CHAPTER 32
Antoinette POV
Para akong nanghihina habang tinititigan si Nanay na natutulog sa kama, napayuko ako para iiwas ang tingin sa kanya. Napalingon ako ng maramdaman ang kamay na umakbay sa akin, tipid na ngumit sa akin si Kuya Jay.
"Hindi kaba nagugutom?" tanong nito habang hinimas himas ang balikat ko.
"Hindi pa naman, lilibre mo ba ako ng lapang?" Tawa lang ang isinagot sa akin nito alam kong kapos na siya sa pera ngayon.
Kinuha ko yung dala kong bag na nasa sofa tapos ay lumapit ako kay kuya, inabot ko sa kanya yung bag na ikinasalubong ng kilay niya.
"Ano to?"
"Basta." Inabot niya naman yung bag at binuksan, natigilan ito ng makita kung ano ang laman ng bag. Nakaawang ang labing nag angat ito ng tingin sa akin.
"Ikaw na bahala dyan kuya, bayaran mo yung mga nautang mo sa mga tropa mo tapos yung nagastos mo kuhanin mo na din dyan, pagkabayad mo sa bill ni nanay tapos pag may natira, ibigay mo nalang sa kanya."
Titig na titig ito sa akin napara bang hindi makapaniwala, binalik niya ang tingin sa loob ng bag at ganon pa din ang reaksyon niya. Salubong na salubong ang mga kilay niya.
"Saan.. Saan mo to nakuha?" Nag-iwas ako ng tingin, naglakad ako sa sofa at sumandal don. Sinundan naman niya ako at naupo sa tabi ko.
"San mo nakuha to Toni?" Seryoso ang tono nito, pero kahit na magpumilit pa siya ay hindi ko siya sasagutin.
"Basta! Wag kana nga matanong, hindi ko naman ninakaw yan kaya chill ka lang." Pinikit ko yung mata ko at sinandal ang ulo ko sa sofa.
"Ang laking pera nito Toni, sigurado kang hindi mo ninakaw to ah?" Napadilat ako ng mata at sinamaan siya ng tingin. "Naninigurado lang, baka mamaya mabalitaan nalang namin ni nanay na nakakulong kana. Baka atake sa puso ang ikamatay niya at hindi ang diabites niya."
"Hindi ko nga sabi ninakaw yan, napakaTH mo talaga kuya Jay." Ngumiti naman siya at inakbayan ako hinila niya ako palapit sa kanya at inihilig ang ulo sa balikat niya.
"Pasensya kana Toni ah, hirap akong makakuha ng pera ng mabilisan. Ikaw pa tuloy yung naghanap ng pera." Kinurot ko siya sa may tagiliran.
"Ang drama nito, tigilan mo yan kuya Jay ah. Hindi bagay." Tumawa lang siya ng mahina.
Biglang natahimik kaming dalawa, napatingin ako kay nanay. Himbing ng tulog ni mudra, feel na feel naman niya ang air conditioned na kwarto na to.
"Toni.."
Napaangat ako ng tingin kay kuya Jay, natigilan ako ng saktong dumampi ang labi niya sa akin. Hindi agad ako nakareact kasi parang may kakaiba akong naramdaman, parang hindi na tulad ng dati na nasasabik ako sa halik niya.
Nilayo ko ang ulo ko sa kanya at bakas ang pagtataka nito, sabay kaming napalingon sa pinto ng marinig ang pagbagsak ng kung ano don.
Mabilis akong napatayo ng makita si Ashton na nakatayo don, napababa ang tingin ko sa sahig kung nasan ang nahulog na basket ng mga prutas.
Inangat ko ulit ang tingin kay Ashton, galit na galit ang mga mata nito habang nakatingin kay kuya Jay. Bumaling siya sa akin at napailing, mabilis siyang naglakad paalis.
Akmang hahabulin ko na siya ng hawakan ni kuya Jay yung kamay ko kaya naman napalingon ako sa kanya.
"Sino ba yun?" Kunot noong tanong nito.
"Kuya bitawan moko susundan ko siya." Pilit ko inaalis yung kamay niya sa kamay ko pero lalo humigpit yung hawak niya don.
"Sino yun?" Ulit nito habang seryosong nakatitig sa akin, nakipagtitigan din ako sa kanya.
"Boyfriend ko."
Napaawang ang labi niya at naningkit ang mata sa akin, umiwas ako ng tingin at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Mabilis akong lumabas, patakbo akong nagpunta papunta sa daan ng entrance. Luminga linga ako para tignan sa paligid si Ashton pero wala.
Nang hindi ko siya makita ay lumabas ako papuntang parking, nilibot ko ng tingin kung nandon ba yung kotse o motor niya pero nasuyod ko na yung buong parking ay wala akong nakita.
Napahinto ako tapos ay kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko, buti nalang pala nagpapasa load ako kagabi kay Samantha. Tinawagan ko yung number ni Ashton, nagring iyon pero hindi sinasagot hanggang sa matapos ang pagriring. Inulit kong tawagan yung number niya pero cannot be reach na.
"Anak ng.. Abo naman eh." Sinubukan ko ulit tawagan yung number niya pero cannot be reach talaga. Napasabunot ako sa sariling buhok.
Napakagat ako ng labi ng maisip ang bahay nila, tama baka umuwi lang yon. Pupuntahan ko siya, ayokong magalit sa akin si Abo kailangan kong magpaliwanag.
Naglakad ako papunta sa may tabi ng kalsada at mabilis na pumara ng taxi. Oo, taxi talaga. Rich kid ako ngayon kaya magtataxi ako.
Nagpahatid ako sa village nila kambal tuko, habang nasa byahe ay sinusubukan ko pa din tawagan yung number ni Ashton pero wala talaga, muntik ko na nga ibato yung cellphone kaso naisip ko mahal yon at baka magalit si Abo.
Pagkahinto ng taxi sa tapat ng bahay ng kambal ay dumukot ako ng dalawang libo sa bulsa at binigay iyon kay manong kahit na hindi ko pa nakikita yung metro.
"Mayaman ako ngayon manong kaya keep the change." Sabi ko at nagmamadaling bumaba sa taxi.
Mabilis akong naglakad palapit sa gate, sunod sunod kong pinindot yung doorbell at tumitingkayad para silipin sa grahe yung motor o kotse ni Abo.
Pinagpipindot ko pa din yung doorbell dahil wala pang lumalabas, nakita kong bumukas yung malaking pinto kaya naman tinantanan ko na yung doorbell, napahawak ako sa bakal ng gate ng makita si Greyton na lumalabas.
"Grey!"
Nagtataka ito at kaagad na binuksan yung gate ng makalapit siya don, pumasok naman agad ako at huminto sa harap niya.
"Grey nandyan ba yung kambal mo? Nandyan ba si Abo?" Tanong ko tapos ay sumisilip silip pa ako sa nakabukas na pinto ng bahay.
"Si kuya? Wala siya dito. Kanina pa siya umalis, sabi niya pupuntahan ka daw niya sa ospital." Kunot ang noo niya at halata na din ang pagtataka.
Napakagat ako ng kuko dahil sa sinabi niya, hindi umuwi ang Abo talagang matalino. Naisip siguro niya na susundan ko siya kaya hindi siya nagpunta sa bahay nila.
"Baby.."
Sabay na napalingon kami ni Greyton sa pinto, tumaas ang kilay ko ng makita ang isang babaeng nakatayo sa bukana ng pinto. Masama ang tingin nito sa akin, bumaling ako kay Greyton na nag-iwas ng tingin.
"Who is she?" Mataray na tanong ng babae habang masama pa din ang tingin sa akin.
"Pakialam mo ba? Hoy babae, wag mo ako sinasamaan ng tingin baka dukutin ko yang mata mo. Mainit ulo ko ngayon baka gusto mong masampolan?"
Napanganga ito at bakas din ang takot sa mukha, hinila ko si Greyton papasok at nilagpasan namin ang babae. Dumaretso ako sa kusina, pagdating namin dun ay binitawan ko yung kamay niya at kumuha agad ng inumin.
"Easy Toni, ang init naman ng ulo mo." Lumingon ako sa kanya at binaba ang baso sa kitchen island.
"Hinahanap ko kasi si Abo, akala ko nandito siya." Napahigpit ang hawak ko sa baso.
"Ganon ba? Hindi pa siya umuuwi eh." Nangalumbaba siya paharap sa akin.
"Alam mo ba kung saan pwede magpunta yung abo na yun?" Lumaylay yung balikat ko ng umiling siya sa akin.
Napayuko at napatitig ako sa baso, nasan na ba kasi yung abo na yun. Nagwalk out kaagad, kaya pala iba yung pakiramdam ko kanina sa paghalik ni kuya Jay may mangyayari palang ganito, pero yung totoo hindi na ko nasasabik sa halik ni Kuya.
Tapos ngayon nararamdaman ko na may malaki akong kasalanan kay Abo kaya dapat ko siyang makausap, ang kaso hindi ko naman alam kung saang lupalop ko siya hahanapin.
"Its better na dito mo nalang hintayin si kuya, hindi ko sasabihin sa kanya na nandito ka kapag nagtanong." Tumango ako sa sinabi niya.
"Ay oo nga pala, sino yung babaeng mataray kanina? Naiimbyerna ako sa pagmumukha ah." Naalala ko tuloy yung mata niyang masama kung makatingin kanina.
"Ah.. Eh." Umiwas siya ng tingin sa akin at napakamot ng batok, naningkit ang mata ko sa kanya.
"Jowa mo Grey?"
Napaangat siya ng tingin sa akin mabilis na umiling, naipilig ko ang ulo ko habang nakatingin sa kanya.
"Eh ano pala?" Ako naman ang nangalumbaba sa harap niya habang nakatitig sa kanya.
"Ano.. Nakilala ko sa club spades nung nakaraang nagpunta tayo sa club." Mahinang sabi niya, napangisi ako at naningkit ang mata sa kanya.
"Nafirst blood mo nuh? Kaya hindi ka nilulubayan." Tumango naman ito habang kamot pa din ang batok. Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya, umangat naman ang tingin niya sa akin at sumimangot.
"Wag mo nga ako pagtawanan Toni, kita mo na ngang badtrip ako eh." Napahawak ako sa tyan ko at pinunasan ang luha sa mata dahil sa pagtawa ay napaluha ako.
"Naks, improving ka bata." Natatawang sabi ko.
"Toni kasi!" Pagalit niya kaya naman nginisihan ko lang siya, nangalumbaba ulit ako at tumitig sa kanya. Kahit sandali nawala yung pag-iisip ko kay Ashton.
"Maganda naman siya ah, pwede na pagtyagaan." Totoo naman maganda yung chiks niya ang kaso sarap upakan kapag masamang tumititig.
"Aish! Nakakarindi naman siya, panay ang talak. Napakaselosa pa, pati cellphone ko pinakikialaman. Nagulat na nga lang ako araw araw siya nagpupunta dito matapos ng may nangyari sa amin."
"Baka kasi hindi magaling kaya hindi mo gusto." Tatawa tawang sabi ko, tumingin naman siya sa akin at sumilay ang kakaibang ngiti.
"The best kapa din." Mahinang sabi niya at kinindatan pa ako, iiling iling nalang ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)
Художественная проза-W A R N I N G !- this story contains mature content. Ang mga babaeng bida ay walang mga manners at puro kalokohan at kahalayan ang alam, sorry in advance sa mga di kaaya-ayang salita. Charooot! - Apat na magkakaibigang babae, pareho ng hilig, pareh...