20

315 11 0
                                    

Zia's POV

Bwisit na Se Ju 'to! Gagawin talaga gusto niya ng walang abiso manlang! Arggggg!!!

Juskooo!

Kahit gusto ko sana sakalin ang hinayupak na Se Ju, nagpigil na lang ako dahil alam kong nakamasid si Kent samin.

Bakas ang lungkot sa mga mata ni Kent nang lumingon ako dito. Ngunit bigla rin itong ngumiti na animo'y wala itong nasaksihan.

"Let's go, Zia?" aya ni Kent.

"Siguro naman alam mo na mga limitasyon mo, KUYA? May I remind you, na girlfriend ko ang kasama mo." nakangising binalaan ni Se ju si Kent.

"May I remind you too that she's still my fiancè. Well, technically." ani ni Kent. Matalim ang tinapon nitong titig kay Se Ju.

Tumawa ng pang-asar si Se Ju at sinabing,

Hahaha! Fiancè nang sapilitan? How pathetic! Di ka ba makadiskarte ng babae para sa sarili mo at mga magulang mo pa ang humahanap para sayo?"

Sa sobrang inis ni Kent, kinwelyuhan na nito si Se Ju.

"OMG tama na yan please!" awat ko agad sa kanila.

"Stop mocking me, Se Ju. Kung akala mo palalampasin ko yang pang-iinsulto mo, you're wrong." gigil na wika ni Kent, hawak parin sa kwelyo si Se Ju na nakangisi lang sa kanya.

"Woah! Tumatapang na tayo kuya ah! Hahaha!" pang-iinis pa lalo nito.

"Tumigil na nga kayo pwede ba!" saway ko sa kanila. Hinila ko ang kamay ni Kent upang mabitawan si Se Ju.

"Tara na Kent baka magbago pa isip ko. Naaasar na 'ko sainyo ah!" Iritable kong sambit dito.

"I'm sorry Zia. I'll wait for you in the car." tumalikod na si Kent at nauna nang sumakay sa kotse.

Liningon ko si Se Ju at pinagsabihan,

"Ikaw naman, pwede ba kung walang magandang lalabas diyan sa bibig mo, manahimik ka na lang?"

He shrugged and said, "Diba gusto mong mawala sa buhay mo yan? Ginagawa ko lang trabaho ko."

"Haaaaaay ewan ko sayo. Ang hirap mong basahin sa totoo lang." sabi ko sa kanya bago sumakay sa kotse ni Kent.

"Pasensya ka na talaga Zia ah. Di ko sana papatulan kaso sumosobra na yang boyfriend mo." paumanhin ni Kent. Pinaandar na nito ang sasakyan at umalis na kami.

"Ok lang, Kent. Pasensya na rin may pagka-immature rin kasi si Se Ju. Pero mabait naman yun. Baka over-protective lang." wika ko.

"Hahaha! Bakit 'baka'? Di mo ba kilala boyfriend mo?" natatawang tanong niya.

"Ha? Ah... Eh... Di naman sa ganun. Ngayon lang kasi siya nagkaganyan..." palusot ko dito.

"True, mabait naman talaga si Se Ju. DATI. Bago masira pamilya nila." mariin nitong sinabi.

Nacu-curious na talaga ko kung ano ba talaga ang kwento ni Se Ju. Kaso nag-aalinlangan naman ako magtanong kay Kent dahil baka magtaka siya kung bakit hindi ko alam ang nakaraan ng boyfriend ko.

Hindi kami masyado nag-usap sa byahe. Ngunit nang makarating na kami sa restaurant, dun na si Kent nagsimulang mag-usisa.

"So, how long have you been together? Since ba nasa New York ka, boyfriend mo na si Se Ju?" tanong niya habang inaantay namin ang inorder na food.

"Uh.... May 1 year narin kami.." pagsisinungaling ko sa kanya.

"Your parents didn't even know? Paano kayo nagkakilala? Parang imposible kasi nasa New York ka and si Se Ju naman andito sa Korea." sunod-sunod nitong tanong.

"Pinagdududahan mo ba kami?" medyo nagpagtaadan ko ito ng boses. Ang dami kasing tanong, nakakaloka!

"Don't get me wrong, Zia. Gusto ko lang naman malaman kung paano kayo nagmeet ni Se Ju." he explained.

"Through social media. And no, hindi pa alam nila papa but eventually sasabihin ko rin naman." mabilis kong sagot dito.

"Ah... I see... When did you decided to live together?" he's still very persistent on questioning me.

"Since the day na ipagkasundo tayo ng parents natin ikasal? I'm sorry Kent, pero wala ka talaga mapapala sa pagpunta mo dito. Buo na desisyon ko. I'm not pushing through the wedding." I said sternly.

May itatanong pa ata siya ngunit saktong dumating na ang order namin.

Weeeeew.... Makaka-iwas narin ako sa interrogation niya.

We began eating in awkward silence. Hindi na rin siya nagtanong pa muli, thank goodness. But what he said next made me feel uncomfortable.

"Zia, alam kong nakapagdesisyon ka na talaga na di magpakasal sakin. Believe me, I respect that. Pero I don't want to leave without a fight. If you can just give me this month to prove to you that I'm also worth it too." he sincerely said as he reached for my hand.

"I'm... I'm... Sor----" di ko na natapos sasabihin ko dahil may linabas siyang maliit na box.

"Here... Keep this, Zia." abot nito sa kahon.

Binuksan ko ito, revealing a brilliant cut diamond ring that got me stunned. Nakatulala lang ako sa kumikinang na singsing.

"I wanted to give that to you in New York. But you just left without a word. And now, all I'm asking is for a chance na makilala mo rin, Zia." pakiusap nito.

"P-pero Kent... M-mahal k-ko si Se Ju." I lied.

"Alam ko naman yun. But did he even ask you for marriage? Sigurado ka nga ba sa kanya Zia?" tanong nito na lalo tuloy ako nahihirapan magsinungaling sa kanya.

"Are you implying na niloloko lang ako ng kapatid mo?" depensa ko. Doesn't he know how to give up? Jusko naman.

"No, no.. I'm not saying na niloloko ka niya. Binibigyan lang kita ng option at kasiguraduhan sa buhay Zia." pilit pa rin na nangungumbinsi ito.

"Pasensya na Kent. Pero hindi ko ito matatanggap." binalik ko sa kanya yung box na tinulak niya ulit agad sakin.

"No... Itago mo lang yan, for now. Saka mo ako tanggihan o tanggapin at the end of the month. I think I deserve a chance, since hindi pa naman alam ng parents natin about sainyo ni Se Ju. Kaya sa mga mata nila, we are still engaged." mariin niyang wika.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga sinasabi ni Kent. Di ko alam kung tama ba pagbigyan ang hinihiling niya sakin.

But he has a point. And wala naman masama kung bigyan ko siya ng pagkakataong makilala. Hindi rin naman talaga kami ni Se Ju.

Pero ano nalang magiging reaksyon nung isang yun? Sa galit ni Se Ju dito sa kapatid niya, for sure hindi papayag yun.

Teka, bakit ko ba iniisip kung ano maging opinyon ni Se Ju eh kunwaring boyfriend ko lang naman siya diba?

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon