CHAPTER 8: BAGING NG BALITE

45 1 0
                                    

CHAPTER 8

Napa-angat ang ulo ni Jane sa pagkakayuko dahil sa pagsara ng pinto ng basement. Galing siya sa pag-iyak dahil sa proposisyong ibinigay sa kanya ni Meriam. Nilingon niya ang pinto, nakita niya duon si Cris. Ito ‘yung mang-aawit sa bandang Crisis Management Band. Napakunot noo siya dito, ano ang gingawa nito sa basement na kinukublian niya?

“Ahm, may kailangan ka ba sa akin?” Mahinahon niyang tanong dito. “Ako wala, pero ito meron!” Iniangat nito sa likod nito ang dala nitong palakol. Nahintakutan siya pagkakita niya sa hawak nito. Kaya napa-atras siya, “Anong kasalanan ko sa’yo? Hindi kita personal na kilala para pagbantaan mo ako ng ganyan!”

Tumawa ito, biglang nag-iba ang anyo nito. Nag-anyong lalaki ito na may mahaba ang buhok. “Ngayon kilala mo na ba ako?” Umawang ang bibig niya. Naalala niya ang itsura nito, ito ang madalas nilang  pagmalupitan nuon. Ito ang bakla na kaaway ni Catherine kaya kaaway na rin nila. “Dhana paano mo iyon ginawa? At bakit ka naririto? Anong ginagawa mo rito?”

Hindi ito sumagot samakatuwid ay itinarak nito ang dala nitong palakol sa isang kahoy na lamisa. Para ipakita sa kaharap kung gaano katalim ang dala nitong kasangkapan. Hinablot din nito agad iyon at nagsimula itong maglakad para  lapitan siya. Ini-atras naman  niya ang mga paa sa likod ng may pangamba ng unti-unti itong lumapit sa kanya. Tumigil ito at tinarget siya sabay pakawala ng palakol.

Paikot-ikot sa hangin, papunta iyon sa direksyon niya.  Mabilis ang kilos niyang yumuko kaya ang lumang aparador ang nataga ng palakol nito. Tinakbo siya nito at nahintakutang kumaripas siya ng  takbo. Kinuha nito ang palakol saka siya sinundan.

Ito ang pagkakataon niyang magtago sa likod ng mga nakahilerang drum ng tubig na wala ng laman.  Naramdaman niyang dahan-dahan itong naglakad sa likuran niya at nagsabi, “Yoohoo nasaan ka na, Jane. Kala mo ba, matatakasan mo’ko huh! Diyan ka nagkakamali!” Nanginginig na niyakap niya ang kanyang tuhod sa pamamagitan ng dalawang  braso.

Maya-maya pa’y nawala na ang boses nito sa likuran ng mga nakahilerang drum. Hindi na rin niya naririnig ang mga yabag ng paglalakad nito kaya inakala niya na wala na ito sa likuran niya at iniwan na siya. Umalis siya sa  pinagtataguan para lang mahindik siya. Dahil sa pagtayo niya ay nakaabang sa likod ng mga drum ang nakangising si Cris.

“Huli ka!?” Natatarantang itinulak niya ang mga walang laman na drum sa harapan  nito at akmang tatakas pero naabot nito ang mahaba niyang buhok. Pahiga siyang kinaladkad nito, gamit ang pagsasabunot sa buhok niya. Para namang matatanggal ang mga hibla ng buhok sa kanyang anit.

Nagpapalag ang mga paa niya samatalang hawak ng dalawang kamay niya ang mga kamay nitong nakahila sa buhok niya. May nakita siyang kahoy na pamalo, kaya mabilis niya iyong kinuha at hinataw iyon sa mga kamay nito. Nabitawan siya nito at ang hawak nitong palakol sa isang kamay kaya dali-dali siyang tumayo at tumakbo para tumakas.

Nakakita siya ng bukas na bintana ng basement na ang labas niyon ay hardin na ng mga Espra. Dali-dali siyang umakyat doon gamit ang pagtuntong sa isang silya. Nadama na niya ang mabangong amoy ng mga rosas sa hardin kaya nagbigay iyon ng pag-asa sa kanya.

Pero hindi paman siya tuluyang nakalabas ay bigla nalang may malakas na humatak pababa sa babasaging window pane kaya tumama ang matulis na bahagi niyon sa kanyang leeg. Naramdaman niyang humiwalay ang ulo niya sa kanyang katawan at nawalan na siya ng malay.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon