CHAPTER 6: PATAK NG DUGO

35 0 0
                                    

CHAPTER 6

AURORA CENTRAL  POLICE STATION: JUNE 3, 2015

Mag-uumaga na ay nasa presinto pa rin si Aries at Barbie. Nagpapaliwanag sa aksidenting nangyari kagabi na ikinamatay ni Melanie. Nakatulog na ang bata sa pagkahapo at matinding pag-iyak.  Natawagan na nila ang mga kamag-anak ni Melanie at si aling Lorita naman ay kasalukuyang inaayos ang mga  labi ni Melanie sa bangin. Kasama ng ginang ang anak na lalaki nito na si Genaro.

Napagdesisyonan nilang hindi muna ipa-alam kay Cyrus ang nangyari sa asawa nito baka magwala pa ito sa mental. Gamit ang cellphone ni Aries na tanging nasalba nila sa aksidente ay nagpasa ng mensahe si Genaro na nai-ahon na ang sasakyan nila sa bangin. Nadala na rin sa morge ang katawan ni Melanie na hindi na halos makilala dahil sa pagkatotong ng mga laman sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito. Sinabi pa ng binata na may mga gamit itong ibibigay sa kanila na naisalba at hindi nasira ng matinding apoy na lumamon kay Melanie ng buhay.

Maya-maya na nga’y dumating na nga si Genaro dala ang supot na may laman na mga gamit na naisalba at isa na duon ang bronseng salamin na bigay ni Corazon. Para pa rin iyong bago, binusisi niya iyong maigi pero hindi niya nakitaan ng anumang sinyales na nasunog ito. Sadya nga iyong mahiga, ang sabi niya sa kanyang isip.

********************************************************************************

4 Hours Earlier 1:45 AM (June 3, 2015)

ABENOJA’S CLUBHOUSE:

Huling salang na iyon ni Cris kasama ang banda niyang Crisis Management. Malakas ang loob niyang mag-perform sa harap ng kumpol-kumpol na mga tao sapagkat nasa likuran lang niya ang kanyang kabiyak na si Genesis. Kinakanta na niya sa mga oras na iyon ang pinakasikat na kanta niyang I Am Alone. Pumailanlan ang intro niya. I am alone, but I’m not lonely. I hurt you but I’m not sorry. I don’t care about your money. I’ll be gone to find somebody.

Sa sulok ng kanyang mga mata habang patuloy na kumakanta ay namtyagan na naman niya ang nakita niya kanina sa dressing room. Nasa dulo ito ng mga nakahilerang upuan sa likod. Ito lamang ang nakatayo kaya mapapansin talaga ito. Biglang may dumaan na waiter at mababangga ng waiter ang taong nakatayo. Laking gulat niya ng bigla nalang tumagos sa katawan ng tao ang waiter at para itong naging usok sabay nawala. Pumiyok tuloy siya kaya waring na-alarma ang mga nanonood.

Pero mabilis din siyang nakabawi at maya-maya pa’y ina-abot na niya ang pinakamataas na nota ng kanta sa kabila ng kanyang pagtataka. Yumukod siya sa mga manonood pagkatapos na pagkatapos ng huling birit niya. Kinawayan niya ang mga tao at lumisan na siya ng stage pagkatapos.

********************************************************************************

CABALLERO’S RESIDENCE: 3:10 AM (JUNE 3, 2014)

Nakaramdam ng matinding panlalamig si Cris. Medyo sumakit ang ulo niya kaya hindi na siya nagtagal sa Abenoja’s Clubhouse. Kasalukuyang may nagaganap na kasihan duon pagkatapos ng kanilang mini-concert na ginanap mismo sa clubhouse. Nag-taxi nalang siya pauwi at hindi na ginamit ang family van nila kung saan sasakyan mamaya ng team niya at ng kanyang asawa. Kapag umuwi ang mga ito.

Sinara na niya ang maindoor ng mansion niyang kagagawa pa lamang. Hinayon ng tingin niya ang boung paligid. Kahit pagod siya, nasisiyahan pa rin siyang umuwi sa bahay niya at makita ang resulta ng pinagpaguran niya. Tuluyan na siyang naglakad papunta sa hagdan. Inaantok na pinanhik niya ang taas. Lumalagotok ang takong ng boots niya sa hakoy na hagdan. Ito lang ang tanging ingay na maririnig sa paligid.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon