CHAPTER 35

1.6K 37 0
                                    

CHAPTER 35

AUTHOR'S POV


Napatingin ang tatlo kay Martina ng walang imik itong naglakad papasok sa kwarto nito, napaupo nalang sa couch ang tatlong girls.

"Nakakatakot yung pagkatahimik niya." Seryosong sabi ni Antoinette habang tinatanggal ang suot na sapatos.

"Argh! That Hendrick guy is really getting into my nerves! How dare he? Super kapal ng face niya para ipahiya ng ganon si Tina!" Napahalukipkip pa si Samantha at sumandal sa couch.

Hinilot naman ni Amanda ang magkabilang sintido dahil nahihilo na siya gawa ng napadami na ang inom niyang alak kanina.

"Nakakatakot talaga si Tina kapag seryoso." Iiling iling na sabi ni Antoinette tapos ay napabaling siya kay Amanda. "At ikaw babae, saan mo ninenok yung kotse?"

Napatingin din si Samantha kay Amanda, pati din siya ay nagtataka kung kaninong kotse yung sinakyan nila.

"Kay Aniel yun, nung nagsisigawan kayo kanina binigay niya sa akin yung susi ng kotse niya." Sagot ni Amanda habang hinihilot pa din ang noo at sintido niya.

"Nakakaloka talaga, si Hendrick guy na dating fuck buddy ni Tina ay brother pala ni Maverick. Geez!" Pati si Samantha ay sumasakit na din ang ulo.

"Martina is inlove." Napatingin ang dalawa kay Amanda.

"Sa tingin mo?"Segunda ni Antoinette, napatango tango naman si Amanda.

"Yeah I think so coz I saw Tina. She's hurt, that Hendrick. I want to punch his face, Argh!!" Nakakuyom pa ang dalawang kamao ni Samantha sa ere at halatang inis na inis.

"Patay! Ayan na nga ba sinasabe ko eh, sabi ko sa inyo mahirap masaktan sa pag-ibig eh." Napasabunot ng buhok si Antoinette dahil kahit siya ay alam niya sa sarili niyang nahuhulog na siya kay Ashton, mabait ito sa kanya at binibigay lahat ng luho niya.

"Thanks god, I will not experience that." Sabay na umikot naman mata ni Samantha at Antoinette kay Amanda.

"Wala ka naman kasing papa." Hasik ni Antoinette na ikinangiwi lang ni Amanda.

"Ano girls? Let's plan to assassinate na ba that Hendrick guy?" Napatitig si Amanda at Antoinette kay Samantha na seryosong nakatingin sa kanila.

"Are you serious Sam?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Amanda, napasandal naman sa couch si Samantha at ipinadyak ang paang nasa sahig.

"Eh kasi naman, Martina is kawawa. Nakakainis!" Napabuntong hininga nalang sila at napatingin sa pinto ng kwarto ni Martina.

Sa loob ng kwarto ay hawak hawak ni Martina ang cellphone niya, kanina niya pa kinocontact si Maverick pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.

Napahiga siya sa kama niya at napatitig sa kisame hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya, mabilis niyang inabot ang pisnge niya at tinaas ang kamay na basa.

"Why I'm crying?"

Kanina pa niya nararamdaman yung pagninikip ng dibdib niya pero hindi niya pinapakita, pinanatili niya ang mukha niyang walang emosyon.

Dati ay ayos lang naman na sabihan silang slut, malandi, at iba pa. Pero bakit nung kaharap si Maverick hindi siya makaimik at nasasaktan siya sa katotohan na ganun nga ang gawain nila?

Ngayon niya lang naisip yung mga kalokohan at panglalalaking ginagawa nila noon ay ikakahiya niya na ngayon, bakit nga ba hindi niya naisip na dadating yung time na magseseryoso na siya sa lalaki, bakit hindi niya naisip kung anong iisipin o mararamdaman ng lalaking yun pag nalaman niya ang mga kalokohan at panglalalaking ginagawa nila.

"Hindi niya ba ako matatanggap kasi marami ng nakagalaw sa akin?" Mapaklang tumawa si Martina.

Ofcourse, sino ba naman matinong lalaki ang tatanggapin ka kung madaming lalaki na ang nagdaan at nakatabi mo sa kama?

Ashton, Garrett.

Napapikit si Martina ng maisip ang dalawang lalaking yun, ang swerte pala ni Antoinette at Samantha. Alam nila yung totoo pero patay na patay pa din ang dalawang lalaki sa mga kaibigan niya, mabuti pa sila.

Hindi niya talaga lubos maisip na isa sa mga lalaking nakama niya noon ay kapatid ni Maverick, nananadya yata talaga ang kapalaran niya. Maiinlove lang siya sa lalaki sa kapatid pa ng dati niyang fuck buddy na malaki ang hinanakit sa kanya.

Inlove? The heck!

Inlove nga siguro siya kasi sobrang nasasaktan siya ngayon, tama nasasaktan siya.

Parang naulit ulit yung sakit na nararamdaman niya nung binabalewala siya ng parents niya, pero mas masakit ang nararamdaman niya ngayon. Feeling niya ay nandidiri na sa kanya si Maverick.

Kinabukasan ay walang ginawa ang apat kundi magkulong sa apartment, kumain at manuod ng movie.

Ayaw naman iwanan ng tatlo si Martina, kahit na hindi nito pinapakitang nasasaktan siya ay alam ng tatlo ang tunay nitong nararamdaman. Sa tagal ba naman ng pagsasama nilang apat hindi nila makikilala ang isa't isa? Maliban nalang kay Antoinette na minsan ay naglilihim sa kanila kapag may problema ito ay hindi sinasabi sa tatlo dahil ayaw na ayaw nitong nag-aalala sa kanya ang tatlo niyang kaibigan.

Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon