CHAPTER 25: ANAK NG DIABLO

16 0 0
                                    

CHAPTER 25

Tiniklop ng pari ng isang kamay ang hawak na Bibleya at binasbasan ng Holy Water ang kabaong ni Melanie. Isa-isang inihulog ng kaanak ang bulaklak. Siya ang pinakahuli-hulihang naghulog. Sumambit siya ng isang dasal at lumayo na sa hukay na inilaan para lamang kay Melanie.

Kahit nakasalamin ay ramdam niyang umiiyak ang ama nito na si Jorge. Ang katabi nitong ginang ay malayang nagpalabas ng damdamin. Humahagulgol ito na inakbayan ng asawa nito. Kakikitaan rin ng matinding kalungkutan ang mag-aapat na taong gulang na si Cyril na karga-karga ni aling Lorita. Wala si Genaro sa pagtitipon na iyon. Nanduon ito sa aasawahin nito na nasa kabilang panig ng mga nakahilirang apartment type na nitso.

Inilibing din kasi si Catherine sa mga oras na iyon. Pinagsabay ang tatlong bangkay sa paglilibing. Si Melanie, Catherine at si Jhon Michael ang nakaschedule sa araw na iyon. Abala kasi ang pari sa susunod na araw, mukhang may lalakarin ito. Hindi pa sigurado kung kailan ang balik nito.

Bumalik ang isip niya sa sitwasyon ni Genaro. Hindi niya akalain na magpapakasal na ito sa susunod na buwan. Kung nagulat siya mas nagulat ang mga magulang nito. Nahimatay pa nga ito kahapon ng sabihing mamanhikan sa mansyon ng mga Villazorde ang pamilya Sanchez sa susunod na linggo.

Hindi nila alam ang buong pangyayari pero batid niyang Shutgun Wedding ang magaganap. Tumingala siya sa langit ng biglang may pumatak sa balikat niya. Patak iyon ng ulan at nasundan pa iyon ng magkakasunod-sunod na patak. Hindi siya makapaniwala sa biglaang pagbabago ng panahon. Kanina lang ay pinagpapawisan siya habang nakikinig ng seremonya ng pari.

Nakita niyang kumidlat, naitakip niya ang mga palad sa tenga dahil sa dumadagundong na kulog na limang segundo lang ang pagitan sa kidlat. Parang puputok ang puso niya sa lakas niyon. Hindi niya namalayan kung ilang minuto siyang nakayuko. Narinig nalang niya na sumisigaw ang nobyo niya sa di kalayuan.

Nanduon pa rin naman siya sa ground ng sementeryo. Nakalapida na ang libingan ni Melanie. Wala na ang pulumpon ng tao kanina. Si Aries nalang ang nakita niya sa unahan. Naguguluhang napatingin siya rito. Nag-aalala ang titig nito sa kanya. Tinakbo niya ang direksyon nito pero biglang yumanig ang lupa sa paanan niya.

Unti-unting nangabitak iyon na para itong binubungkal ng malakas na pwersa sa ilalim. Ini-abot ni Aries ang kamay nito sa kanya. Malapit na niyang maabot iyon ng biglang lumundo ang kinatutungtungan niyang lupa. Para iyong unti-unting hinihigop ng pwersa sa ilalim niyon. Pinilit niyang hawakan ang kamay nito pero muntik na siyang masama sa mga lupang unti-unting nagugunaw at nagkaruon ng guwang.

Ng maabot niya ang kamay ng nobyo ay bigla nalang nahati ang lupa sa paanan niya. Humiwalay ang kinatungtungan niya sa kinatatayuan ng kanyang nobyo. Biglang nagkaruon ng siwang at naramdaman niya ang singaw ng init duon. Nahati pa lalo ang lupa at bahagyang naglaglagan ang malambot na lupa na kinatatayuan niya.

Nakita niya ang pagkatumba ng mga puno sa paligid niya at tuloy-tuloy iyon sa nagbubukal na magma sa ibaba. Mukhang katapusan na ng mundo. Umiiyak ang nobyo niya habang unti-unti siyang tumatakbo palayo rito dahil sa madaliang pagkahulog ng mga lupa na tinutungtungan niya. Bumagsak lahat ang mga nitsong nakita niya. Pati na rin ang mga nagtatayogang mauseleum.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon