CHAPTER 3
Martina POV
Nandito kami ngayong apat sa Mall, nag iikot ikot hawak hawak ang kanya kanyang coffee na tinake out namin sa Starbucks.
"Saan na tayo ngayon?" tanong ni Antoinette habang sumisipsip sa kape niya.
"don't know" sagot naman ni Amanda, tumingin sakin si Antoinette, i just shrug my shoulders.
napatingin siya kay Samantha na kanina pa hawak hawak ang cellphone at mukhang may katext.
"Hoy Sammy sino katext mo?" tanong sa kanya ni Antoinette kaya pati si Amanda ay napatingin na din sa kanya.
"Si Bailey, may party sa kanila at puro college students yung invited. punta daw tayo" excited na sabi niya na nakapag pangiti sa min. ibig sabihin inuman na naman.
"Say him our yes" nakangiting sabi ni Amanda.
"Alright!" agad naman nagtipa si Samatha sa cellphone niya.
"Bili tayo ng damit girls" Suggestion ko, tumango naman sila agad at pumunta kami sa favorite boutique namin ang 'Sexy Red'
pumasok agad kami dun at kanya kanyang lapit sa mga clothes stand dun, napangiti ako ng makakita ng mga sexy at pang party na damit.
kahit saan ka lumingon ay puro skirts crop tops, sexy dresses ang makikita may mga nighties at lingerie din dito karamihan sa mga damit dito ay kulay pula pero meron ding white black and some dark colors clothes.
"Hi girls, you're here again" sabi nung may ari ng boutique, syempre kilala niya na kami dahil suki niya kami.
"Hi mother earth! may bagong dating kaba jan?" tanong agad ni Samantha
"Of course sweety, wanna see?" nagkatinginan kaming apat at saka sabay sabay na tumango. "Follow me girls" at ayun nga sinundan namin siya sa isang clothes stand na katabi ng cashier.
nang makalapit kami dun ay agad nagningning ang mga mata namin dahil sa magagandang damit, naagaw agad ng pansin ko ang isang black crop top at floral high waist skirt na black din ang kulay pero red ang flowers.
kinuha ko agad yun, baka maunahan pa nila ako kaya dinala ko agad sa counter at binayaran. nang makapili na sila ay binayaran na rin nila ang mga yun.
"Balik kayo girls ha" sabi nung may-ari ng boutique, nginitian namin siya.
"Yah, of course mother earth" sabi ni Samantha, at tuluyan na kaming lumabas sa shop niya.
naglakad na din kami papunta sa exit dahil wala na naman kaming gagawin sa mall.
"Girls 7pm ang start ng party, pero mas ok kung mga 9 na tayo pumunta para mga wild na ang datnan natin dun" sabi ni Samantha bago kami sumakay sa kanya kanyang kotse.
"Alright!"
Antoinette POV
Nasa kwarto ako ngayon at hinihintay ang text ng mga kaibigan ko pero alam ko na masyado pang maaga para sa lakad namin 7pm palang at 9pm ang usapan namin.
nakikinig lang ako ng music sa phone ko habang nakasuot ng earphones ng bumukas yung pinto ng kwarto ko, napairap nalang ako kilala ko na kung sinong masamang elemento ang pumasok dahil siya lang naman ang may lakas loob na pumasok ng kwarto ko ng hindi kumakatok.
lumapit siya sa kama ko at tumayo lang dun, tinignan ko lang siya tapos tumingin ulit sa kisame, yumuko siya at hinatak yung earphone sa tenga ko.
"Ano ba kuya Jay!" sabi ko sabay inis na umupo sa kama ko mula sa pagkakahiga.

BINABASA MO ANG
Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)
Ficción General-W A R N I N G !- this story contains mature content. Ang mga babaeng bida ay walang mga manners at puro kalokohan at kahalayan ang alam, sorry in advance sa mga di kaaya-ayang salita. Charooot! - Apat na magkakaibigang babae, pareho ng hilig, pareh...