AUTHOR'S POV
Napakagat ng labi si Samantha habang nakatitig kay Garrett na nakaboxer lang habang namimili ng susuotin sa closet nito.
"Ahm.. Babe.."
"Hmmm.." Napababa ang tingin ni Samantha sa matambok na pang upo ng lalaki, namula ang mukha niya.
'Nice ass.' Sabi niya sa kanyang isip, napaangat ang tingin niya ng makitang lumingon sa kanya ang lalaki na magkasalubong ang kilay.
"Why?" Binasa ni Samantha ang nanunuyong labi bago sagutin ito.
"Y-you know, month past since we last 'do' it. Don't you miss doing that 'thing'?" Napakagat ng labi si Samantha, natigilan si Garrett pero kaagad ding ngumiti.
"We're on a diet babe." Biro nito na ikinasimangot ni Samantha, napahalukipkip nalang siya ng tumalikod na ulit ang lalaki tapos ay kumuha ng damit sa closet.
'Diet my ass.'
Umikot ang mata ni Samantha, they're only making out this past few weeks, no penetration. Naiintindihan naman niyang ayaw ni Garrett na araw araw yun pero T na T na siya.
As in Tigang na Tigang!
Matapos makapagbilis ni Garrett ay binalingan niya si Samantha, napangiti siya ng makitang nakasimangot pa din ito. Lumapit siya dito tapos ay sinapo ang mukha para mapatingin sa kanya.
"I love you Samantha." Nakangiting sabi niya tapos ay yumuko siya para dampian ng halik sa labi nito tapos ay sa noo naman ng babae.
Alam niyang gumagamit ng contraceptives si Samantha at sinabi niya dito na tigilan na ito dahil baka may side effects na ito sa kanya, minsan kasi ay nagiging moody ito tapos nagiging emosyunal.
Sabay silang lumabas sa kwarto niya, pagkababa nila ay napatingin agad sa kanila ang mama at papa niya na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Binigyan niya ng warning look ang mga magulang dahil alam niyang tutuksuhin nanaman sila ng mga ito, sabay na sumenyas ang mga ito na wari'y sinizipper ang mga bibig na ikinailing iling niya.
"Samantha ready kana?" Napatingin si Samantha sa mama ni Garrett at masayang sunod sunod na tumango.
"Yes po mama, gosh! I'm super duper excited, you'll give me a free service ah." Biro niya dito na ikinatawa ng mama ni Garrett, natutuwa ito dahil komportableng komportable ang kasintahan ng anak nila sa kanila.
"Sure anak, ikaw pa ba? Baka magrebelde yang si Garrett kapag hindi ka namin pinagbigyan." Sabay na tumawa si Samantha at ang mama ni Garrett.
"Oh, halika na kayo. Magconvoy nalang tayo." Tumango naman agad si Garrett sa sinabi ng papa niya, unang lumabas ang mama't papa niya tapos ay sumunod sila ni Samantha.
Naunang umalis ang mga magulang ni Garrett lulan ng isa nilang sasakyan, tapos sila ni Samantha naman ay sa kotse niya sumakay at sumunod na umalis.
"Ohmygosh! I'm so.... excited, how many branches ba ng salon ng mama mo ang pupuntahan natin?" Tanong ni Samantha kay Garrett matapos niyang humarap dito.
"Ten to fifteen brances all over the east and west." Kibit balikat na sabi nito, napanganga si Samantha. As in ngangang nganga dahil sa sinabi ni Garrett.
"Ganon kadami?!" Hindi mapigilan ni Samantha na magulat at mamangha, hindi niya lubos akalain na mayaman pala talaga ang mga magulang niGarrett para magkaron ng ganon kadaming branch ang salon nila.
"Yes babe." Hindi mapigilan ni Garrett na mahinang matawa dahil sa over acting na reaksyon ng babae.
"Ohmygosh! Ohmygosh!" Ipinaypay ni Samantha ang dala niyang kamay sa sarili, kahit nakabukas ang aircon ng kotse ay pinagpawisan pa rin siya sa nalaman.

BINABASA MO ANG
Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)
Художественная проза-W A R N I N G !- this story contains mature content. Ang mga babaeng bida ay walang mga manners at puro kalokohan at kahalayan ang alam, sorry in advance sa mga di kaaya-ayang salita. Charooot! - Apat na magkakaibigang babae, pareho ng hilig, pareh...