CHAPTER 37

1.6K 37 0
                                    

CHAPTER 37

AUTHOR'S POV

Nakaupo lang si Amanda sa hood ng kotse habang panay ang dila niya sa hawak niyang ice cream.

Napalingon siya sa dumating na motor, nagtanggal ito ng helmet pagkahinto. Sumimangot naman si Amanda dito.

"You make me wait." Nakasimangot na sabi niya sa lalaki, nakapoker face lang itong nakatingin sa kanya. Isinabit nito ang hawak na helmet sa manibela ng motor.

"Sinabi ko bang maghintay ka?" Umikot ang mga mata ni Amanda sa pagsusungit nanaman sa kanya ni Aniel. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa hood ng kotse at naglakad palapit dito.

Kinuha niya yung susi ng kotse sa bulsa ng skirt niya at itinaas na harap ng binata, inabot naman agad iyon ni Aniel.

"Thanks." Pasasalamat ni Amanda, noong gabi ng party ay pupuntahan na sana niya ang mga kaibigan na pinapahiya ng kapatid ni Maverick ng pigilan siya ni Aniel.

Sinabi nitong wag ng lumapit at hintaying matapos ang pagtatalo ng mga ito, ng makitang hinatak ni Antoinette si Martina ay kaagad na ibinigay sa kanya ni Aniel ang susi ng kotse nito.

Tumalikod na si Amanda para maglakad paalis, kailangan na niyang umuwi para makapag beauty rest.

"Amanda."

Napahinto sa paglalakad si Amanda at lumingon sa binata, tinaasan niya ito ng isang kilay.

"Why?"

Napaiwas ng tingin si Aniel, bakit nga ba? Napabuntong hininga siya at umiling. Lalong lumukot ang mukha ni Amanda at napairap.

Nagsimula na ulit maglakad si Amanda pero nakakailang hakbang palang siya ng makakita ng tatlong lalaki sa daan, napaawang ang labi niya ng makilala ang mga ito.

Napalunok niya ng makitang napahinto ang mga ito at tinignan siya ng masama. Nanlaki ang mata niya ng makitang malalaki ang hakbang nitong palapit sa kanya kaya mabilis siyang tumalikod.

"Aniel!"

Kunot ang noong napalingon si Aniel sa pinanggalingan ng sigaw, kaagad na sumeryoso ang mukha niya ng makita si Amanda na tumatakbo at mabilis na nagtago sa likod niya ng makalapit sa kanya.

"Yung tatlong goons, Shaks! I don't have my gun in me." Kapait na kapit ito sa braso niya at halatang natatakot.

Napabaling naman si Aniel sa tatlong lalaking nasa harap nila ngayon, napapikit siya ng makitang yung tatlong lalaki nanamang bumugbug sa kanya.

"Sabi ko naman sayo, babalikan ka namin eh." Nakangising sabi nito.

"Bigyan niyo pa ko ng tatlong linggo." Seryosong sabi ni Aniel, nalukot ang noo ni Amanda. Ano kaya ang pinag-uusapan nila.

"Suarez, isang buwan na ang binigay naming palugit sayo, Aba! Namimihasa ka naman." Sabat naman nung isa pang lalaki.

"Dapat nga dagdagan pa yung interes dahil sa pagsipa ng babae mo sa alaga ko." Napalunok naman si Amanda, natatandaan pala siya ng mga ito.

"Dalawang linggo, ibibigay ko na sa inyo. Huli na to, pagbigyan niyo na ko." Titig na titig si Aniel sa mga ito, kailangan niyang mapakiusapan ang mga lalaki.

"Bakit hindi nalang yang bahay at kotse ang ibayad mo sa amin? Para wala ng problema." Nakangising sabi pa ng isa.

"Hindi, babayaran kita. Basta bigyan mo pa ako ng dalawang linggo." Hindi niya pwede pakialaman ang bahay at kotse, yun ang habilin sa kanya na hinding hindi niya pwedeng hindi tuparin.

Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon