10

315 12 0
                                    

Zia's POV

Today has been a very bad day for me.

Naumpisahan kasi ng kabwisitan eh!

I was late on my appointment this morning because of that stupid stunt Se Ju did. The h*ll with him!

At dahil nagpulot pa ako ng mga papeles na hinulog ng impaktong Se Ju, hindi ko tuloy naabutan yung bus na dapat kong sakyan. Kaya naghintay pa ako ng 45 mins para sa sumunod na bus. Bwisit!

Nang makarating ako sa boutique, naabutan kong hindi pa rin ito tapos. Jusko!

Samantalang nasa New York pa ako nung pinasimulan ang paggawa nito. They said it will only take one month to construct. But it's been 3 months and until now, wala pang signboard sa labas at di pa tapos ang fitting area. Though yung mga shelves and the office itself is already done.

Kaso walang kuryente. Kailangan ko pa daw mag-file sa electric company and so forth. Kaya ang ending, eto pagod na pagod akong umuwi dito sa bahay.

Nagpahinga lang ako sandali at naisipang mag-warm bath. Habang naliligo, pakanta-kanta ako para marelax ang aking isipan...

"🎶 Like a river flows
surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you.....🎶"

Naputol ang pagkanta ko nang may biglang pumalakpak at nagsalita,

"Thanks for the free concert, princess."

Paglingon ko, andun ang demonyong Se Ju na nakangisi at nakatingin sakin!

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ito. I immediately covered up my naked body, using both of my hands.

"WTF???!!! GET OUT!!! PERVERT!!!OUT!!!" I shrieked and I'm already on the verge of crying.

Bwisit talaga!!! Hindi ba talaga ako tatantanan ng hayop na 'to?!

"Ok princess, next time sabihan mo ko pag may concert ka ah. We can do a duet, you know." kumindat pa ang hinayupak bago lumabas.

"🎶Like a river flowwssss...." dinig kong ginagaya nito ang pagkanta ko.

"Arrrrggggg!!!!!! HEH!!!!!" sigaw ko habang nagpapadyak sa shower.

Pagkatapos maligo, namumula na ng sobra ang pisngi ko. Malamang sa kahihiyan.

Bwisit! Bwisit!

Gano katagal siya nanonood sakin?!!!

Napaka-pervert niya talaga sobraaa!!!

Napasubsob ang mukha ko sa aking mga palad habang iniisip kung paano pa ako haharap sa manyak na yun pagtapos niya makita ang lahat-lahat sakin.

"Juskooo Zia, hanggang kelan ba ganito? Kaya ko ba tagalan makasama ang demonyo na yun?" naluluha kong nasabi sa sarili.

______________________________
Se Ju's POV

"Ahahahahahaha!!! For sure hiyang-hiya yun sa sarili niya ahahahah!!" mabaliw-baliw ako kakatawa sa loob ng aking kwarto.

Akalain mo nga naman ang swerte, aabutan ko yung baliw na yun sa ganung sitwasyon?

Honestly, di ko naman sinasadya na makita ang hindi dapat makita. PERO, andun na ang pagkakataon na magkaroon ako ng ipang-aasar kay Zia. Syempre hindi ko yun palalampasin. Hahaha!

Kanina pagdating ko dito sa bahay, dumiretso ako agad sa kusina at inayos ang aking mga pinamili sa grocery. At nung paakyat na sana ako, napansin kong bukas yung pinto ng room ni Zia.

Aasarin ko lang sana siya at ipapaalala yung nangyari sa mga papeles niya kaninang umaga. Ngunit pagsilip ko sa room nito, narinig kong nakabukas ang shower sa bathroom at pakanta-kanta pa si Zia sa loob. Kaya pumasok na ako, para asarin pa siya lalo.

Di ko mapigilan ang sarili kakatawa sa tuwing naiisip yung reaksyon niya kanina.

"Concert pa, Zia. Hahaha!" natatawang sambit ko sa sarili.

__________________________
Zia's POV

"Mukhang nakaalis na yung impakto." sabi ko sa sarili nang marinig sumarado ang main door ng bahay.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kitchen. Kanina pa talaga ako gutom na gutom. Pero dahil sa alam kong hindi titigil sa pang-aasar si Se Ju, tiniis ko ang aking kumakalam na sikmura.

Agad akong kumuha ng ramen at nagpakulo ng tubig. Naglabas rin ako ng kimchi at nag-set ng bowl para sa ramen. Mabilisan lang mga kilos ko dahil ayoko maabutan ng lalakeng yun.

Habang kumakain ng mabilis, biglang bumulaga ang impakto sa kitchen.

My eyes went wide in disbelief. Sh*t!!!

"Para kang daga na nahuli sa patibong ah. Nahihiya ka sakin? Eh nakita ko na lahat-lahat sayo. Hahaha!" natatawang sabi nito, while his hands are crossed on his chest.

Nasamid ako pagkasabi niya nun. Kumuha agad ako ng tubig at tinapik ang dibdib ko.

"Hinay-hinay lang kasi. May concert ka bang pupuntahan at nagmamadali kang kumain?" ayaw parin tumigil sa pang-aasar.

"Pwede ba, lubayan mo na ko? And please mind each other's privacy? May rules tayo di ba?" inis na wika ko.

Lumapit ito sa kitchen counter at nangalumbaba sa harapan ko.

"Privacy? Like what? Gaya ng nakita kong private concert mo kanina?" patuloy pa rin talaga siya sa pang-iinis.

Nakuu!

Ansarap tusukin ng chopsticks yung mga mata niyang nakakaakit!

Wait... WHAT???!!!

Yuckk! Stop that Zia! Compose yourself! Ano ba yang mga pinag-iisip mo!

"Yes. P-R-I-V-A-C-Y. Privacy Se Ju. Alam mo ba yun? Tinuturo yan ng mga magulang mula bata pa. Wala ka sigurong magulang noh? Kaya ganyan pag-uugali mo! Or kung meron man, bumalik ka sa nanay mo at paturo ka sa kanya kung ano ang kahulugan ng privacy!" halos pasigaw kong sinabi sa kanya.

Nag-iba naman bigla ang timpla nito.

Kung kanina mapanukso siya tumingin, ngayon ay naging matalim na. Hindi narin siya nakapangalumbaba sa counter kundi nakatiklop na ang mga palad niya na animo'y gusto akong sapakin.

"Pasalamat nalang talaga naging babae ka, kundi may kinalagyan ka sakin. Pero sa susunod, sisiguraduhin kong pagsisisihan mong nabanggit mo yan." galit na winika nito sabay walk-out.

Nakaramdam ako ng matinding pangamba sa inasal nito.

Mali ba yung sinabi ko?

Totoo naman ah, he should've respected my privacy. Siya nga itong walang humpay sa pang-aasar sakin eh.

Leche! Pikon pala siya pero ang lakas niya mang-alaska.

Hmp!

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon