CHAPTER 14: BASAG NA MANGKOK

49 0 0
                                    

CHAPTER 14

MARY SHEBA FUNERAL HOUSE (JUNE 5, 2015)

Humihikab si Barbie na nakasandal sa pataas na upuan katapat ang ataol ni Melanie. Nakalagak ito sa Mary Sheba Funeral House. Nasa station 6 iyon, ang ika-anim na pinapaupahang silid para sa mga naglalamay. Dumaan si Genaro sa kanya inaalok siya ng isang mug ng kape. Nakita niya si Aling Lorita na nakatayo sa ataol ni Melanie karga ang tatlong taong gulang na si Cyril.

May binili pa saglit ang asawa niya kaya naiwan siyang nag-iisa sa upuan. Alas dyes na iyon ng gabi pero wala siyang planong umuwi. Parang kay bigat ng kanyang mga talukap. Napa-idlip siya dahil sa pagod at matinding puyat. Hindi niya namalayan kung ilang oras na siyang naiidlip. Nang imulat niya ang mga mata ay nandun pa rin siya sa kinauupuan niya. Sinuyod niya ng tingin ang paligid at wala siyang tao na nakita roon.

Pero may fog na bumalot sa loob ng silid. Natatanglawan lang ang silid ng mga kandila na inilagay sa kandelarya. Nandun pa rin ang kulay puti na ataol at mga bulaklak ng patay sa gilid niyon.

Parang may nag-udyok sa kanya na tignan ang kabaong ni Melanie. Dahan-dahan siyang lumapit doon, pero wala siyang nakita sa loob. Nagtataka siyang yumuko pa lalo sa salamin niyon, pero bigla siyang napasigaw ng mabilis na gumapang ang bangkay ni Melanie sa ulunan ng kabaong galing sa isang sulok.

Buhok lang ang nakita niya at maya-maya pa’y umikot ang ulo nito at ngumiti ito sa kanya na butas ang mata. Hindi si Melanie ang nakita niyang bangkay na nakanganga. Hindi niya matandaan ang pangalan nito pero batid niya na kilala niya ito. Nanginig siya pagkakita rito. Bigla siyang napa-atras sa pagkakayuko sa ataol.

Ng may dumaan sa likuran niya, para iyong hangin sa bilis. Pero wala siyang nakita ng pumihit siya patalikod. Bagkus may bulto ng tao na naglalakad palabas sa nakabukas na pintuan ng punerarya. Sinundan niya iyon pero pag-apak ng mga paa niya sa labas ay nasa gitna na siya ng kagubatan. Lumingon siya sa pinanggalingan pero wala na ang pintuan roon ng punerarya. Pulos na nagtatayugang puno ang nandun. Nagtataka man ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

Tumatanglaw sa gabi ang liwanag ng bilog na buwan. Nakita niya ang bulto ng tao na mataas ang buhok na tumatakbo. Tumatakbo ito na waring hinahabol ng kung sino. Nagmamadali rin niyang nilapitan ito. Para alamin kung sino ang humahabol dito. Umabot sila sa dulo ng bangin.

Tumingin ito sa ilalim niyon at tumingin ito sa kanya na waring takot na takot. Nalaman niya na lalake pala iyon at mahaba lang ang buhok kaya aakalain mong babae ito. Umiiyak ito sa harapan niya. “Please Barbie wag mong gawin sa akin ito. Please nagmamakaawa ako sa’yo!”

Naguluhan siya sa pinagsasabi nito, ini-angat niya ang kamay para sana aluin ito pero laking gulat niya ng may maramdamang may hawak siya. Tangan ng kamay niya ang kutsilyong may dugo ang dulo. Nagulumihan siyang tumingin rito. “Anong nagyayari? Bakit ako may dalang kutsilyo?”

Pero umiling ito na waring takot na takot sa kanya. Lumapit pa siya rito, pero tinabig nito ang kamay niya kaya nawalan ito ng balanse. Nahulog ito sa pagkalalim-lalim na bangin. “Dhana!!!” Naramdaman niyang may sumisigaw sa pangalan na iyon. Pero laking gulat niya ng malamang sa kanya galing iyon. Tuluyan na itong nilamon ng bangin na hindi kita ang dulo dahil sa sobrang lalim.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon