kent kay Se Ju sabay tulak niya dito ng malakas.

Ngumisi si Se Ju sa kanya, "Hindi ba dapat ikaw sabihan ko niyan?"

"Itigil niyo na yan! Kami ni Bernard ang mag-uusap tungkol dito." pigil ni dad sa kanila sabay lumingon siya kay Se Ju.

"Kung isa ka ngang Montreal gaya ng sinasabi ni Zia, alam ba nila na girlfriend mo ang anak ko? Because I'm sure they don't." sabi ni dad sa kanya.

Sasagot pa sana si Se Ju ngunit hinawakan ko siya sa kamay at sinenyasan na huwag ng magsalita pa.

"Can you guys just stop?! Buhay ko pinaguusapan niyo! Dad, let's continue this some other time. Kapag lahat tayo nakapag-isip isip na. And please lang, importante itong event na to sakin. Nakalimot ba kayo?!" sabi ko sa mga ito. I felt so drained out sa mga nangyayari ngayon.

Tumahimik na sila at unang nagpaalam ang parents ko. "We need to talk about this Zia, bago kami bumalik ng New York." my dad sternly said before they left.

"I'm sorry Z, but I'm gonna fight until the end. Don't forget na binigyan mo rin ako ng pagkakataon. As long as I don't see you wearing a ring or announcing your engagement with my stepbrother, then I still got a chance." sabi ni Kent nang makaalis na sila dad.

Tinawanan naman siya ni Se Ju at sinabi,

"I can sense your desperation, Kuya. Hahaha!"

Ayan na naman po siyaaaa..... Juskoooo!

Tinaliman naman ng tingin ni Kent si Se Ju ngunit di na nagsalita pa. Sa huli, nagpaalam na lamang ito bago umalis ng tuluyan.

"Ayos ka lang ba? If you want, we can go home na. Kotse naman dala ko papunta dito." alok ni Se Ju.

Honestly, pagod na rin talaga ako para tapusin pa tong event. Hindi lang ako exhausted physically but also emotionally.

"Sige Se Ju, salamat. Hanapin ko lang si Jane para makapagbilin sa kanya. Antayin mo na lang ako sa labas." sabi ko sa kanya. He agreed and went outside to his car.

After ko maipagbilin lahat kay Jane, lumabas na rin ako sa boutique. Nabigla pa ko sa dala ni Se Ju na sasakyan, which is an Audi R8 by the way. Syempre nasanay ako lagi lang siya nakamotor then ngayon may pa-kotse kotse na to.

"Let's go?" sabi niya at inopen yung passenger seat, gesturing me to get in, na agad naman akong pumasok.

Nang makaandar na kami, dun ko na sinimulan magtanong sa kanya.

"Anong nangyari sayo bakit ilang araw ka di umuwi? May problema ba?" paumpisa ko.

"May mga bagay lang akong pinag-isipan." sagot naman nito habang focus siya sa pagmamaneho.

"Like what? Gaano kaimportante naman yan na di ka na umuwi ng tatlong araw?" pushing him to give a more elaborate answer.

"Like 'stuff', Zia." huminga siya ng malalim, senyales na ayaw niya talagang sabihin.

"Ok fine. Eh ano naman yung sinasabi mong gusto mo magpakasal tayo? Is that even true?" tanong ko dito, wishing na sana totoo nga.

He shrugged and said, "Diba ayaw mo pakasal kay Kent? I'm just making it faster na mag-give up siya. Pero di parin pala hihinto ang g*gong yun." mapait na sabi ni Se Ju.

Para naman kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Buong akala ko, sincere ang mga sinabi niya kanina saking parents. Yun pala....

"Hey princess, bakit nakasimangot ka? Don't tell me, you're expecting it to be real? Hahaha!" he glanced at me and laughed.

Grabe, so ako lang pala talaga ang nag-aassume? Ang tanga mo talaga Zia!

"Huh? Ah... Eh... Hindi ah! Nagulat lang ako kasi wala naman sa usapan natin mga pinaggagawa mo kanina." sambit ko, while trying to hide my disappointed expression.

"Good. Akala ko nakalimutan mo nang nakakontrata lang tayo. Wag ka mag-alala, rest assured that I'll back you up hanggang mawala yang Kent sa buhay mo." paninigurado niya sakin.

Parang hindi si Kent ang gusto kong mawala eh. Bakit parang gusto ko na lang si Se Ju ang mawala sa buhay ko?

Mangiyak-ngiyak na ko sa sasakyan ngunit pilit kong pinipigil. Sobrang sakit kasi lahat ng binibitawan niya ngayon. Pero wala akong magawa. Hindi ako pwede mag-demand sa kanya, dahil di ko naman talaga siya boyfriend. Hindi nga rin dapat ako nasasaktan ng ganito.

Tama siya, nakakontrata lang kami. At hanggang dun lang dapat. He was also straight with me na wag ako maiinlove sa kanya dahil pagsisisihan ko. Kaya paano ko magagawang magalit eh ako ang may problema?

He's definitely right...

I shouldn't have fallen inlove with him...

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon