CHAPTER 8
Samantha POV
Naglalakad na kaming apat sa school ground papunta sa room namin, as usual late na naman kami. ano pabang bago dun? pwere nalang sa Project: Seducing the Transferees na pakana ni Antoinette. mas exciting pumasok ngayon kaysa sa mga nagdaang araw. ngayon kasi ay may challenge.
pagkapasok namin sa room ay ang sama ng tingin sa aming apat ng first subject teacher ng klase.
"Hi ma'am!"
sabay sabay na bati namin sa babaeng teacher na nasa harapan, napansin ko ang mga nakakalokong ngiti ng mga kaklase namin. syempre late kami at patapos na yung first subject galit na naman panigurado si ma'am.
"Kelan ba kayo magtitino! Kung kelan graduating na kayo mas lalo pa kayong lumalang apat!" sigaw niya, napa-'Woah!' naman yung mga loko naming kaklase.
"Ma'am ayaw niyo nun? magkikita pa tayo ulit next year?" Antoinette said with her oh so innocent look.
"Class dismiss!"
madiing sabi ni Ma'am saka kinuha ang mga gamit niya at dali-daling naglakad palabas ng room, kaming apat naman ay napataas pa ng dalawang kamay at tumabi sa magkabilang gilid ng pinto nung dumaan siya sa gitna naming apat dahil nakatayo pa kami sa may pintuan.
nung makaalis si ma'am ay nagkatinginan kaming apat saka sabay sabay tumawa ng malakas.
"Wooooooh!"
"Pikon si ma'am!"
"Savior talaga kayong apat!"
"Ayos!"
napakibit balikat nalang kaming apat nung naghiyawan yung mga kaklase namin dahil sa pag-alis ni ma'am kahit di pa naman niya time. nag-lakad na kami papunta sa upuan namin sa harap, bago ako umupo tumingin muna ako sa pwesto ng lima naming person-of-interest, naks! may ganun pa. puro wala naman pakialam dahil may mga kanya-kanyang ginagawa, umupo nalang ako.
matagal tagal din bago dumating yung susunod na subject teacher, matagal nagkagulo ang room dahil nga walang teacher.
"Class, magpalit na kayo ng sports uniform niyo tapos pumunta na kayo sa basketball gym, didismiss ko pa yung klase ko na nandun. walang magka-cutting!" sigaw nung p.e teacher namin, kaya naghiyawan na naman yung mga kaklase namin dahil pabor sa kanila kanila yung activity mamaya, Basketball gym daw automatic na basketball ang lalaruin mamaya.
matapos sabihin ni Sir yun ay agad agad siyang lumabas, nagsitayuan naman ang lahat para makapag palit ng uniform.
"Wag na tayong magpalit, manuod nalang tayo." bored na sabi ni Martina
"Oo nga, im sure tunganga lang tayo dun" nakangusong sabi ko. iba din ang trip ni Sir ngayon, feeling walang babae sa klase niya.
"Tara lets guys, bili muna tayo sa canteen bago magpunta ng gym. nauuhaw ako e" sabi ni Antoinette, sumangayon naman kaming lahat dun.
nagsitayuan na kami saka naglakad pababa sa canteen, walang tao sa hallway malamang nasa klase ang lahat maliban nalang sa mga classmates namin na nagkalat.
pagdating namin sa canteen ay bumili kami ng tig-iisang shakes saka dumaretso na sa gym, gaya nang sabi ni Martina di na kami nagpalit ng uniform dahil imposibleng isali kami sa laro mamaya.
pagkapasok namin sa gym ay nandun na lahat, sa lahat ng subject at sa lahat ng activity dito lang active ang buong klase ng section C maliban saming apat.

BINABASA MO ANG
Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)
Ficção Geral-W A R N I N G !- this story contains mature content. Ang mga babaeng bida ay walang mga manners at puro kalokohan at kahalayan ang alam, sorry in advance sa mga di kaaya-ayang salita. Charooot! - Apat na magkakaibigang babae, pareho ng hilig, pareh...