CHAPTER 13: LIBRARY

73 0 0
                                    

CHAPTER 13

Ika-apat na araw na ang nakalilipas pagkatapos ng insedenteng naganap sa batis. Labis niya iyong kinasusuklaman pero wala na siyang magagawa pa buhat doon. Nangyari na ang mga nangyari. Hindi na niya maibabalik pa ang kahapon. Hindi na niya mababgo pa ang nakaraan.

Kung kaya napagdesisiyonan na lang niyang pumasok na sa paaralan. Sawa na siyang magmokmok sa apat na sulok ng kanyang silid. Papasok pa lang siya sa paaralan ng mapansin ang kakaibang titig ng mga estudyante sa kanya. Titig ng mapanghusgang mga mata. Titig na nagbibigay sa kanya ng pangamba.

Halos tagos sa kanyangkaluluwa ang mapanuring mga titig ng mga schoolmates niya. Pakiramdam niya ay hubad na siya sa paningin ng mga ito. Naghinala siya lalo ng magbulungan ang mga tao sa paligid niya. Kinabahan siya ng biglang lumapit si Cris sa kanya. Mukhang may dala itong masamang balita sa kanya.

Nuon lamang nagkaroon ng linaw sa kanya ng isiwalat nito ang mga naganap. May kumakalat na Sex Video sa paaralan nila at siya ang nasa video na iyon kasama ang dalawa pang lalake. Halos mapugto ang hininga niya pagkatapos panoorin ang malaswang palabas. Iiling-iling na pinagmasdan niya ang kaklase sa paraang hirap na hirap sa natuklasan.

Nanghihina na ibinigay niya kay Cris ang videophone nito. Ang nakita niya sa video ay hindi kabuo-an ng totoong naganap. Parte lamang iyon. Walang senyales ng kanyang pagtutol sa palabas. Nagsimula ang video ng biglang ipasubo ni Patrick ang sandata nito sa kanya at natapos iyon ng makaraos na ang dalawa. Ni hindi makikita sa video na nanglaban siya at ang mga ungol at luha niya ay aakalain mong parte lang iyon ng pagtatalik nila.

Pero hindi iyon ang kabuo-ang pangyayari. Edit lamang ang sex videong iyon. Binura ang mga pagtatalo nila ni Jhon Michael. Ang mga masasakit na salita na binitawan nito sa kanya. Ang panghihingi niya rito ng tulong. Kahit wala itong parte sa video mapapatunayan sana duon na inosenti siya. Kapag narinig ng mga manonood ang boses nito. Lumaktaw ang video, hindi iyon ang simula at hindi rin iyon ang katapusan. May nagsabotahe ng videong iyon batid niya.

Biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya kaya napakapit siya sa mga braso ni Cris. “Alam kung hindi iyon ang kabuo-an ng palabas Dhana. Dahil narinig kung pinag-uusapan ka ng Maldita Girls. Narinig ko sila sa Ladies Room kanina. Ikaw ang paksa nila. Hindi ko alam ang totoong nagyari pero batid kung hindi mo kagustuhan ang mga naganap sa video. Narinig ko rin na si Catherine ang may pakana ng lahat. Mas mainam siguro kung umuwi ka nalang muna ngayon. Para hindi kana masyadong stressed dito.” Ginagap nito ang nanlalambot niyang mga kamay.

“Salamat Cris, pero hindi. Sumusobra na ang Catherine na iyan. Kailangan ko siyang hanapin dito ka lang. Kokomprontahin ko lang siya.” Hindi na siya nito napigilan dahil mabilis siyang humiwalay dito. Mabilis ang mga hakbang na pinanhik niya ang ikalawang palapag upang hanapin ang may pakana ng eskandalo. Pero sa kasamaang palad ay hindi niya ito nakita. May pagmamadali niyang hinakbang ang pasilyo at akmang bababa sa hagdan ng makita si Melanie sa dulo ng hagdanan.

Madilim ang anyo na nakatingin ito sa gawi niya. Hindi niya alam kung aabante o aatras. Basta ang alam niya ay nanigas siya sa posesyong iyon. Nag-aalab ang mga mata nito sa galit. Nanganganib siya sa sitwasyong iyon. Inihakbang niya pabalik ang mga paa dahil sa takot. Pero mabilis nitong naakyat ang hagdan. Walang babala na sinugod siya nito. Hinablot nito ang alon-alon niyang buhok at sinabutan iyon.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon