CHAPTER 34
AUTHOR'S POV
Sabay sabay na napatingin ang apat sa pinto dahil sa narinig nilang pagbusina sa labas, nagkatinginan sila. Malamang ay nasa labas na ang guys para sunduin sila."They are here." Unang tumayo si Amanda para lumabas at sumunod sa kanya si Samantha at Antoinette.
Huli naman lumabas si Martina para siguraduhing nakalock ang apartment. Paglabas nila ay tumambad sa kanila ang isang itim na van, bumukas ang pinto nito sa backseat at bumaba don si Garrett at Ashton.
"Wow, yayamanin may van." Napangiti naman si Ashton kay Antoinette.
"Less hassle kung sabay sabay tayo pupunta sa bahay nila Rick." Napatango tango naman ang apat sa sinabi nito.
Sabay sabay silang pumasok sa loob sa pinakadulo naupo si Amanda, Samantha at Garrett sa gitna naman ay si Ashton, Antoinette at Martina.
"Let's go?"
Napatingin sa harapan ang lahat ng magsalita si Greyton na nasa driver seat, sabay sabay na napalingon naman ang apat na girls ng napabaling sila sa nakaupo sa passenger seat na nakalingon sa kanila.
"Oh, may kasama pala kayo." Nakataas ang kilay na sabi ni Antoinette.
"Yeah, she's with me." Nakangiting sabi ni Greyton habang nakatingin sa rear view mirror.
"Is she your girl Grey?" Maintrigang tanong naman ni Samantha habang nakahilig sa balikat ni Garrett.
Tawa lang ang isinagot ni Greyton at binuksan na ang makina ng van. Napasimangot si Samantha dahil hindi sinagot ni Greyton ang tanong niya kaya napabaling siya sa katabi.
"Hindi ba sila?" Kunot noong tanong niya kay Garret pero nagkibit balikat lang ito.
"By the way, what's her name Grey?" Nacurious si Martina dahil pangalawang beses na nila ito makakasama pero hindi pa din nila alam ang pangalan non.
Napatingin sa harapan ang tatlo pang girls dahil interesado din silang malaman ang pangalan ng babae.
"She's Callie, Callie Austin."
Nagkatinginan si Antoinette at Martina, ganon din si Amanda at Samantha na nasa likuran.
"Callie?" Tanong ni Samantha.
"Callie mutan mo na yan, sige sige maglibang, wag kang magpakahibang, dapat ay itawa lang."
Sabay sabay na natawa ang apat dahil sa parepareho sila ng naisip ng marinig ang pangalan ng babae.
Napahalukipkip naman sa passenger seat si Callie at napabusangot, pinagkatuwaan pa ng mga girls ang pangalan niya.
"Hey, ang bad niyo."Pigil ang tawang sabi ni Greyton, nakatikim naman siya ng hampas sa babaeng katabi.
"Callie pala yang pangalan ng chiks mo Grey, basta wag lang siyang maldita katulad ng una naming pagkikita magiging ayos kami." Napalingon si Callie kay Antoinette na nakangiti sa kanya, napakagat naman ito ng labi at humarap ulit.
"Why Toni, she make taray taray ba with you?" Maarteng sabi ni Samantha na ikinangiwi ng lahat.
"Sammy can you stop being conyo?" Umikot ang mata ni Amanda, minsan kasi ay masakit na sa tenga ang pagiging conyo ni Samantha para sa kanya.
Napakapit naman si Samantha kay Garrett at ngumuso don, natawa nalang ito dahil hindi nito pinansin ang pagalit sa kanya ni Amanda.
"Amanda is being nakakainis again just because she don't have a date." Bulong ni Samantha na narinig naman ng lahat kaya napasimangot nalang si Amanda.
Si Antoinette at Martina ay natatawang lumingon sa likuran kung saan nakaupo si Amanda.
"Wag kang mag-alala Amanda, baka makakilala ka ng yummy'ng papa dun sa party ni yabang." Ngingisi ngising sabi ni Antoinette.
Tatango na sana si Martina ng magsink in sa kanya ang tinawag ni Antoinette kay Maverick kaya kinuotan niya ito ng noo, napalingon naman sa kanya ito.
"Oh, bakit?"
"Yabang? Really huh, Toni?" Taas ang kilay na sabi ni Martina pero tinawanan lang siya ni Antoinette.
Napailing iling nalang si Ashton na nasa tabi ni Antoinette, kahit kailan talaga ay puro kalokohan ang alam ng girlfriend niya pero kahit na ganon ay ayos lang sa kanya dahil masaya ito kasama. Inabot niya ang kamay nito at pinaglaruan gamit ang dalawa niyang kamay, gustong gusto niyang pinipisil pisil at pinaglalaruan ang kamay ni Antoinette. Natutuwa kasi siya dahil ang hahaba ng daliri nito, hindi ito masyadong malambot katulad ng kamay ng ibang babae pero gustong gusto niyang laging hawak iyon.
Napatingin si Garrett sa leeg ni Samantha at napangiti ng makitang suot suot nito ang binigay niyang kwintas dito noong nakaraan, niregalo niya ito sa dalaga dahil sabi ng iba kapag nanliligaw ay nagbibigay ng relago sa nililigawan. Wala siyang maisip na ibigay kay Samantha hanggang sa nakita niya yung kwintas sa mall habang namimili siya ng mga bagong damit, naisip niya agad si Samantha ng makita iyon kaya binili niya agad ito.
Napangiti si Garrett ng maalala ang itsura ni Samantha ng binigay niya iyon, pinupog siya nito ng halik at gustong gusto nito ang ibinigay niya.
Ilang sandali pa ay huminto ang sinasakyan nilang van, napatingin sa labas ng kotse ang lahat at hindi maiwasang mapahanga.
"Wow, hanep. Bahay nila yabang yan?" Manghang sabi ni Antoinette.
Binuksan ni Ashton ang pinto na nasa tabi niya at inalalayang bumaba si Antoinette at Martina, ganon din ang ginawa ni Garrett kay Samantha at Amanda.
Si Greyton naman ay inayos muna ang pagkakaparking bago bumaba at umikot sa may passenger seat, binuksan niya ang pinto para kay Callie.
Magkakasunod silang pumasok sa loob, binabati naman ang mga lalaki ng mga nakakakilala sa kanila.
Nagtaka ang girls dahil puro binata't dalaga ang nakikita nila, wala silang makitang may edad na. Akala pa naman nila ay formal party ang magaganap.
"Aba, pang party party pala ito. Dapat pala hindi na ko nagdress." Napangiti si Ashton sa sibangot na mukha ni Antoinette.
"I thought its a formal party?" Tanong ni Amanda, bumaling naman sa kanya si Greyton.

BINABASA MO ANG
Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)
General Fiction-W A R N I N G !- this story contains mature content. Ang mga babaeng bida ay walang mga manners at puro kalokohan at kahalayan ang alam, sorry in advance sa mga di kaaya-ayang salita. Charooot! - Apat na magkakaibigang babae, pareho ng hilig, pareh...