CHAPTER 22: MAHIWAGANG KWENTAS

25 0 0
                                    

CHAPTER 22

 Kawashi's Residence (June 7, 2015) 01: 56 PM

 May pagmamadali ang bawat hakbang ni Dhana. Gamit ang katawang lupa ni Daphne ay malaya siyang nakakagala at naisasakatuparan ang mga plano niya. Akala niya ay lubos na masasaktan si Leon kapag napasakanya na ang katawang lupa ni Daphne.

Pero mali siya ng akala dahil ang hinayupak ay mas mahal pa ang kerida kesa sa legal nitong asawa. Yun ang nabasa niya ng minsang pinasok niya ang isipan nito bago paman niya ito inihulog sa hukay at ilibing ng buhay.

Wala na palang halaga rito ang sinaniban niya kaya naman gagamitin nalang niya ito para mapaslang ang kerida ni Leon, si Christy Kawashi. Papunta na nga siya ngayon sa inuupahan nitong bahay di kalayuan sa pinagtatrabahuan nitong club.

Pagdating niya sa tahinik na bahay ay bigla niyang binalya ang pinto. Nagulantang ang babae na nakatapis lang ng tuwalya. Mukhang kagagaling lang nitong naligo. Gulat itong tumingin sa kanya. "Anong ginagawa mo rito Daphne?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Obvious ba para patayin ka?" Mukhang nagulat to sa isinaad niya. Pero madali din naman itong nakahuma sa kabiglaan. "Kailan naman iyon?" Humalukipkip ito sa harap niya.

"Ngayon na!" Mabilis niya itong dinaluhong. Hinawakan niya gamit ang kanang kamay niya ang ulo nito samantalang ang isang kamay niya ay pilit ipinabuka ang bibig nito. Bumulong siya ng isang ritwal na ikinanginig ng boses niya at ang nagtatagong Tarantula sa likod niya ay gumapang patungo sa balikat niya.

Papunta iyon sa bandang braso niya. Bago paman iyon gumapang patungo sa kaharap niya ay bigla niya iyong kinuha saka pinasak sa bunganga ng babae na pilit ang pagkakanganga. Binitiwan niya ito habang hindi nilulubayan ng tingin ang itsura nito sa pagkakapasok ng kanyang Tarantula sa bunganga nito.

Nakahawak ang dalawang kamay sa leeg nito na parang kinakain ang lalamunan nito sa alaga niyang Tarantula. "Patay ka na ngayon Christy. Wala kang kawala diyan sa alaga ko. Mabagsik ang ritwal na inilagay ko diyan kaya di magtatagal ay papasok na yan sa bituka mo at puputok na parang lubo. Kakalat ang lason sa buo mong katawan at mawawala ka na rin sa wakas sa mundong ito."

Hirap na hirap ito sa paghinga. Bumuka-sara ang bibig nito na parang sa pamamagitan niyon ay lalabas ang malaking gagamba na namamahay na ngayon sa bunganga nito. "Hahaha yun ang akala mo!" Hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Biglang umilaw ang pulang pendant sa suot nitong kwentas.

Halos ikasilaw ng mga mata niya ang matinding liwanag na lumalabas duon. Iniluwa nito ang alaga niyang Tarantula. Nangingisay-ngisay pa itong lumabas galing sa bibig nito. Naliligo iyon sa laway ng babae. Parang nanghina ang alaga niya.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon