CHAPTER 1: KAPIRASONG PAPEL

169 0 0
                                    

CHAPTER 1

JUNE 01, 2015

CENTRAL MINDANAO UNIVERSITY

         

Naalimpungatan si Barbie, sa kakasitsit ng kung sino man sa likod niya. Pawis na pawis at hingal na hingal parang natuyo yata ang kanyang lalamunan galing sa pagkaidlip. Nakatulog pala siya habang nagdi-dicuss si Mrs. Vanessa Ceniza sa harapan, buti nalang natatakpan ng kurtina ang parte niya at di siya kita nito. Naguguluhang nakatingin lang siya sa kawalan. Dahil naulit na naman and kakaibang panaginip nya na pilit nagpapagising sa kanya tuwing hating-gabi.

Isa na namang sitsit ang narinig niya sa pagkakataong ito, lumingon na siya. Nakita niya si Aries, ang nobyo niya. Sumenyas ang nasa likod niya at ibinato ang gusot na papel sa kanya. Pinulot niya at binasa ang nakasulat doon.

Pinasadahan niya ng tingin ang gusot na kaperasong papel. Lowbat kasi siya kaya dinaan nalang siguro sa papel ang mensahe nang boyfriend niya. Nakalagay sa sulat “MAGKTA TAYO SA DATING GUSALI, MISS NA MISS NA KITA.” Biglang sumakit ang kanyang ulo, napahawak siya sa kanyang sentido at binasa niya uli ang papel, nagulat siya dahil iba na ang nakasulat doon. “MAGKITA TAYO SA HUKAY MO, PAPATAYIN NA KITA.”

Pagkatapos  niyang mabasa ang mensahe, may biglang tumulo na pulang tinta. Isa...Dalawa...Tatlo, tiningnan niyang maigi. Dugo pala ang tatlong patak na iyon. Sinundan niya ng mata ang patak at labis na pagkagimbal ang sumalakay sa kanya. Isang naaagnas na bangkay ang nakabitin sa kisame. Napatakip siya sa bibig dahil parang maduduwal na siya sa takot.

Pigil-hiningang nakatingala si Barbie sa bangkay na nakasabit sa kisame. Naka-nganga ang natutuklap nang labi nito. Nanlilisik ang dalawang puting mata nito na puro ugat. Buhaghag na buhok. Gutay-gutay na damit. Naka-ukang pisngi na may kumikiwal-kiwal pang uod na naglalaglagan sa sahig. Bitak-bitak na maitim ng balat na parang natusta sa apoy... Nakaliyad ang pagkakasabit nito na parang paniki na ikinawit sa sanga.

Kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano bumagsak sa harapan niya ang katawan nito. Boooogs! Gumapang ng dahan-dahan ang katawan nito patungo sa armchair na kina-uupuan niya. Di siya makasigaw, parang ayaw lumabas ng tinig niya. Wala bang nakakita sa kanya?, tanong ng isip niya.

May mga butil ng dugo na pumapatak kada galaw nito. Pagiwang-giwang ito habang papalapit sa harap niya.

Iiling-iling si Barbie habang unti-unting gumagapang na pagiwang-giwang ang bangkay papunta sa armchair niya. Kita niya ang mga nalapnos na balat na  dumikit sa semento kada galaw nito. Pansin din niya ang buto sa siko nito na bahagyang naka-usli sa balat. Naglalaway ang buong katawan sa dugo . Nasa paanan na niya ito ng bigalng...tumalon ito sa harap niya.

Kumandong ang naaagnas na bangkay sa kanyang kandungan. Unti-unting kinukuha ang isang kamay niyang nakatakip sa bibig niya at hinawakan ito kasama ng isa pa niyang kamay. Di na siya makagalaw sa ginawa nito pero patuloy pa rin siya sa pagpumiglas.

Nang walang ano-ano’y bumuhos  ang mabaho at malansang likido sa bunganga ng bangkay na nahaluan ng nakakadiring laway na may kasama pang plema na kulay berde. Patungo sa mukha niya ang likido na bumulwak na parang gripo na umaagos sa bibig nito.

Hindi malaman ni Barbie ang gagawin, “Wala ba talagang nakakapansin sa akin?” Tanong na isp niya. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang berdeng likido na kalaunan ay naging kulay abo, yung iba ay diritso sa kanyang bibig, sumabay pa ang mga uod na sing taba ng hinlalaki. Ramdam na ramdam niya ang pagkislot-kislot nito sa loob ng kanyang lalamunan. “God help, kinakain ng uod ang lalamunan ko, tulong-tulongan niyo po ako.” Pero parang walang nakarinig sa kanya patuloy pa rin sa kanya-kanyang ginagawa ang mga kakalase niya sa loob ng silid aralan.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon