CHAPTER 27
Amanda POV
Nang magpaalam si Antoinette na pupunta sa ladies room ay nagtaka kami kung bakit umupo sa tabi namin si Ashton, nandito kami sa unahan nakaupo ni Samantha. Si Martina ay lumapit din dito.
"Anong meron?" I asked while brushing my hair. Kakaalis lang ng isang guro kaya maingay na naman ang klase.
"May problema si Toni, you girls can help her?" Natigilan kaming tatlo sa sinabi ni Ashton, naibaba ko yung hawak kong hair brush.
"What do you mean?"
"Nasa ospital daw yung nanay niya, kailangan nila ng pera para pangbayad sa ospital. Gusto ko sana siyang bigyan ulit ng pera kaso mukhang hindi naman niya tatanggapin. Meron pa naman akong pera, pwedeng kayo nalang magbigay sa kanya pero wag niyong sabihin na galing sa akin. Ayoko kasing nakikitang malungkot si Toni, alam kong iniisip niya ang nanay niya."
Natameme kami sa sinabi ni Ashton, bakit hindi naman namin na halata na may pinagdadaanan pala si Antoinette? Palagi siyang nakangiti kapag kausap kami simula kaninang umaga.
"She has a problem pala but she's not telling to us." Humalukipkip si Samantha.
"Girls, wag naman kayong magalit kay Toni. Ayaw lang niya siguro na mag alala kayo, please understand her. Pinilit ko lang siya kagabi kaya sinabi niya sa akin yung problema niya." Segunda agad ni Ashton.
Nice naman to. Boyfriend na boyfriend ang dating kay Antoinette.
"Oo nga pala, Hoy Mr. Breen number one. Bakit sa apartment ka nagsleep kagabi? Salisi gang ka ah." Naningkit ang mata ni Samantha kay Ashton.
Napangiti ako ng makitang napakamot sa batok si Ashton.
"Sorry, pero wala naman kaming ginawa. Gusto ko lang makatabi si Toni, ang lungkot kasi niya. Hindi ko kayang iwan siya na ganon ang itsura." Natawa ako ng mahina sa pagpapaliwanag niya, ano naman ngayon kung may ginawa sila?
"Alright, about your plan. Just keep your money, we'll just find ways para matulungan si Toni." I said. Ngumiti naman si Ashton sa akin.
Natahimik kami ng makitang nakatayo si Antoinette sa may pinto at takang nakatingin sa amin. Shaks! Nakabalik na pala siya.
Mabilis namang lumapit si Ashton sa kanya saka hinawakan ang kamay niya, hinila siya nito papunta sa upuan nila sa likod.
"Nakikipagkwentuhan lang ako sa kanila habang hinihintay ka, selos ka naman agad." Natawa kaming tatlo ng marinig ang sinabi ni Ashton ng dumaan sila sa harap namin.
Si Antoinette magseselos? Parang sinabi niya na din na nakakalipad ang baboy.
Nang maramdaman kong nawiwiwi ako ay nagpaalam agad ako kay Samantha na pupunta sa ladies room, dapat pala sumabay ako kay Antoinette kanina.
Walang katao tao sa hallway dahil may mga klase pa, sinusuklay ko yung buhok ko gamit ang kamay habang naglalakad.
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may sumulpot sa harap ko mula sa likod ko, napataas ang kilay ko sa kanya.
"What? Don't block my way, I'm going to pee. So if you'll excuse me." Mataray kong sabi saka nilagpasan siya.
Weird talaga ng cold guy na yun, ano na naman kayang insulto matatanggap ko sa kanya.
"I just want to tell you that your skirt have a stain!"
Napahinto ako sa paglalakad, nanlalaki ang matang humarap ako kay Aniel, pinaningkitan ko siya ng mata. Nakapoker face nanaman siya habang nakapamulsa.
"What are you saying? Imposibleng magkaron ng stain yung skirt ko, fyi lang cold guy ah. I'm on my injectable kaya hindi ako--"
Shit!
Napatingin ako sa floor saka inisip kung anong date ngayon, napabuka ang bibig ko ng mapagtantong lagpas na ng due date ko. Dapat nagpainject na ako last two days, napakagat ako ng labi saka automatic na ginawa kong pangtakip ang kamay ko sa likuran ko.
Napaangat ang tingin ko kay Aniel na nakangisi sa akin, iiling iling siyang tumalikod na ikinalaki ng mata ko.
What? Iiwan niya akong ganito?
"H-Hey, cold guy! Wait up!" Sigaw ko pero nagdare daretso lang siya pero mabagal naman ang paglalakad niya, napapadyak ako.
Kahit kailan talaga tong lalaki na to, lagi nalang ako naiinis kapag nasa paligid siya pero kailangan ko siya ngayon iset aside ko muna ang inis ko sa kanya.
"Aniel!"
Napairap ako ng huminto siya saka dahan dahang humarap, nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin.
"Ahm. Can you.. Err.. Help me?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya, nakakahiya! Sa lahat naman ng tulong oh, bakit kasi nakalimutan ko ang date ng pagpapainject ko.
"Why would I help you?" Malamig na sabi niya, nakakairita talaga tong lalaking to!
"Ahm.. I need you to cover me? Shaks! I don't want others see my stains, nakakahiya." Kahit na naiinis ako ay kailangan ko ng tulong niya, baka may makakitang iba na may tagos ako. Sobrang nakakahiya yun!
"Say the magic word Amanda." Nalukot ang mukha habang nakatingin sa kanya, nakangisi na naman siya.
"What?"
"Ayaw mo? Alright, I better get going--"
"Fine! I'll say it! Shaks!" Napapadyak pa ako sa inis. Tumikhim muna ko bago dumaretso ng tingin sa kanya. "P-Please Aniel, help me. Just cover me, kahit hanggang ladies room lang."
![](https://img.wattpad.com/cover/175969416-288-k847253.jpg)
BINABASA MO ANG
Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)
Ficción General-W A R N I N G !- this story contains mature content. Ang mga babaeng bida ay walang mga manners at puro kalokohan at kahalayan ang alam, sorry in advance sa mga di kaaya-ayang salita. Charooot! - Apat na magkakaibigang babae, pareho ng hilig, pareh...