CHAPTER 16: PARKE

33 1 0
                                    

CHAPTER 16

Seven Years Ago (September 2008)

Ang araw na iyon ay ang pangalawa sa pinakamaligayang araw sa buhay ni Cris. Dahil unang araw iyon ng pagiging magnobyo nila ni Genesis. Ang una ay kagabi, nangumpisal na kasi sa kanya ang lalaki ng pagmamahal nito. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at sinagot niya agad ito. Sa isang taong pagpapapansin at pagpaparamdam niya rito ay nagbunga na rin sa wakas ang lahat.

Apat na buwan na siyang myembro ng banda nito. Hindi niya alam nuon na marunong pala siyang kumanta. Simula ng makilala niya ito ng minsang may nagyaya sa kanya na mag bar hopping ay duon nagkapuwang ang musika sa buhay niya. Unang kita palang niya rito ay hindi na niya pinakawalan ng tingin ang bokalista ng tumutugtog na banda.

Sa mga oras na iyon ay parang tumigil sa pag-inog ang mundo niya. Ang buong atensyon niya ay napako na sa kumakanta. Mahaba ang buhok nito. Kulay kayumangging balat at  nangungusap na may pagkatsinitong mga mata. Hindi siya natahimik hangga’t hindi niya nalalaman ang totoong pangalan ng kumakanta. Nakalapit siya rito ng matapos itong tumugtog. Halos himatayin siya ng halikan ng lalaki ang  kanang kamay niya ng sabihin niya  ritong gusto niya ito at iniidolo. Magalang itong nagpakilala sa kaniya.

Genesis Caballero ang pangalan na tatatak sa kanyang marriage contract na kanyang asawa pagdating ng panahon. Kinikilig siya habang inaalala ang mga eksena ng una niya itong makilala noong nakaraang taon. Nakaupo siya sa pabilog na upuan ng Abenoja’s Clubhouse. Ngingiti-ngiti siya habang sumisipsip ng Pineapple Juice sa isang sulok habang hinihintay ang kanyang nobyo.

 May nagsalitang lalaki sa likuran niya nakilala niya ang boses nito. “Malubha na ang karamdaman ni nanay. Kailangan na niyang maoperahan ng mayuma.” Tinig iyon ni Aries. Kinabahan siya sa isasagot ng kausap nito. “Wala akong pera, Alam mo namang hindi na ako binibigyan ng erpats ko ng kwarta simula ng mabalitaan nila ang eskandalo na muntikan ko ng pagtira sa kulungan.” Tinig iyon ni Jhon Michael na ang tinutukoy ay ang nangyaring pagkadawit sa pangalan nito sa pagkalat ng Sex Scandal ng mga kaibigan nito at ni Dhana.

Naguluhan siya kung bakit mukhang magkaibigan ang dalawa at mukhang kilalang kilala nito ang isa’t isa. Narinig niyang bumuntong hininga si Aries. “Anak ka rin niya kaya kailangan mo ring gumawa ng paraan. Marami na akong utang kuya. Hindi ko na kayang tustusan pa ang pagpapa-opera ni nanay.” Napamaang ang bibig niya sa natuklasan si Aries at Jhon Michael pala ay magkapatid. Parang bombang sumabog iyon sa kanyang utak. Napamulagat ang mga lalaki ng humarap siya sa mga ito at nagsalita. “Aries? Kapatid mo si Jhon Michael?” Bulalas niya sa harapan ng nahintakutang si Aries sabay turo kay JM na hindi man lang kakikitaan ng emosyon ang mukha.

“Cris, anong ginagawa mo rito?” Natataranta ito ng sambitin ang mga katagang iyon sa kanya. “Nasaan si Dhana, kasama mo buh?” Umiling-iling siya. “Hindi pero pupuntahan ko na siya ngayon din.” Tumayo ito, nakalimutan na kausap pa nito ang kapatid. “Wag mo sanang sasabihin ito sa kanya Cris. Baka hindi niya matanggap at ikasama ng loob niya.” Pinameywangan niya ito, “Hindi Aries masyado na siyang nasaktan at naloko ng kapatid mong walang modo.” Sabay baling sa nagulat na si JM sa gilid niya. Nagdilim naman ang mukha nito sa tinuran niya.

“Hindi ko na papayagan pang tuluyang masiraan ng bait ang kaibigan ko dahil lang sa mga kalokohan ninyong magkakapatid.” Nagmamadali siyang sumibad sa harapan ng mga ito. Hindi na siya nahabol pa ni Aries. Nagpadala nalang siya ng mensahe sa nobyo niya na hindi na matutuloy ang date nila dahil biglang sumakit ang kanyang tiyan. Nagmamadaling pumara siya ng taxi at sumakay duon. Pinatigil niya ang taxi malapit sa bakuran ng mga Vasquez. Humahangos siyang bumaba at binaybay ang daan patungo sa bahay ni Dhana. Si Ate Amour ang nagbukas sa kanya ng gate.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon